Chapter 7

2.7K 126 48
                                    

   Sermon ang inabot ko noong makita ni mom ang quiz ko sa AP. Itatapon ko na dapat iyon kanina kaso ay nakalimutan ko. Ayan tuloy at nakita niya pa, minsan talaga mahilig din mag-inspect ng gamit ang mommy.

“Anak naman, bakit ganito ang score mo? It’s just AP!”

Bumuntong-hininga ako. “Quiz lang ‘yan ma. I’ll do better next time, okay?”

“Iyon na nga, Alston. Paano pa kapag periodical exam niyo na?”

“Mom, don’t overthink. Malayo pa ang exam,” tumayo ako sa kama at hinawakan siya sa braso. Dahan-dahan ko siya iginiya palabas ng aking kwarto. Lalong hahaba ang sermon kapag ‘di ko pa siya pinaalis. “Punta ka na sa hospital ma, it’s time.”

She kissed me on the cheek before heading out. Ilang paalala pa ang ibinilin niya sa akin na paulit-ulit ko na rin namang naririnig sa kaniya. Umo-oo na lang ako para tapos na ang usapan.

Kinabukasan ay dumating ako sampung minuto bago magsimula ang klase. Binati pa ako ni Kuya Nestor, iyong isa mga guard ng Veles High. Tuwang-tuwa ito dahil sa wakas raw ay pumasok ako nang maaga. Ka-close ko kasi siya kaya binibiro ako lagi.

Kapag wala kasing practice sa gym ay late na talaga akong nagigising sa umaga. Sa basketball lang talaga malakas ang disiplina ko.

Inabutan ko ang mga kaklaseng kong nag-eensayo para sa nalalapit na kumpetisyon ng Sabayang Pagbigkas. Sa susunod na linggo na kasi gaganapin ang celebration para sa Buwan ng Wika. Halos kalahati ng klase ang kasali rito, hindi kasi maaaring lahat dahil 40 kami sa section.

Si Castel naman ay mukhang nagsisimula na ring maghanda para sa quiz bee. On her desk are four books about the Filipino language.

“Hangga’t wika’y di malaya, pagbabago’y hindi mapapala
Ngayo’y sinisikil, sa pagtuturo’y binubusalan pa
Tinanggal sa kolehiyo, pinagbabantaan pa sa Kongreso
Lulusawin ito, upang magi---”

Napatigil sila sa pagbigkas nang magkamali si Erald. Tatawa-tawa kasi itong habang nag-aaction kaya hindi niya namalayang nahuhuli na pala siya.

“Erald, ano ba!”

Tinaas ni Erald ang dalawang kamay. “Chill ka lang, Lola Ara. Ang blood pressure mo, nako.”

Matalim ang matang tinignan siya ni Ara. “Chill mo mukha mo.”

“Oooh! Basag!”

“Ulit nga, Archimedes! From the top!” sigaw ng Presidenteng si Ara.

“Naghuhumiyaw, nag-uumapaw ang galit ng sambayanan
Sukdulan na ang kasamaan, bangkay nagkalat sa daan…”

Hindi ko na sila pinanood pa dahil magulo pa ang kanilang practice. Siguro sa mga susunod na araw ay magiging ayos na rin. Nilibot ko ang paningin sa buong classroom pero hindi ko nakita si Io. Maybe he’s in the art room practicing his drawing.

I started fiddling with my phone. Kapag ganitong wala akong magawa ay naglalaro lang ako sa cellphone o ‘di kaya’y natutulog. Pero paano naman ako makakatulog nito kung ganito kaingay?

Nagkaingay lalo noong pumasok ang Vice President ng klase at nag-anunyo na walang magiging klase sa unang subject. Pinagbigyan daw kami ni Ma’am na mag-practice ngayong araw.

“Hoy, saan kayo pupunta?” tanong ni Ara noong nagsitayuan ang iba para lumabas.

Hinila ng Vice ang mga kaklase kong palabas pa lang. “Bawal lumabas, mga tsong. Kapag nakita kayo sa labas ni Miss ay papasok iyon at magpapa-quiz.”

Sayang! Tatambay pa naman sana ako sa canteen.

Isinuot ko na lang ang earphones sa aking tainga. I scrolled through my playlist and tapped on one of my favorite OPM songs. Hinahanap-Hanap Kita by Rivermaya ‘caused me to tap my foot on the floor. I really like its old school sound, the beat of the drums are on point.

Twenty Firsts of January (Veles High Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang