Chapter 16 - Dating Game

6.3K 128 0
                                    

'Maegan'

........................

"Okay! let's drink to that people!!"




My God Ginger! A beach party!!? Isinama pa si Chin, Ziel, Ivy and ang magkasintahang Maxene at Nicole! Nakakainis!




"Who's cool for a truth or dare with a twish??!!" Sigaw ni Ziel. Kakuntyaba yata sila ah??!! God!




"Game!!" masiglang sigaw ng lahat.





Pinaikot ni Ginger ang bote at unti unti itong tumigil. God! wag po sa akin! Walangjong Ginger to! Nabunutan ako ng tinik ng tumigil ito kay Ziel.





"Ok ziel truth or dare?" tanong ni Ginger



"dare!" masayang sagot naman nito.




Tumahimik saglit ang lahat at mukhang nag iisip ng ipapagawa. Nakita ko namang tahimik lang si Jean, anyare? ng magsalita uli si Ginger.




"Call your boss and tell she's ugly and stupid! " tatawa tawang sabi ng bakla,gaga talaga to!


"What?! Ayoko!" napabulalas ito.


"You heard me! Game na, wag kj!" sigaw naman ni ginger!



Wala na siyang nagawa pa, tumatawa ang lahat habang nagdadial si Ziel, nakaloud speaker ito para marinig naming lahat, saglit kaming tumahimik ng may sumagot sa linya oh my god! ang pula pula ni ziel!


"hello??"

"Chloe? ahm, anu! your ugly and stupid.! -------------------------------------------------- No! no! no! werd just playing truth or dare, I love you!"



Agad agad niyang ibinaba ang phone, nagtawan naman kami at binuhusan siya ng dalawang timba ng tubig na puno ng yelo.haha! with a twist nga di ba.



Natutuwa ako kay Ziel kasi hindi siya showy nung nag aaral pa kami,  umamin siya sa akin that she like me before our graduation pero friendship ang inoffer ko pasalamat na lang ako at malugod naman niya itong tinanggap at heto nahuhumaling kay Chloe. Si chloe na friend noon ni Reinne. Small world.

..




Umikot ulit ang bote at tumigil kay Ginger. Lumawak ang pagkakangiti ko tawanan naman ang lahat sa itsura niya, buti nga sayong baklita ka.



Si maxene ang nagtanong. "Truth or Dare??"



"I'll go with Dare!" masiglang sagot nito.



Nagbulong bulungan kami at napangiti ng nakakaloka pagkatapos.




"You see that two dating over there? Go and kiss the guy for 1 minute." nakangising sabi ko, tingnan nga natin.




Napapalunok ang bakla! Pakendeng kendeng itong naglakad na nagtungo sa direksyon nung dalawa.



Ilang saglit pa in an instant Ginger is wildly kissing the guy!! Oh my god! yung itsura nung kadate ganito o 0.o   



Mamumula siyang bumalik sa amin! And yung guy ang pula, pinagsasampal nung babae. patay! Nagpalakpakan ulit ang lahat!




"Mga gaga! buti hindi ako sinabunutan yung kadate! haha!! oh Gosh ampoge ni fafa!!!" tumingin kami ulit sa dalawa pero wala na sila.





Muling umikot ang bote! Wag ako! wag ako! please!!!! napapikit ako.




"Oh Jean! ikaw!! truth o dare??" sigaw parin ni ginger.





Oh thank you lord at hindi napunta sa akin! Napabaling ako sa excited na boses ni Ginger! Pinandilatan ko ito ng mata pero inirapan lang ako! mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari!




"Dare...?" sagot ni Jean bigla namang nagseryoso ng facial expression ang bakla.




"Okay, eto seryosong dare, ask anyone here ang gusto mong makasama ng one whole night." pahayag ni Ginger.




Tumahimik uli ang lahat at nakatingin lang kami sa kanya.tumikhim ito bago nagsalita. Unti unting naglalakbay ang mga mata nito sa amin habang nagsasalita.





"Will you go out with me tonight... " Napatigil ito kasabay ng pagtigil ng mga mata niya. "Maegan?"




Nakatitig lang siya sa akin and I can see hope in her eyes, ayoko sana cause I don't want to hurt anyone ayokong umasa siya but dahil Kay ginger ang bruha kong bestie heto ako natutuliro.




"okay.." sagot ko.




Nagpalakpakan uli ang lahat at itinuloy namin ang laro.

...







"Are you okay...?"




Narinig kong tanong ni Jean, Kasalukuyan kaming nagdidinner dito na coffee shop na inayos pala nina Ginger, sabi na kasabwat yung mga yun e.



"Oh yeah may naalala lang ako."




Feeling ko mali tong ginagawa ko. I can't hurt you! physically I'm here pero ang isip ko nasa iba! Nakay Reinne!




"Ah Jean! Can we talk?"




Hindi na ako nakatiis pa ayokong makasakit ano ba!




"Relax Maegan. Alam ko naman na may iba kang mahal and kung ano man tong nararamdaman ko para sa'yo i can supress it."




Nagulat ako sa sinabi ni Jean. Hindi ko ito inaasahan kaya napatulala lang ako sa kanya.



"Jean..."



"Hey! Cheer up okay! Hindi naman ako mag wo walk out kung yan ang nasa isip mo! We can atleast enjoy this as a friendly dinner! Sayang ang effort ni Ginger pag nagkataon."




Tumawa ito ng walang halong hinanakit. Ramdam ko at kita sa mga mata niya.




"Maraming salamat Jean..."



"Nah. It's cool, were cool right? Kumain na tayo adik ka"



Nginitian niya ako kaya gumanti narin ako ng ngiti, pasalamat na lang ako at naiintindihan niya, ilang saglit pa at masaya na kaming kumakain.

..................................................................






(*¯︶¯*)

Passion Of The Heart (girlxgirl)Where stories live. Discover now