CHAPTER 17

13.5K 364 2
                                    

CHAPTER 17

          Nanghihinang napasalampak siya sa damuhan habang nakatingin sa arrow na ngayon ay nakadikit na sa gitna ng target board. Randam niya ang panginginig ng buong katawan niya maging nag napakabilis na pagpintig ng kanyang puso na parang anumang oras ay maaaring sumabog ng napakalakas.

          “You did it.” Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya habang naglalakad palapit sa kanya.

          Yes she did it pero hindi iyon ang tumatakbo sa isip niya kundi ang matinding takot na ngayon lang niya napangalanan. Paano kung sumala siya? Parang gustong manigas ng katawan niya sa isiping iyon.

          “Hey, Are you alright?” Bumilis ang hakbang nito hanggang nakaluhod na ito sa harap niya.

          Hindi niya alam kung bakit pero habang tinitingan niya ang nag-aalala nitong mukha habang nakatingin sa kanya ay para bang tuluyan ng kumawala lahat ng inhibisyon niya at bago pa niya napigilan ay tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak dahil sa pinaghalo-halong emosyon na kanina pa niya pinipigilan at dahil na rin sa matinding pagod na ngayon pa lang niya nararamdaman.

          “H-hey…hey…” Hindi naman malaman ni Light kung paano patatahanin ang dalaga na habang tumatagal ay mas lumalakas ang atungal.

          “Stop crying!” Singhal niya pero mas lalo lng lumakas ang iyak nito. “I’m sorry I didn’t mean to yell but please stop crying.” He said almost frustratedly.

Hindi alam ni lIght kung ano ang gagawin.Hindi pa siya nalagay kaylaman sa ganitong posisyon lalo na at involve ang isang babae lalong lalo na kung ang babaeng ito pa ang sangkot.

“P-please stop crying.” Masuyo niyang hinawakan ang dalawang balikat ng babae  at marahan itong kinabig palapit sa kanya pero humina man ang pag-iyak nito ay hindi pa rin ito tumitigil.

Ano bang gagawin niya sa ganitong sitwasyon? He was never a ladies’ man. Hindi rin siya magaling magpagaan ng damdamin ng kahit na sino dahil kadalasan siya pa nga ang salarin  ng sama ng loob ng mga tao sa paligid niya kaya naman pagdating sa ganitong sitwasyon ay wala siyang kaideya-ideya.

May isang batang umiiyak

Sobra siyang nasasaktan

Kaya naman si ina ay lumapit sa kanya

Niyakap ni ina ang batang umiiyak

At ito ay kanyang kinantahan

Tahan na bunso…Mahal kong bunso

Nandito lang si ina.

Unti-unting humina ang iyak ni Gift hanggang sa mauwi na lang iyon sa hikbi pero hindi pa rin siya pinakawalan ni Light sa halip ay mas humigpit ang hawak nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kinakanta nito at hindi rin niya masasabing napakaganda ng boses nito pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan parang unti-unting kumakalma ang damdamin niya.

Nandito lang si Ina

At hinding-hindi ka niya iiwan.

Tahan na bunso…mahal kong bunso

Babantayan kita lagi at hindi iiwan…kaylanman…

“You’re voice is awful” ang maya-maya ay sabi niya matapos ang ilang sandaling katahimikan, yakap pa rin siya nito.

“Sawa ka na ba sa buhay mo?” He said almost in a whisper at hindi alam ni Gift kung bakit hindi niya mapigilan ang mapangiti.

Nakahiga na sila pareho sa may damuhan habang nakatingala sa langit na nag-uumpisa ng dumilim.

          "Why do you trust me so much eh hindi mo naman ako kilala?"Maya-maya ay tanong niya dito habang nakatingin pa rin sa langit.

          "Who knows...kaya nga siguro lagi kitang sinusundan para malaman ang sagot sa tanong na yan."

          "So finally inaadmit mo na that you really are stalking me." She said teasingly.

          "Do you want to die?"

          Nang lingunin niya ito doon lang niya narealize na nakatingin na pala ito sa kanya at hindi sa langit gaya ng akala niya.

          “Staring is impolite Mr. Im now stalking at you.” Ang mabilis niyang sabi.

          “I’m not staring at you.” Ang mabilis nitong sagot bago mabilis na ibinaling ang tingin sa langit.

          “Yah right.” She said sarcastically.

          “Do you want to die!”

          Sa pagkakataong iyon hindi na niya mapigilang ang hindi mapatawa.

          “Sawa ka na talaga sa buhay mo ano!”

          Napapangiti pa ring tumayo na siya.

          “Where are you going?” Ang nakakunot nitong tanong bagamat tumayo na rin ito mula sa pagakakasalampak.

          “Home…may laban pa ako bukas kaya kailangan ko ng magpahinga.”

          “Ihahatid na kita.”

          “Kung tatanggi ba ako papaya ka?”

          “You’re dreaming silly little girl.”

          Naiinis na pinamaywangan niya ito. “Will you please stop calling me silly little girl! Matangkad ako! Mas matangkad ka lang talaga sakin!”

          Sa halip na sumagot pinitik lang nito ang noo niya bago ito nagsinmula ng maglakad paalis kaya naman kahit naiinis ay napilitan na lang siyang sumunod ditto.

          Papasok na sana siya noon sa bahay niya ng tawagin nito. Naiinis niya itong hinarap. “What now!”

          “Don’t do anything stupid while I’m not with you!” He said with a warning.

          “Sure.” She answered boredly.

          “Hey!”

          Naiinis siyang namaywang bago masama itong tiningnan. “Pwede ba hindi hey ang name ko!”

          “Fine ano bang pangalan mo?”

          Kahit pilit nitong tinatago kitang-kita pa rin niya ang curiosity sa mata nito at hindi niya alam kung dapat ba o hindi niya ito sagutin.

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan nito ng lumipas ang ilang sandal ay hindi pa rin sumagot ang dalaga. “Never mind, just don’t do anything stupid.” Iyon lang at tumalikod na ito.

          “Gift .”

          Mabilis na napahinto si Light bago humarap sa dalaga. “Anong sabi mo?”

          “Ayokong inuulit ang sinasabi ko.” Aniyang inulit lang ang sinabi nito kanina. Hindi na rin niya ito hinayaang magsalita pa bago mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila.

          “Gift .” Ang mahinang sambit ni Light habang may masuyong ngiti na naglalaro sa kanyang labi. “Nice to meet you Princess. “ Ang mahina pa rin niyang sabi habang nakatingin sa pintong pinasukan nito.

                                                                                     ITUTULOY…

Please kindly vote and comment…Thank you very much…

"My Possessive Devil"Where stories live. Discover now