Chapter 2 - Reinne Montejon

10.9K 195 0
                                    

Sobrang ingay dito sa Domestic Airport.


It's been 8 long years ang lumipas at akala ko hindi na ako babalik pang muli dito but just to honor the word of my father , I came back!


Nakatayo na ako dito sa labas ng Airport at palinga-linga. Alas dyes na ng tanghali at ang init na pero wala parhn ang susundo sa akin!


Asan na ba yun??


Ilang minuto pa ang lumipas ng makita ko ang isang lalakeng may hawak na kapirasong papel, nakasulat ang "Montejon" at nakikipagsiksikan ito sa mga tao. Napapailing akong lumapit dito.


"Kuya I'm Reinne Montejon! Tara na, nandun yung mga dala ko."

"Ah sige po Ma'am" sa natataranta niyang tono.


Agad siyang tumalima at binuhat ang mga bagahe ko't dinala sa Montero.


Sumakay na rin ako at napabuntong hininga. Pinaandar na niya ang sasakyan kaya nagheadset na rin ako. Nakita kong sumulyap siya sa rear view mirror at akmang magsasalita pero agad akong pumikit, ayoko nang marinig pa kung ano man ang paliwanag niya. Tsk!

...


"Ma'am nandito na po tayo."

After 4 hours!!

Hay naku! Mabuti naman!


Hindi ako nagsalita. Bumaba ako sa Montero at naglakad lang ako papunta sa loob ng Mansion, nabungaran ko si yaya linda na nakangiti sa akin.


"Naku iha! Ang laki laki mo na ! At lalo pang gumanda! Kumusta ang biyahe? Pasensya kana kung late ang sundo mo ayaw kasing umandar kanina ang favorite mong Montero. Kumain ka muna ipinaghanda kita."


Heto na naman po ang yaya kong makulit!


"Mamaya na lang po hindi pa ako nagugutom. Aakyat na lang po muna ako gusto ko pong matulog muna."

Tumango lang si yaya. Paakyat na ako ng may maalala ako.


"Ah, yaya linda pahanda na lang po ang montero pupunta po akong St. Claire mamaya."

"Sige iha...!"


Yun lang at umakyat na ako. Same old place! Same old memories! Hay! Nakarating na ako dito sa silid ko, pabagsak akong nahiga sa kama at pumikit.

...


Alas tres na ng hapon at pababa na ako para mag enroll.


"Iha, tumawag ang mommy mo sabi niya tawagan mo daw siya."

Tumango lang ako.

"Aalis na po ako."

...

Lulan na ako ng Montero ng mapadako ang tingin ko sa pamilyar na lugar. Maegan... Napabuga ako ng hangin at pumikit.


Your the reason why I came back. Dad wants me to come back for you before he died. He died in vain dahil sa hindi mo siya pinakinggan.

Passion Of The Heart (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon