PART One

802 30 11
                                    

"Bestfriend!!" Masayang bati ko sa bestfriend kong si Mia. Pano ba naman sobrang namiss ko siya, three days ko siyang hindi nakita. Saglit kaming nagyakapan. Naalala ko 'yung dahilan kung bakit siya absent kahapon.

"Teka, okay ka na ba talaga?" Bumitaw ako tapos hinawakan ko siya sa braso. Nag aalala ako sa kanya.

"Oo naman, ito na nga ako oh" Ngumiti naman siya, kahit halatang namumutla pa rin. Inatake siya ng asthma niya kaya di siya nakapasok kahapon. Ewan ko ba, 'nung mga bata pa kami ang healthy niya naman tapos  high school na kami bigla na lang siyang nagka-asthma.

"By the way best, san ka ba pumunta nung friday midnight, hinanap kita pero wala ka na dun sa ball?" Oo nga pala, JS Prom 'nung friday. Since President ako ng mga Senior,  hanggang alas dose ako nanatili doon.

Halatang nagulat siya sa tanong ko.

"P-pasensiya ka na best, H-hindi na ako nakapagpaalam... B-bigla kasing sumama pakiramdan ko" sabi niya na parang kinakabahan.

"Bakit naman hindi mo sinabi sakin? Sabay na sana tayong umuwi, sino ba kasama mo?" Naiinis ako dala na rin siguro ng pag-aalala sa kanya, bakit di niya naman sinabi sakin? Sasamahan ko naman siya pauwi.

"May kasama naman ako e, don't worry kasi okay naman akong nakauwi" sabi niya sa mahinang boses.

"Best naman kasi, alam mo namang nag-aalala ako sayo e." Nakanguso kong sabi sa kanya. May pagtatampo pa rin.

"Naku, alam ko naman yan best, pero promise di na mauulit kaya naman sana wag ka na magalit okay?" May halong panlalambing na sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Nag-aalala lang talaga ako sa kanya. Ibang klase kasi kapag inaatake siya e, nasaksihan ko 'yun last time, Sobrang hirap na hirap siya kaya pinauwi na lang ng teacher namin. Dalawang araw siyang hindi nakapasok. Kaya sino ba naman ang hindi mag-aalala diba?

Sandali, may naalala ako! Kinikilig na naman tuloy ako.

"Hoy! Riley Grace Santos! ano nangyayari sayo? Bakit para kang kinikiliti diyan? ha" hindi nakatakas sa kanya ang kilig  ko ngayon.

"Uhmm kasi naman eh.. yiiieeeee...." Hindi ko maituloy yung sinasabi ko kasi kinikilig na naman ako.

"Hoy babae bakit ba?"

Lumingon ako sa kanya.

"Eh kasi naman si crush inaya niya akong magdate sa valentines day!" Hinawakan ko pa ang braso niya na parang nanggigigil sa sobrang kilig.

"Y-you mean... Si E-Ethan? .. As in Ethan Luke Flores?" takang tanong niya.

"Yup, at sino pa nga ba sa tingin mo ang crush kong iba? Ayy Oo nga pala second crush lang siya" Nung maalala ko ang Ultimate crush kong si G-Dragon, Hindi nga sila naniniwala na sobrang gusto ko si GD, Hindi sila naniniwala well try nilang pumunta sa bahay. No need to ask me. Halata naman na gusto ko si GD. Puno ng poster sa kwarto at pati sa cellphone ko puno ng pictures niya. Iniisip ko na naman ang mukha niya.

"Hey, best hindi mo naman ako pinapakinggan e." asar na sabi sakin ni Mia

"Ayy sorry, ano nga ulit? hihi"

-

"Haaaay, basta ang payo ko lang mag iingat ka." Pagkasabi niya 'non tumayo na siya.

"E bakit?" anong pinagsasabi nito. Mag iingat? saan? alam niya naman na lagi akong maingat eh, pati nga sa dinadaan namin hindi pa rin makaiwas sa mata ko kahit pa thumbtocks ang nasa daan. haha ganyan ako kaingat.

Pero? ano nga kayang ibig niyang sabihin? Ewan. Basta weird.

"Wala, tara na pasok na tayo." aniya saka sabaybkaming pumasok sa classroom.

My BFF's Ex-BF (A short story)Where stories live. Discover now