PART Four

273 23 2
                                    

7 Months later...

Nagmamadali kaming umalis ng school ni Ethan. Schoolmate kami dahil si Mia mismo ang nakiusap sakin. Ewan ko ba sa babaeng yun.

Ayy . Ngayon ang kabuwanan ni Mia, meaning manganganak na siya. At dahil sa kagustuhan niyang surprise ang baby kung girl or boy ba, Hindi siya napilit na mag pa UltraSound.

"Bilisan mo naman!" sigaw ko kay Ethan. Ako pa ang kabado kesa sa Tatay ha.

"Ito na nga oh! binibilisan ko na!" Sabi niya. Mali pala ako, times two pa pala sa kaba ko ang nararamdaman nito, sabihin ba namang...

"Wag ka nga magsisisigaw diyan! Kita nang binibilisan ko na talaga oh! Naiihi na nga ako sa sobrang nerbyus wag mo na dagdagan!" pasigaw niyang sabi.

Di ko napigilan matawa sa itsura niya ngayon, Oo nga parang naiihi na natatae na ewan.

"HAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ko. Tawa pa din ako ng tawa.

"D*mn stop laughing ! I'm serious!" Sigaw niya sakin.

"O-okay" Nagpipigil ako ng tawa ko. Haha kaya sa labas na lang ako tumingin.

"Finally we're here" Agad agad na lumabas si Ethan sa sasakyan. Aba't iniwan ako ng Loko. Kinakabahan nga talaga. Sumunod na lang din ako.

Nakita ko sila Tita, Kausap sila ng Doctor. Teka bakit umiiyak si Tita. Maya maya Umalis na rin yung doctor.

"Tita bakit po? Ano pong problema?"

"R-Riley, mahihirapan daw si Mia sa panganganak.... bata pa daw saka may sakit pa sa puso... Ang anak kooo.." Iyak ni Tita. Lihim akong napadasal, umiiyak na din ako, mahihirapan manganak ang bestfriend ko. Pano kung.... Aaahh! Riley Think positive kaya yan ng bestfriend. Just pray...

"Tita don't worry po.. Malakas po si Mia, alam ko po yun...." Pagpapalakas ko ng loob ni Tita. Si Tito naman kadadating lang din galing sa trabaho niya. Halata mong alalang alala siya. Naupo sila ni Tita. Ako naman nakatayo lang dito habang nagdadasal.

Pupunta na sana ako sa chappel ng bigla namang lumabas ang doctor na kanina lang kausap ni Tita.

Lumapit naman agad sila Tito and Tita.

"The baby is safe.... but.... Sad to say..." Pambibitin ng doctor

-

-

"The mother didn't make it... I'm sorry"

Biglang tumigil yung oras sa sinabing yun ng Doctor. Anong pinagsasabi ng Doctor na to! Nagjojoke ba siya ha!

Tiningnan ko si Tita... Iyak na siya ng iyak. Sinisigaw niya ang pangalan ni Mia... Dun ko lang naisip na ....

Hindi nga nagbibiro ang doctor .

"H-hindi... ang Bestfriend ko..." Sunod sunod na umagos yung luha ko.

"Ang Bestfriend ko.... Miaaaaaa...." Iyak ko . Halos matumba na ako buti na lang naka sandal ako sa pader.

"B-bakit?" Bakit kailangan niyang mawala agad. Sobrang bait ng kaibigan ko para mawala siya agad. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Halo halo. Hindi ko alam. Ang sakit. Ang hirap. Ayokong isipin na wala na ang bestfriend. Ayoko. Hindi ko kaya.. Hindi kahit kailan hindi ko yun kayang isipin. Bakit kailangan pang mawala siya. Bakit hindi niya kinaya. Sobrang bata niya pa. Pano na lang ang anak niya. Pano na lang ang munting anghel niya, hindi niya man lang mararanasan maalagaan ng isang tulad ni Mia. Bakit?

"Excuse me? Who's Riley Grace Santos?" Sabi ng nurse na lumabas galing sa loob kung nasaan nakahiga ang bestfriend ko.

"B-bakit?"

"I think para po sa inyo ang sulat na ito"

Tiningnan ko yung sobre, to my bestfriend Riley Grace Santos ang nakasulat.

"S-salamat" Tiningnan ko yung sobre. Agad ko namang binuksan. Pumasok na sila Tita sa Room. Narinig ko ang sigaw ni Tita. Napaluha ako. Walang nag iisip ng ganitong mangyayari.

Hello Bestfriend :)

Oh wag kang simangot pumangit ka! panu ka magugustuhan ni GD yourLhabs ? Ha ! smile smile ! (natawa ako sa sulat, at talagang binanggit niya pa si GD)

Oh ayan kitang kita ko na mula dito ang ngiti mo.(mas lalo naman akong napangiti) Natutuwa talaga ako na ikaw ang naging bestfriend, baliw ka kasi eh. kaya nahawa mo ako. Haha :D

Alam ko na mangyayari talaga to. Masaya ako, yan ang tandaan niyo. Alam ko na ang pagkakakilala niyo sakin eh sobrang matapang, pero ang totoo, sobrang hina ko. matagal ko na tong napag isipan na if ever papiliin kung sino ang isisave si baby ang pipiliin ko. Bago siyang ako at marami pa ang maaaring magandang mangyari sa kanya. hindi gaya ko na mahina. Masayang masaya na ako at kompleto na ang araw ko dito sa mundo simula nang makilala ko kayo. At bestfriend gusto ko ikaw ang mag alaga sa baby ko ha. Kayo na ni Ethan ang bahalang magpangalan sa kanya. aieeee :D kinikilig ako ! (loka talaga to, natatawa ako habang sumisingot) Gusto ko rin Mommy at Daddy ang tawagan niyo para naman hindi na malito ang isip ng aking baby... Mahal na mahal ko kayo.

-Mia Claire de la Vega

Naiyak na ulit ako. Feeling ko ng mabasa ko to nandito lang si Mia. Mas pinili niya ang baby niya kesa sa buhay niya. Nakakamiss ka kaagad Mia.

My BFF's Ex-BF (A short story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora