CHAPTER 29

9.6K 207 8
                                    

CHAPTER 29

          Hindi siya mabait na tao at kahit kailan hindi niya iyon itinanggi. Alam niyang marami na siyang nasaktang tao at kahit hanggang ngayon hindi niya iyon pinagsisisihan pero iba ang kaso kay Gift, ibang-iba. Kahit pilit niyang kinakalimutan ng huli niya itong makita nakatatak na yata sa kanyang isipan ang sakit sa mga mata nito ng talikuran niya ito.

          Walang nakakaalam kung paano niya pilit pinigilan ang sarili na bumalik sa dalaga at mag sorry dito pero tinalo siya ng kanyang pride…no…hindi ang pride niya ang nakatalo sa kanya kundi ang matinding takot. Tama, matinding takot na masaktan muli ng sobra gaya ng naramdaman niya ng hindi ito dumating sa una dapat nilang date.

          Habang iniintay niya ito noon…hindi maiwasang muling bumalik ang mga negatibong emosyon t na akala niya ay matagal na niyang ibinaon sa limot pero muling bumalik ng dahil sa hindi nito pagsipot kaya naman ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay mabilis na napalitan ng galit.Galit na nagtulak sa kanyang lumayo kay Gift kahit na may napakalaking bahagi ng puso niya ay tumatanggi sa gusto ng kanyang isip.

          Lahat ng mga insekuridad at anumang negatibong nararamdaman niya ay pilit niyang itinago sa pamamagitan ng matinding galit kaya naman ng makita niya si Gift naisip niyang kapag nasaktan niya ito ay gagaan na muli ang pakiramdam niya pero sa bawat salitang kanyang binibitiwan noon ay parang katumabas noon ay libo-libong patalim na tumatagos hindi lamang  umabot sa kanyang puso pero tumagos din maging sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa.

          Darn it! Hanggang ngayon mistula pa rin siyang minumulto ng napakalungkot na mata ni Gift at kahit anong gawin niya ay hindi na  iyon mawala-wala sa isip niya na parang tulad ng isang permanenteng pintado.

        Nang makita niya si Gift ng araw na iyon alam niyang may mali. Nakita niya iyon sa mga mata nito pero naging matigas siya! Pili niyang iignora ang nakikita sa halip ay pinairal niya ang kanyang galit.

        “THAT GIRL LOST HER MOTHER 9 DAYS AGO! SHE LOST HER REASON TO LIVE!!!”

          Habang nakikinig kay Ylac pakiramdam niya nagdidilim ang kanyang paningin hindi lang dahil sa matinding galit sa mga taong nanakit kay Gift  kundi dahil sa sarili na rin niya. Pinagsisisihan niyang pinabayaan niyang mangibabaw ang kanyang pride at galit kaysa sundin ang totoong sinasabi ng puso niya ng araw na iyon.

          Kung kaya lang niya, ibabalik niya ang oras na iyon at patatawarin si Gift kaysa talikuran ito. Pero totoo ngang laging nasa huli na talaga ang pagsisisi.

Isinusumpa niyang iyon na ang huling pagkakataong tatalikuran niya at sasaktan si Gift. Iyon ang una at huli…Mahanap lang niya ito at ipinapangako niyang hinding-hindi na niya ito sasaktan pa sa kahit na anong paraan.

          Pero saan ba siya magsisimula? Agad niyang inihinto ang kanyang Ducati. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nanggaling na siya sa lumang warehouse na iyon kung saan nila nasundan si Gift dati pero wala kahit ang anino nito roon.

          “Gift nasan ka na ba!” Malakas niyang sigaw sa papadilim ng langit wala na siyang pakialam kahit pa mapagkamalan siyang baliw ng makakita at makarinig sa kanya. Nanghihina siyang napaupo sa semento habang nakasandal sa kanyang Ducati. “Nasaan ka na ba?” Mahina niyang anas this time.

          “Gusto ko na kasing bumitaw pwede bang hilahin mo na ang lubid pataas?” Bigla siyang natigilan ng maalala ang sinabi ni Gift ng araw na iyon habang parang humihingi ng tulong ang mga mata nito sa kanya. Mabilis siyang napatayo at sumakay muli sa kanyang ducati.

"My Possessive Devil"Where stories live. Discover now