Chapter 23 - First Date

6.7K 118 3
                                    

'Reinne'

........................

"Maegan...Tara na kumain na tayo sa labas!"


Pangungulit ko dito. Tanghaling tapat na busy parin ano ba yan!



"Reinne naman! dito na lang tayo! order na lang tayo dami ko pang gagawin o! "


"Sige naman na please...... gutom na ko o! Di pa ako nag agahan!-----Aray!"




"Ano?? Bakit hindi ka nag agahan?? Tapos ngayon nagrereklamo ka?! sipain kaya kita riyan!"

Huhu! ang sweet ng girlfriend ko, Pero napilitan din itong tumayo!

...








..

'Maegan'

........................

Sa kalapit na Mall kami nakarating ni Reinne sa paghahanap ng makakainan. Ito lang kasi ang pinakapraktikal na puntahan pag nagugutom! Isip bata!






Maraming tao ang namamasyal at nag shoshopping. Its quite unusual dahil school days naman ngayon. Palinga linga kami ng mapansin ko ang mga dekorasyon.




"Valentine's Day pala ngayon, kaya pala madaming tao" sabi ko




"Three day sale lang yan" wika nito.




"Hindi, Valentines Day------- Aray!"




Hindi na maiiwasan pang masagi kami at may makabangga dahil may okasyon ngayon pero nagulat ako ng hablutin ni Reinne ang kwelyo ng damit ng isang teenager na nakabangga sa akin.


"Hindi mo ba nakitang may nasaktan ka?? Mag sorry ka!" maawtoridad nitong sita sa binata




"Kanino??"



"Sa girlfriend ko! Mag sorry ka kung hindi ihahagis kita sa escalator" ipinaharap niya sa akin ang bata.



Tumingin naman sa akin ang bata. "Sorry Miss. Pwede ba pakisabi sa girlfriend mo bitawan na niya ako? Nasisira na ang japorms ko e!"




Naku maaawa na sana ako kaso ang gaspang magsalita ng lokong to!




"Nagsosorry ka ba o nakiki usap lang na bitawan ka ng girlfriend ko??"



"Sige sorry na miss..."

Sa wakas tinablan din ang bata. Binitawan na rin ni Reinne ang damit nito pero bago umalis may ibinulong pa ito.



"Bagay nga kayo pareho kayong praning!"




"May sinasabi ka?? baka gusto mong makatikim ng upper cut at side kick?" biro ko



"O gusto mo talagang maihagis??" biro rin ni Reinne


Humalukipkip ito at patakbong umalis. So much for trippings. Natatawa kaming napailing ni Reinne.


"Hindi kaya ipakulong tayo nun?? mukhang magkakaroon na yun ng serious psychological damage sa ginawa natin e"




"Okay lang yun... buti nga yun para matuto siya. tara?"


Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Ilang sandali pa ng makakita kami ng restaurant.



Papasok na kami ng sinalubong kami ng dalawang waitress.



Passion Of The Heart (girlxgirl)Where stories live. Discover now