Chapter 28 - The Party

6K 104 0
                                    

'Maegan'

……………………

For a reason pinatawad ko na naman si Reinne at heto dumating na rin ang time na makikita kong muli ang mga Montejon pero habang lulan ng kotse iba na naman ang tinatahak na daan ni Reinne. Hindi papunta sa mansion kundi papunta sa isang makitid na daan.





Naalarma ako sa nakikita. Isang luma

na lugar ang nabungaran namin pagkapark niya ng kotse sa harap ng building.






"Reinne! akala ko ba mag meet up tayo ng family mo? bakit dito? Don't tell me nandito sila??"






Seryoso? Reinne just smiled at me. Hinila na niya ako papasok sa loob. Wala narin akong magagawa pa kaya nagpatianod na lang ako hanggang makapasok kami.

...






Hindi naglipat sandali'y nakaratimg na kami dito sa loob. Isang engrandeng salu salo ang nabungaran ko. Nakita kong nakangiti lang si Reinne sa akin. Nagtatanong man ang mga mata ko wala akong narinig kahit isang sagot manlang kay Reinne.




Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang daming tao na nagkukumpulan.


"Tara dun tayo."




Narinig ko itong nagsalita at iginaya niya ako sa isang table. Sa table ng Familia Montejon..




Ilang saglit pa ng makalapit kami. May isang batang babae na naglululundag sa tuwa ng makita si Reinne. Sumunod naman ang isa pang babae at si Kuya Raul kasunod naman nito ang Mama ni Reinne Si Donya Aurora. Napalunok ako sa striktong mukha nito kahit nung mga bata pa kami natural ng ganito ang mukha niya. Nakakasindak pero napakasophistikada at napakaelegante. Naramdaman kong pinisil ni Reinne ang palad ko para pakalmahin ako. Hindi ko malaman ang gagawin ko kinakabahan ako ng makalapit na siya ng tuluyan.





"Good evening ma'am.."


"Maegan! hello iha. it's been a long time."




Hindi ko inaasahan pero niyakap ako nito at magiliw na binati. Kumalas lang ito sa pagkakayakap para paupuin kami. Halos napalitan narin ng tuwa ang kabang naramdaman ko kanina habang kakwentuhan ang mga ito.





"Pasensya kana iha dapat sa mansion tayo kaso ang girlfriend mo makulit. "


"po? ano po bang meron?"



"Aba'y ewan ko din dun iha! sandali lang Raul saan na ba nagpunta ang kapatid mo?"




Oo nga! saan na yun? di manlang nagpaalam?



"mag cr lang daw mom. kuha lang din ako ng drinks wait mom. Maegan"



Tumango kaming pareho at bumaling ulit ito sa akin at nagsalita.


"oh! okay. iha saan na nga ba tayo? pasensya kana nagiging ulyanin na yata ang mama niyo.hahaha."


Malutong na tumawa si Tita Aurora kaya napatawa narin ako.



Ilang sandali pa kaming nagkukwentuhan ng magpaalam din itong mag cr kaya naiwan akong mag isa. asan na ba kasi yun? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko siya makita.


Naiinip na ako sa kakahintay kaya naglalakad lakad ako ng makarinig ako ng malakas na putok. lahat ng tao sa loob ay parang iisa ang isip na nagsilabas kaya napasunod din ako. May pumutok ulit at nakakagulat na parang nagsiakyatan lahat ng dugo sa ulo ko.




Napahakbang ako papunta sa labas kung saan nanggaling ang putok at napatingala ako sa langit.




Sa isang iglap parang mga bituing maliliit na nahuhulog sa langit ang isinaboy ng putok na yun. isa isang may pumutok ulit. nakakamangha. iba't ibang hugis at kulay ang lumulukob sa lugar kung saan ako nakatayo.





"do like it..?"



Isang malambing na boses ang pumailanlang sa paligid. isang familiar na boses pero ilibot ko man ang mga mata ko sa paligid wala akong makitang Reinne.




Ilang saglit pa akong nakatayo ng maaninag ko sa liwanag na dala ng fireworks ang mga batang sunod sunod na lumalapit sa akin at may hawak na tig iisang red rose..




Nakangiti at puno ng kagalakan na inabot ko ang mga ito hanggang sumunod ang mga taong hindi ko inaasahan na makita. Nandito din ang mga kaibigan ko at nakangiting papalapit sa akin.





"bestfriend..!"


"hey! lokaret haba ng hair ha!"






Nangingislap ang mga mata ko sa tuwa na nararamdaman ko. Sunod naman na lumapit ang family ni Reinne na kakwentuhan ko lang kanina. Pati si Liza kasama ang boyfriend nito at si Trixie na pinagselosan ko kasama naman si kuya ronnie.





"salamat tita.."


"ayoko ng tita call me mom." nakangiting niyakap ako nito.





Naiiyak na ako sa tuwa na nararamdaman ko. oh reinne... Ilang saglit pa ang hinintay ko ng maaninag ko si Reinne.. May hawak din itong red rose at Nakangiti itong nangingislap din ang mga mata na palapit sa akin..



"Maegan... I'm so sorry for loving you.. Will you marry me.."




Kasabay ng pagbigkas niya ng mga katagang kaytagal kung hinintay namukadkad ang hawak niyang bulaklak at lumabas ang isang singsing.




Nakatayo lang akon at hindi makapaniwala sa nangyayari. Lumuhod ito sa harap ko at matamang naghihintay ng sagot.




"hmm...  bakit plastic to?" sabay tingin sa bulaklak.

"because I promise to love you till the last rose dies"

"Oh Reinne! Thank you, ofcourse I will marry you!"


Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayang tumayo. Nakangiti itong kinuha at ixinuot ang singsing sa daliri ko.



"Thank you.. Maegan.. I love you.."


"I love you more Reinne.. And you don't say sorry for loving someone, don't ever say sorry for loving me..okay?"



Tumango ito at masuyo akong hinalikan sa labi.. narinig kong nagpalakpakan ang lahat at may humihiyaw rin sa kagalakan. Tinugon ko ang halik ng mahal ko at pinagsaluhan namin ang isang halik na puno ng pagmamahal.



.?.............................






Passion Of The Heart (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon