CHAPTER 42

7.5K 176 10
                                    

CHAPTER 42

            Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa. Hindi niya ito pinag-isipan dahil kusa na lang gumalaw ang kanyang katawan na para bang may sarili itong isip. Pero isa lang ang masasabi niya kissing Light feels so right and… comforting.

            At ng ihiwalay niya ang labi sa binata nagulat na lang siya ng bumagsak ito mula sa pagkakaluhod hanggang sa napaupo na ito sa may sahig habang nakatingin sa kanya at hawak hawak ang labi na kanilang ay kadikit ng kanyang labi na para itong hindi makapaniwala sa nangyari.

Ang halik na iyon ay mabilis lamang at kung inorasan baka nga hindi pa umabot ng isang segundo pero sa nakikita niyang reaksyon ni Light ay hindi na talaga niya maiwasan ang mapangiti. Pulang-pula ang mukha nito while looking at her with wonder na para bang iniisip nito kung ilusyon ba o hindi ang nangyari.

            “You’re blushing.” She pointed teasingly.

            “I-I’M NOT!!” He disagreed vehemently pero kung posible mas lalo yatang namula ang mukha nito habang pilit na iniiwas ang tingin sa kanya. He looks so embarrass na kitang-kita kahit na pilit nito iyong itinatago.

            “Yes you are.” Hindi niya itatangging nag-eenjoy siya sa pang-aalaska kay Light para kasi itong batang paslit na pilit na itinatanggi ang isang bagay na ginawa nito kahit naman obvious na ito talaga ang may sala. He looks so cute that it made her smile wider.

            “HINDI NGA!!!”

            Napakunot ang noo niya sa tigas ng pagtanggi nito. Tiningnan niya ito ng matiim habang may idea na nabubuo sa kanyang isip. “Am I your first kiss?” She asked unsurely.

            Natahimik si Light bago mabilis na iniiwas lalo ang tingin sa kanya pero sapat na iyon para masagot ang tanong niya.Hindi na nito kailangang magsalita para mapatunayan ang hinala dahil sa kilos at reaksyon pa lang nito ay sapat na.

            “Why?” She asked again truly curious. Well he is Light at hindi naman siya bulag para hindi makita ang mga tinging ibinibigay dito ng mga babae sa paligid kapag magkasama sila kaya nga hindi niya maiwasang magtaka kung bakit siya ang first kiss nito.

            “What do you mean why?” Ang nakakunot noong tanong nito ng sa wakas ay nagawa na nitong salubungin ang tingin niya.

            She sighed loudly bago tumayo para umupo sa sahig kaharap nito. “Bakit ako ang first kiss mo?”

            “Bakit hindi!” Ang napakadefensivve nitong sabi na para bang may nasabi siyang napaka offensive para dito.

            “Well you are already 20, right?” She asked again.

            “Ano namang kinalaman ng first kiss ko sa edad ko!”

            Napangiti siya. Bakit ba napakadefensive nito? “Nagtataka lang ako kung bakit.”

            Tinitigan siya nito ng matiim na para bang may gusto itong iparating sa kanya na hindi naman niya maintindihan kung ano.

            “What?” Ang hindi niya mapigilang tanong ng hindi talaga niya makuha ang gusto nitong sabihin sa kanya.

            “Oo…20 years mo na akong pinag-iintay.” Ang seryoso nitong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya.

            Nagtataka niya itong tiningnan.

            “20 years na kitang iniintay, Gift.”

            And her hearts jump figuratively at that. “Light?” She said again unsurely.

"My Possessive Devil"Where stories live. Discover now