PART Five

363 26 0
                                    

Mia Claire de la Vega

R.I.P.

Ang nakasulat sa lapida. Nandito kami sa Cemetery.

Isang taon, Isang taon na ng mawala si Mia. Oo totoo , namatay nga si Mia. Hindi iyon panaginip. Lahat kami malungkot, pero nawawala iyon kapag biglang tumatawa si Baby Amelie.. Kung mapapansin niyo galing yang lahat na letters sa name nila Ethan Luke and Mia Claire... gets niyo ? Haha :D pinaghirapan ko yan . xD

Kapag may pasok kami naiiwan siya kay Mama, minsan naman naiiwan siya kila Tita kapag nasa out of town si Mama dahil sa trabaho niya. Ang kanyang Daddy Luke naman walang sawang bumabalik balik sa bahay para lang macheck si Baby Amelie.

Nakita kong papalapit na si Ethan galing sa kotse, dala niya ang mga bulaklak, at mga pagkain. Kung titingnan Tatay na Tatay na nga siya tingnan. Nagtatrabaho siya noh, sabay sa pag aaral. Ewan ko ba diyan kung pano pa napapagkasya ang ginagawa niya.

"Hoy! nahuhulog ka na sakin noh?"

"Hahah, Funny ka Ethan, baby tawanan mo si Daddy dali" Tumawa naman si Baby Amelie . Manang mana niya kay Mia ang pagiging masunurin. Haha

"Naku bat kasi di mo pa aminin. Pinapahirapan pa kasi ang sarili."

"Magtigil ka nga Ethan!"

Ganito kami lagi ni Ethan. Nag aasaran, at kung ano anong kulitan. Pero lilinawin ko lang. Hindi siya nanliligaw at lalong lalo na wala kaming relasyon ! Haha

Sa totoo lang marami na ang nagsasabi na sana kami na ang magkatuluyan. Gwapo siya. Oo alam ko na yun at ako daw eh maganda.

Isang oras kami doon.

Bumalik lang din kami sa bahay. May 1st birthday celebration pa na hinanda para kay Baby Amelie. All in all maganda ang naging party, madami ang bisita meron din mga classmate namin nung fourth year.

"Hey ! Mommy Riley" Paglingon ko si Kevin, Siya lang naman ang tumatawag sakin niyan.

"Kevin, ! kumusta!?" Sa ibang school siya nag aral eh. Ewan ko ba dito.

"Okay lang naman Mommy Riley, enjoy na enjoy mo ang pagiging Mommy"

"Oo naman"Sagot ko, nga pala nanliligaw siya sakin, Ewan ko ba dito. Sabi ko naman hindi ako sigurado kasi ba naman may anak na nga ako. Haha Baka mawalan ako ng time xD

Bigla namang may humawak sa bewang ko. Sino pa nga ba Eh di si Ethan! Mahilig kasi to eh kaya nasanay na rin ako.

Inaalis ko naman kasi naiilang ako, Nakakahiya kay Kevin.

"Bakit Mommy ha?" Buwesit na to.

"Nako Ethan Pare, nakabakod ka talaga?" sabi ni Kevin

"Naman , baka kasi mapabayaan niya ang baby Amelie namin. Mahirap na"

"Ethan ano ba!"

"Nakakatampo ka Mommy ha, bakit Ethan na lang!?" Buwesit ka Ethan.

"Nako pasensiya ka na Kevin ha, may topak kasi eh."

"Haha, kilala ko yan. mas lumala nga lang ngayon" Natawa ako dun sa sinabi . Feeling nitong Ethan. Haha

Natapos naman yung party, Nakauwi na rin yung mga bisita. Pero teka asan na ba si Ethan, sabi ko naman na huwag muna siyang aalis eh.

Nalinis naman agad yung mga kalat. Papasok na sana ako nang mapansin kong may tao sa gilid ng bahay, Nakilala ko naman agad siya kaya nilapitan ko.

"Akala ko, umuwi ka na"

"Ba't nandito ka pa?"

"Hinintay ko munang makaalis si Kevin" Anong problema niya kay Kevin.

My BFF's Ex-BF (A short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon