PART Two

370 25 6
                                    

Natapos na ang tatlong araw na exam namin.

Si Mia, okay na ulit siya, nakangiti pa rin pero makikita mo sa mata niya ang lungkot. Ilang beses ko na siyang tinatanong kung may problema ba siya pero lagi niyang iniiwasan ang tanong ko.

"Hey, Riley and Mia! kumusta na?" Lumapit samin si Kevin, katropa ni Ethan.

"Okay naman" Sagot ko, pero si Mia, hindi umimik.

"Mmm, nga pala may gagawin ba kayo mamaya?"

"Bakit mo natanong?" Si Mia na sinagot ng tanong ang tanong ni Kevin. hehe

"Di ba kasi tapos na ang exam, meaning malaya na tayong mga fourth years"

"Tapos?" Hala nagsusungit ba siya?

"Aayain ko lang sana kayo sa bahay"

Nanlaki yung mata ko dahil sa iniisip ko.

"Ooops! ano bang iniisip niyo, may pa party lang sa bahay tayo lang barkada, Haha"

"Aah nako hindi ako pwede eh, Ikaw best?" tanong sakin ni Mia

"Aah hindi rin, may gagawin pa kasi ako mamayang gabi eh."

"Aah ganon ba?, sayang naman nandon sana si Ethan eh" Tapos tumingin siya kay Mia.

Nag iwas naman ng tingin si Mia.

"Ah Eh, baka si Riley magbago desisyon niya."

"Nako, hindi talaga pwede eh." Sagot ko na lang baka naman isipin nila na gusto ko ding kasama si Ethan, isipin pa lang na may inuman na magaganap dun..

"Aah Sige. Kayong bahala" Tapos tumingin siya sa relo niya

"Sige alis na ko." Paalam niya.

---

Umuwi na rin naman kami ni Mia. Wala ang tagahatid sakin, at malamang kasama siya sa barkada niya ay namin din pala.

"Nga pala Mia, remember yung sinabi ko sayo nung nasa library tayo?" Saglit siyang nag isip.

"Aah Oo"

"Itutuloy ko na yun sa Friday" Masayang sabi ko. Though nagdududa na nga ako sa panliligaw ni Ethan.

"Aah. Okay."

Nasa tapat na kami ng bahay nila. Nagpaalam na ako.

Sa totoo lang, hindi na ako segurado kung sasagutin ko nga ba talaga siya, Parang may pumipigil sakin eh. Pagdududa? Siguro nga. Iyon lang naman ang gumugulo sakin eh. Nagdududa ako sa Bestfriend ko at sa lalaking nanliligaw sakin.

---

Nanonood pa ako ng TV ng kumatok si Mama.

"Anak, tulog ka na ba?" rinig kong sabi niya sa labas ng pintuan.

"Maya maya pa po Ma, bakit po?" Pagkabukas ko ng pintuan.

"Kanina pa kasi may tumatawag sa cellphone mo eh."

Nakita ko naman na hawak ni Mama yung cellphone ko. Naiwan ko siguro sa sala.

"Aah sige po."

"Oh sige anak" Tapos bumaba ulit si Mama.

Tumunog yung cellphone ko, meaning may tumatawag. Si Ethan, bat kaya siya tumawag.

"Hello?"

"Riley, ikaw ba yan?"

"Oo, bat napatawag ka?"

"Nandito ako sa labas ng bahay niyo" Bigla akong napatanaw sa may labas. At may tao ngang nakaupo sa may gilid ng gate.

My BFF's Ex-BF (A short story)Where stories live. Discover now