.
"Akala ko ba tuturuan mo 'ko ng Martial Arts?" tanong ko kay Misha kinabukasan.
Nandoon kami noon sa mala-mansyon nilang bahay sa Camp 6. Walang ibang tao doon maliban sa aming dalawa. Hindi ko nga alam kung doon ba talaga nakatira 'yung parents n'ya o hindi, saka kung may katulong ba sila o wala. Sa laki kasi ng bahay nila, parang imposible namang nag-iisa lang siya doon.
"Tinuturuan nga kita," sagot niya sa tanong ko.
Tumaas ang isang kilay ko. Tinuturuan daw, eh ilang oras na kasi ako doon sa kanila pero wala pa akong ginagawa kundi umupo at manood ng TV. 'Yun nga lang, mga video clips ng martial arts movies ang pinapanood ko. At lahat ng video clips, si Bruce Lee ang ipinapakita.
"Tinuturuan? Nanonood lang kaya tayo ng video," angal ko.
Nginitian niya lang ako. "Ganyan talaga 'yung mabilis na technique para matuto ka agad. Kelangan mapanood mo 'yung moves nang paulit-ulit. Tapos, kelangan ma-imagine mo ang sarili mo na ginagawa 'yung moves. Kapag kaya mo na 'yon, magagawa mo na 'yung moves sa totoo."
Napangiwi na lang ako. Naisip ko, at least, hindi ako nahihirapan sa training na gusto niya para sa akin. Pero matuto naman kaya ako?
"Eh bakit sa mga martial arts gym, nagdi-drills sila," tanong ko kay Misha. "Mas madaling matandaan kapag ginagawa, 'di ba? Muscle memory nga, 'di ba?"
"Para lang sa mga ordinaryong tao 'yon, Luke," sagot niya. "Iba ka. Hindi ka ordinaryo."
"Dahil special ako?"
"Oo. Once alam mo na 'yung moves dahil napanood mo na. Gustuhin mo lang, magagawa mo 'yon perfectly."
"So gagamit ako ng powers sa martial arts ko?"
"Mas maganda nang gumamit ka ng powers. Para masanay ka."
"Eh bakit video ni Bruce Lee itong pinapanood ko? Bakit hindi 'yung ibang martial artists?"
"Hindi mo ba alam? Si Bruce Lee ang kinikilalang greatest martial artist of all time. Tingnan mo kung papa'no siya gumalaw. Mabilis. Malakas. Hindi siya mauunahan ng kahit sinong makalaban niya."
Napabuntung-hininga na lang ako saka napailing. Ibinalik ko na lang ang focus ko sa mga videos na pinapanood ko.
.
Three hours later...
"Galaw, Luke," utos ni Misha sa akin.
"Gumagalaw ako," sagot ko naman.
Kasalukuyan kaming nagpapaikot-ikot noon sa paligid ng isang bakanteng kuwarto sa mansyon nila Misha. Hinahabol ako ni Misha. Umiiwas naman ako sa kanya. Ang objective ng drill na 'yon, kelangan niya akong mahawakan. Kelangan ko namang maiwasan 'yung hawak niya. At para maiwasan ko 'yon, kelangan maging mabilis ako.
Pero sa isang kuwarto na may fifteen by fifteen feet lang na espasyo, hindi 'yon madali.
"Masyado kang predictable," dagdag-sermon ni Misha sa akin. "Kelangan hindi ko mabasa 'yang galaw mo. Sa ngayon, basang-basa ko kung saan ka pupunta."
"Kahit naman anong bilis ko, mababasa mo pa din 'yung isip ko kung saan ako pupunta."
"Kaya nga hindi mo dapat isipin 'yon. Dapat blangko ang isip mo. Dapat instinct ang gagana, hindi isip."
"Ilang oras pa lang akong natututo, Misha. Imposibleng mapunta na agad sa instinct ko 'yung itinuturo mo."
Napabuntung-hininga siya. "Sabagay. Eh papa'no ka makakaligtas kapag may kalabang umatake ngayon sa 'yo?"
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Mystery / ThrillerLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...