Chapter 14

2K 96 28
                                    

     Halos mapuno ng klase ang The Picha House dahil sa dami namin. Ang galing ba naman kasing mangumbinsi nina Erald at Warren. Okupado namin ang halos apat na lamesa. Pinagdikit-dikit na lang namin ito upang magkasya ang lahat.

Nasa bandang gitna kami nina Io. Sa aking kanan ay si Erald at sa kaliwa ko naman ay si Jan. Oo, magkatabi kami. Hindi dahil gusto ko siyang katabi ha, hindi talaga. Muntik na kasi itong tumakas kanina noong pagkarating namin kaya nilagay ko na sa tabi ko.

Iniabot ng waiter ang mga menu sa amin. Biglang tumikhim si Warren, “O, bago kayo um-order diyan. Magkano ba ambagan natin?”

Naglapag ng limang piso si Jester sa gitna. “O, ayan. Libre ko na kayo.”

“Lima lang?” pang-aasar ni Erald. “Ang hina mo naman, boy.”

“O bakit magkano ba ambag mo?” tanong ni Jester.

“Hindi ako kuripot gaya mo,” sabi ni Erald sabay lapag ng anim na piso sa mesa. “Sa’yo lima lang, sa’kin anim.”

Napuno ng tawanan ang lugar. Parang mga bata kasi kung mag-asaran iyong dalawa. Nakisali pa iyong iba at inilalaban ang sampung piso nila.

“Oh, tama na ‘yan,” biglang singit ni Ara. “Seryosong usapan na, kanina pa naghihintay si kuya waiter.”

Nagkasundo naman ang klase na twenty pesos ang pinakamababang bigay ng bawat isa, at iyong may mga sobrang pera ay pwedeng dagdagan ang ambag nila.

I understand the financial situation of my classmates so I know exactly what to do. Hindi ko rin naman kailangan ng maraming pera dahil sobra pa nga ang allowance ko. Naglapag ako ng tatlong daan sa gitna at napansin kong malaki rin ang bigay ni Io.

Hindi naman sinasadyang napatingin ako sa katabi ko, sa kaliwa. Nakalabas na rin ang kaniyang wallet pero nakatitig lamang siya rito. It was then that I noticed she only had a twenty peso bill. She slowly pulled it out and placed it on the table.

Was that the only money she have?

Natigil ang pag-iisip ko roon nang magbotohan na sa flavor ng pizza. Sa huli ay nanalo ang pepperoni, ham and cheese at classic hawaian.

Habang naghihintay na dumating ang order ay nagkaingay na naman ang buong klase. Puros reklamo sa natapos na periodical exam ang naging sentro ng kuwentuhan.

“Grabe talaga iyong enumeration sa Filipino, pucha isa lang nasagot ko!”

“Buti ka nga may isa, ako wala.”

Bumuntong-hininga si Warren. “Mga gago pano pa score ko sa science? Itlog na naman!”

“Same! Ano ba kasing pakialam ko sa mga tectonic echos na ‘yan?!”

Umiling-iling si Io. “Kung reproductive system sana eh di ako na highest.”

Tumawa ako at binatukan siya, nasa harapan ko lang kasi ito. “Gago! Mag-aral ka kasi.”

“Parehas lang tayong di nag-aaral, pare.” balik naman ni Io sa’kin.

Dumating na ang order naming pizzas kaya sandaling natahimik ang klase. Binilang pa ni Ara ang mga slices para raw maging patas ang hatian. Iba talaga kapag President ng klase.

Kumuha ako ng tig-isang slice ng pepperoni at ham and cheese. Uminom muna ako ng iced tea dahil kanina pa ako uhaw. Kaniya-kaniyang kain na ang buong klase, pagtingin ko nga sa mga boxes ng pizza ay iilan na lang ang natirang slices.

Biglang dumighay si Warren. “Busog, men.”

“Manners naman, pare.” pabirong sabi ni Erald.

Twenty Firsts of January (Veles High Series #1)Where stories live. Discover now