.
"In the whole universe, lahat ng nilalang na may kaluluwa, may tinatawag na diwa. Ang diwa ang pinaka-center ng kaluluwa natin. Dito nanggagaling 'yung spiritual energy natin. Dito rin nakatago 'yung liwanag."
Si Misha 'yon. Ipinapaliwanag niya sa akin 'yung tungkol sa sinasabi niyang kapangyarihan ng tunay na pag-ibig. 'Yun nga daw kasi ang nag-iisang power na pwedeng tumalo kay Azrael. Five days na lang daw kasi at aalis na siya. Nag-promise man siya na magkikita ulit kami someday, worried naman siya na baka dumating 'yung time na susunduin na ako nu'ng mga shadows bago pa kami magkita ulit. So kelangan ko daw lumaban. Kahit si Azrael pa daw 'yung makalaban ko, gusto niya daw siguraduhin na kaya kong manalo.
Nasa bundok kami noon, doon sa lugar kung saan kami madalas mag-training. Nakaupo kami sa gilid ng bangin, magkahawak kamay habang nagpapaliwanag siya.
"Now, alam natin na most human beings, may naka-destined sa kanila na partner for life," pagpapatuloy ni Misha. "Ito 'yung meant-to-be para sa kanila. 'Yung ibang experts-wanna-be, ang tawag sa kanila, soulmates."
Soulmates? Medyo nawala 'yung interes ko nu'ng banggitin niya 'yung word na 'yon. Hindi kasi ako naniniwala doon. Hindi rin ako naniniwala sa destiny. Para kasi sa akin, tayo ang gumagawa ng destiny natin. May freedom tayo para buuin 'yung future natin, at walang pakialam ang tadhana doon.
"Totoo ba 'yon?" tanong ko tuloy kay Misha.
Napatigil siya sa pagpapaliwanag dahil doon. "Ang alin?"
"'Yung soulmates. Totoo bang may gano'n?"
"Oo naman," sagot niya. "Pero 'yung sinasabi ko na definition ng mga experts-wanna-be sa soulmates, hindi gano'n 'yon. Mali sila doon."
Actually, wala naman akong pakialam noon kung totoo man o hindi 'yung mga soulmates. Ayoko lang siyang kontrahin. "So ano 'yung totoong soulmates?" tanong ko.
"Iba 'yung totoong soulmates," sagot niya. "Ang destined partners kasi, destiny lang 'yung nagtatakda sa kanila. Pero 'yung soulmates, ang Diyos mismo ang nag-decide na maging soulmates sila. Inilagay ng Diyos 'yung tunay na pag-ibig sa puso nila. Ginawa din ng Diyos na kambal 'yung diwa nila."
Medyo napangiwi ako sa paliwanag niya na 'yon. Usapang Diyos na kasi 'yung pinasok niya, tapos wala naman sa Bibliya 'yung sinasabi niya. Kaya kahit anong pilit kong intindihin 'yon o imagine-nin, hindi ko magawa.
"Diwa?" tanong ko na lang. "'Yun 'yung pinakasentro ng kaluluwa, 'di ba?" Kino-quote ko lang naman 'yung sinabi niya nu'ng una.
"Yup," sagot niya naman. "Special 'yung diwa ng mga soulmates. Once na mag-connect 'yung mga diwa nila, mapapalabas nila 'yung pinakamalakas na power sa universe, ang kapangyarihan ng tunay na pag-ibig."
Tumangu-tango na lang ako. "At 'yun 'yung power na pwedeng tumalo kay Azrael?"
"Yup."
"At iniisip mo na soulmates tayo at mapapalabas natin 'yon?"
"Oo naman," sagot niya. Pero nahalata niya yata na hindi ako interesado sa nagiging point ng usapan namin, kaya napasimangot siya.
Napabuntung-hinga naman ako, na-guilty sa pagiging hindi interesado. "Okay, okay," sabi ko na lang. "Sabihin na nating tama ka, na totoo 'yung mga sinabi mo. Sabihin na rin natin na soulmates nga tayo. Pero papa'no naman natin iko-connect 'yung mga diwa natin para palabasin 'yung nakatagong power na 'yon?"
Napabuntung-hinga din si Misha. "'Yun ang problema," sagot niya. "Hindi ko alam."
Napasimangot ako. "Hindi mo alam?"
BINABASA MO ANG
Love Undying in the City of Immortal Dreams
Mystery / ThrillerLuke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...