Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter Four - Newfound weapon

77.1K 1.4K 14
                                    

Alam kong hindi pa umaalis ng bahay si Trond. May naririnig pa akong mga kaluskos sa labas. Saka na lang ako maliligo. Ang hirap naman kasi sa bahay na ito dahil iisa lang ang bathroom.

Tiningnan ko ang oras sa dingding. Mag-aalas sais pa lang naman ng umaga. May oras pa. Alas dies naman ang pasok ko sa ospital kaya okay lang. Pero sana umalis na siya agad. Lord, please. Sabihan Nyo na po siyang lumayas na.

Pero after an hour, bumangon na ako. Nandiyan pa rin siya o wala, kailangan ko na talagang maghanda. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip ko siya sa sala. Nakahilata pa rin ang damuho. Mukhang bumalik sa pagtulog. And my gosh! Naghuhumindig ang kanyang ano! Totoo pala ang sinasabi ng mga kaibigan ko tungkol sa ano ng lalaki sa umaga. Ganoon pala iyon? Diyos ko, Lord. Patawarin Nyo po ako sa mga iniisip ko!

Lalabas na sana ako para magtungo sa banyo nang makita ko siyang kumilos. Tumingin ito sa wristwatch niya at nang makita ang oras ay kaagad itong napabangon sabay unat ng katawan. Dahan-dahang kong sinara ang pintuan nang makita kong papunta na siya sa direksyon ng banyo na nasa unahan lang ng kuwarto ko. Makaraan pa ang ilang sandali, narinig ko nang umandar ang kotse sa labas. Napahinga ako nang malalim. Nakaalis na rin ang damuho! Makakakilos na ako nang maayos.

Kampante akong lumabas nang naka-blue cotton shorts at white camisole lang. Tiningnan ko ang sarili. Bakat ang nipples ko at litaw halos kalahati ng mga hita ko dahil sa kaiklian ng shorts, pero pinagkibit-balikat ko na lang iyon. Nakalayas na naman ang bwisit sa buhay ko kaya ako na lang uli mag-isa sa bahay.

Naghahanda na ako ng kape nang nag-text si Ate. Pasensya na raw at hindi nila nakumbinsing mag-overnight sa kanila si Trond noong nagdaang gabi. Gusto raw kasi nito na mas malapit sa city hall dahil may aasikasuhin daw itong building permit para sa itatayong apartment sa Blindern, malapit sa Oslo University.

Ang yaman ng lolo! May pinapa-renovate na bahay sa kabilang village at may itatayo pang apartment. Siya na talaga ang winner!

Dahil tamad akong mag-text back, tinawagan ko na lang siya. Inusisa ko kung alam niya kung hanggang kailan ko magiging housemate ang magaling niyang bayaw.

"Don't worry. In three weeks, lilipat din iyan. Alam mo namang ayaw na ayaw niyan sa bahay riyan dahil masyadong maliit para sa kanya. Kaya tiis-tiis muna."

"Sigurado iyan, ha? Baka mamaya niyan dito na siya forever just to spite me."

"No. Ikaw talaga. Mas hamak namang maganda ang nabili niyang bahay kaysa dyan sa ancestral house nila. Pakisamahan mo na lang muna."

Tiningnan ko ang kalendaryo sa dingding. Kung tama nga si Ate, by the time matapos ang summer, nakalipat na sa bago niyang bahay ang damuho. Okay, not bad. Dahil doon, gumaan na ang pakiramdam ko. Napakanta pa ako ng Love Moves in Mysterious Ways habang nagpiprito ng itlog. Sinabayan ko pa iyon ng sayaw.

Masyado akong nakapokus sa paghahanda ng almusal at pagkanta kaya hindi ko namalayan na may kasama na pala ako sa kusina. Halos napatalon ako sa kabiglaanan nang paglingon ko ay makitang nakasandal sa doorway ng kusina si Trond. Nakahalukipkip ito at nakangiti. Muntik ko nang nabitawan ang plato na may lamang fried egg.

"You will give me a heart attack!" naibulalas ko sabay hawak sa kaliwang dibdib.

"I didn't know you can sing," komento nito at pumasok na sa kusina. "Can I have some coffee, too?" tanong nito, pero hindi na hinintay ang sagot ko. Kinuha na lang nito ang coffeemaker at nagsalin sa mug niya. Adelantado!

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit kailangan pa niyang bumalik? Peste!

Nagsasalin ako ng kape sa sarili kong mug nang mahagip ng tingin ko ang pilyo niyang ngiti. Kumunot agad ang noo ko. May nakatatawa ba?

MY NORDIC GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon