Chapter 1

8.7K 163 50
                                    

“Tangina, Alston! First day na first day hindi ka papasok?”

Agad kong inilayo ang cellphone sa tainga. Gagong Erald ‘to, ang aga-aga walang ginawa kundi sigawan ako. Kung alam ko lang na siya ‘tong tumatawag, hindi ko na sana sinagot.

“Ano naman ngayon kung hindi ako papasok? Is there something new with that?” I sarcastically replied as I pulled down the string of the blinds in my room.

Pinapatay na naman ng tatay ko ‘yung aircon kaya nakataas ‘tong blinds. Tss. Akala mo mauubusan kami ng pera kung makapagtipid.

Isang pamilyar na halakhak ang narinig ko mula sa kabilang linya. Pupusta akong si Io ‘yon, sa halos anim na taon kong kaibigan ‘yung dalawang gagong ‘yun, halos kabisado ko na pati paghinga nila.

“Sembreak na kasi ni Buenavista! He probably booked a flight for his Boracay getaway, ipag-uwi mo na lang kami ng tig-isang chicks pre,” sabay tawa ulit ni Io.

“Gago, babae na naman nasa isip mo.” iiling-iling kong sagot sa kabilang linya.

“Doon ka na nga, Ignacio Orlando! Nanggagatong ka lang, lalong ‘di papasok ‘tong si Alston e,” pang-aasar ni Erald.

Ilang minuto pa silang nag-asaran, ayaw na ayaw talaga ni Io na binabanggit ang totoo niyang pangalan. Napaka-old fashioned naman kasi, ewan ko ba sa mga magulang niya at iyan ang napagtripang ipangalan sa gagong ‘yan.

“Ano na, Erald? May sasabihin ka pa ba? I need to sleep, man!” I complained.

Putsa, e halos dalawang oras pa lang tulog ko. Pinuyat na naman ako ng pesteng Clash of Clans na ‘yan.

“Tangina mo, Buenavista! Huwag mo kong ini-English English dyan ha! Matulog ka na lang diyan at kalimutan mo na ‘yung pangarap mong maging Captain ng team!”

I mentally faceplamed when I heard what Erald said on the other line. Fuck. Muntik na akong mapariwara nang hindi oras! “Tangina mo rin, Hernandez! Nawala sa isip ko na ngayon ‘yung announcement ni Coach. Alam mo namang 5AM na ako natulog, mga gago kasi kayo at hinayaan niyo kong mag-isang maglaro!”

“Sana kasi pinatalo mo na lang, pagbigyan mo naman kahit minsan ang kalaban. Hindi nakakatikim ng panalo e,” mayabang na sagot nito.

“Yabang mo, gago!”

“Matagal na! Kaya ikaw kumilos ka na diyan kung ayaw mong magmakaawa kay Mang Lito para pagbuksan ka ng gate!” hirit pa ni Erald bago pinutol ang linya.

Dali-dali kong kinuha ang charger ng phone ko nang matapos ang tawag. Napatingin ako sa wall clock at napamura nang makitang 7:45 AM na. I need to get there before 8AM, or else I’m fucking done.

Tangina, bahala na.

---

I was out of breath when I reached Veles National High School or commonly known as Veles High, a public highschool here in our town. Halos ilang ektarya din ang sakop ng Veles High, kaya halos dito nag-aaral ang ilang libong kabataan mula sa bayan ng Veles.

Veles High is one of the schools who consistently bring students up to the National Level when it comes to academic competitions. Pati nga sa Palarong Pambansa ay may representative din ang Veles High.

Kaya kahit maraming pera ‘yung tatay ko, ipinilit niya talagang ipasok ako rito sa Veles High. Hindi naman ako nagreklamo, sawang-sawa na rin naman ‘yung tiyan ko sa Italian pizza at tuna pesto na palaging nasa menu ng pinanggalingan kong International School.  

It’s already 8:30AM. If I show up at class at this rate, I’ll probably get scolded by our new adviser. Siguro pagkatapos na lang ng recess ako magpapakita. Kaya agad akong nagtungo sa 2nd canteen ng school, may tatlo kasing canteen ang Veles High dahil hindi kakayanin ng isang canteen lamang ang dami ng estudyante rito.

Twenty Firsts of January (Veles High Series #1)Where stories live. Discover now