CHAPTER 19

13.5K 236 3
                                    

CHAPTER  19

          Nakahiga siya sa may damuhan habang nakapikit at dinadama ang banayad na pagdampi ng hangin sa kanyang balat. Katatapos lang ng laban niya at nanalo siya.

          Nanalo siya…Ilang beses na ba siyang nanalo? Hindi na niya mabilang. Pero bakit ganoon? Bakit kahit kailan hindi niya magawang tuluyang maging masaya? Ginawa niya at ibinigay ang lahat para sa taong iyon pero anong silbi ng lahat ng iyon kung hindi naman nito iyon makikita…

          Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata para lang makita ang kulay asul na langit. Payapa ito at walang bakas ng kahit anong dilim kabaligtaran naman sa tunay niyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

          She feels so incomplete o mas tamang sabihing pakiramdam niya naliligaw siya tulad pa rin noon at hanggang ngayon hindi pa rin niya makita ang daan o makikita pa nga ba niya ito?

          Unti-unti siyang umupo habang nakatukod ang dalawang kamay sa kanyang likuran. Nasa mataas siyang parte kaya kitang-kita niya ang mga istudyante mula sa iba’t ibang school na nagkakasayahan. What an irony, siya ang naging champion pero bakit hindi niya magawang maging masaya?

          Nahahapong muli siyang napahiga sa damuhan at muling ipinikit ang kanyang mga mata sa pag-asang sa pamamagitan noon mababawasan kahit katiting na bigat ang kanyang nararamdaman

          “You won.”

          Kahit hindi niya imulat ang kanyang mga mata alam niya kung sino iyon. Nakakatawa pero kahit yata ang papalapit nitong yabag ay kilala na rin niyon pero mukhang hindi ito nag-iisa.

          “I told you I will.” Ni hindi siya nag-abalang  imulat ang kanyang mata kahit na ng maramdaman niyang huminto ang mga ito sa tabi niya.

          “Then what’s wrong?” Seryoso nitong sabi na agad na nagkapagpamulat sa kanyang mata para lang masalubong ang napakatiim nitong titig na para bang binabasa kahit na kasulok-sulokang bahagi ng kanyang pagkatao.

          Dahan-dahan siyang tumayo pero gaya ng inaasahan umabot lamang siya sa balikat nito. Masyado itong matangkad.

          “What made you think that something is wrong?” She asked truly curious.

          “You’re not happy.” He stated bluntly.

          Nakapamulsang hinarap niya ito. “ I am happy.” Hindi niya alam kung bakit idenedepensa niya ang sarili niya sa lalaking ito.

          “Are you?” Seryosong sabi pa rin nito na hidni maalis-alis ang titig sa kanya.

          Hindi niya alam kung bakit bigla na lang hindi niya masalubong ang tingin nito pero nahanap niya ang sariling umiiwas ng tingin dito lalo pa at pakiramdam niya ay nagtatagumpay ito na basahin siya.

          “Has anyone told you how annoying you are?” Ang nakasimangot niyang sbai bago muling naupo habang yakap-yakap ang dalawang binti.

          “If anyone dared to say anything then they are dead!” He said seriously making her roll her eyes. mukhang nasa conceited mood ito ngayon.

          “Then why I’m still alive?”

          “Who knows.” Kibit balikat nitong sabi bago tahimik na naupo sa tabi niya.

          “Well tutal naman mukhang tapos na kayong mag-usap pwede na ba  kaming magpakilala?”

          Sabay na napatingin ang dalawa sa nagsalita pero this time imposible na yatang hindi niya makilala ang mga ito.

"My Possessive Devil"Where stories live. Discover now