Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Prologue

188K 2.2K 106
                                    


Ang bilis ng mga pangyayari. Bago ko pa namalayan, kinuyumos na niya ako ng halik. Na-shock ako. Napaawang ang mga labi ko na sinamantala naman niya. Natuliro ako, pero nanaig ang silakbo ng aking damdamin. Napayakap din ako nang mahigpit sa kanya at nakipagtagisan ng halik.

Napakislot lang ako nang dinaklot niya ang aking pang-upo at diniin ang harapan sa puson ko. Nawala ako sa sarili nang maramdaman ang tila kumakawalang matigas na bagay sa harapan niya. Nanlambot pati mga tuhod ko. Halos mabaliw ako sa sensasyong nadarama.

Naramdaman kong tinaas niya ang kanang binti ko para ilagay sa bewang niya. Ngayo'y damang-dama ko na ang init ng kanyang pagkalalaki. Napaungol ako. Hindi ko na siya hinintay na siyang magtaas ng kaliwa kong binti at maglagay no'n sa bewang niya. Ako na mismo ang nagkusa. Tupok na tupok na kasi ako sa pagnanasa. Palagay ko ano mang oras ay sasabog na ako. Kaya nabigla ako nang tumigil na lang siya nang walang hudyat. Napaungol ako na tila nagpoprotesta. Nang idilat ko ang aking mga mata, nakita ko siyang titig na titig sa mukha ko. Nahagip pa ng aking paningin ang ngiti sa mga mata niya. Ngiti ng isang lalaking nagtagumpay. Nag-init ang mga pisngi ko. Parang gusto kong bumuka ang sahig at magpalamon na lang sana rito sa tindi ng hiyang nadarama.

"I can have you right now, right here, but I won't," mahina niyang pahayag. Nagmamalaki. Kalong-kalong pa rin niya ako. "Sorry. I don't go for Asian chicks. I am not that stupid yet. I am not like my brother," nakangisi pa niyang sabi. Malinaw na pinagtatawanan ako.

Napahumindig ako sa narinig. Buong lakas ko siyang sinampal na ikinabigla naman niya. Natakot ako nang makitang nagdilim ang kanyang anyo.

"You bitch!"

Bumaba ang kanyang mukha at kinuyumos na naman ako ng halik. Ngayo'y binagsak na niya ako sa kama at kinubabawan. Pinunit pa ang manipis kong night dress.

Marahas ang mga kamay niya habang humahaplos sa aking kaselanan. Nasasaktan na ako. Inaamin kong matagal ko nang pinagpapantasyahan ang ganitong eksena sa pagitan naming dalawa, pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ito ang pangarap ko.

"T-Trond, no. P-lease don't," pagsusumamo ko sa mahinang boses. Halos pumiyok na ako.

Akala ko hindi niya ako narinig, pero makaraan ang ilang segundo, naramdaman kong bumaba siya ng kama. Napadilat ako. Nakita ko siyang titig na titig sa akin. Nang magtama ang aming paningin ay mabilis siyang tumalikod at lumabas. Binalibag pa niya ang pintuan.

MY NORDIC GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon