Easter Eggs

71 5 4
                                    

.

A Wattpad critic once told me that it's not good to enumerate important revelations of my story in an extra chapter like this. She said I should let the readers think, let it be if they don't get it, and that I should not underestimate the readers' knowledge.

So, this is sort of a disclaimer. What I'm going to say in this chapter is against that advice. Will I underestimate the ability of some readers to dig into the deeper details of my story? Hindi naman. Gusto ko lang makasiguro na na-gets talaga ng lahat ng readers ko ang lahat ng isinulat ko dito.

If you think you got all the details of this story and you don't like being spoonfed about it, paki-skip n'yo na lang 'tong extra chapter na 'to.

But, kung may mga questions pa kayo and parang may hindi kayo na-gets, maybe nandito 'yung mga answers na hinanahap n'yo. Maybe lang naman.

This is a full disclosure of the story, kung papa'no ko siya binuo sa simula pa lang. This is the concept I created nu'ng January of 2018. I want to put it here kasi nag-e-enjoy pa rin ako sa pagkukwento sa story na 'to. Wala lang...

So eto na, ang mga easter eggs, or whatever you call it...

FIRST, the title...

Love Undying in the City of Immortal Dreams. Madali lang ma-gets 'yung meaning niya. True love, Baguio, saka 'yung mundo ng walang hanggang panaginip kung saan nagkasama sila Luke at Misha. Pero kung kukunin n'yo 'yung first letters nu'ng major words ng title, form the acronym, and you'll get LUCID. Kung hindi n'yo pa po napansin, lucid dream is a hidden theme of the story.

SECOND, the accident...

Nu'ng papunta si Luke sa Baguio, paglampas pa lang nila sa boundary ng Iba, Zambales, nakatulog na siya. Paggising niya, Pampanga na, at katabi na niya si Misha. Nag-introduce each other sila, nagkwentuhan, tapos nakatulog na naman si Luke. Actually, si Misha 'yung nagpatulog sa kanya sa point na 'yon, to spare him from the pain of the coming accident.

Kung nabasa n'yo 'yung Chapter One, may part doon na easter egg talaga or clue about sa totoong nangyari and not the dream. For the sake of the plot, binaligtad ko talaga 'yung totoo saka 'yung dream sa kwento. To quote:

"Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, pero medyo nagising 'yung diwa ko nu'ng naramdaman ko 'yung pagkalog ng bus na parang nalubak 'yung mga gulong. Hindi ko lang pinansin 'yon. Sa sobrang relax ng pakiramdam ko, bumalik na lang ako sa pagtulog.

Bigla namang nagsigawan 'yung mga tao sa paligid ko. Nakarinig ako ng malakas na kalampag mula sa ilalim, kasunod 'yung pakiramdam na parang nahuhulog 'yung bus kasama ako.

Bigla akong napadilat. Napatingin agad ako sa paligid. Hindi naman kami nahuhulog. Normal naman 'yung takbo ng bus. Nasa kalsada pa naman kami. Nakita ko pa nga 'yung malaking ulo ng leon nu'ng madaanan namin 'yon.

See that? 'Yung pagkalog ng bus, 'yung sigawan ng mga tao, 'yung kalampag sa ilalim, saka 'yung parang nahuhulog—those are real events pero akala ni Luke, nananaginip lang siya. 'Yung akala niyang totoo—na nagising siya na okey naman 'yung bus at nakita pa niya 'yung Lion's Head—'yon ang dream. At nasa world of immortal dreams na siya noon.

THIRD, the dream...

Actually, hindi siya ordinary na dream. Habang nasa comatose state si Luke, nakatambay 'yung kaluluwa niya sa world of immortal dreams. Kapareho siya ng isang dream pero hindi siya nagigising. Now, sa world na ito, lahat ng nakikita niya is a product of his subconscious mind, or product ng subconscious mind ng isang kagaya niya na nandoon din sa world na 'yon.

Pero focus muna tayo kay Luke. Akala niya kasi, nakarating talaga siya sa Baguio, nakauwi siya sa bahay ng Tito Louie niya, nakakapag-aral siya sa UP Baguio. Akala niya lang 'yon. Hindi nangyari 'yung mga 'yon since nasa ospital nga siya at comatose siya. Na-create lang 'yung portion ng mundo na 'yon sa extraordinary dream niya because he has been there once. At 'yung naka-register na memories niya sa subconscious mind niya 'yung nakikita niya, including some parts of Baguio, 'yung family ng Tito Louie niya, pati si Lola Poleng na kapitbahay nila.

Love Undying in the City of Immortal DreamsWhere stories live. Discover now