Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter Nine - Payment

73.9K 1.3K 27
                                    

Kahit pagod sa trabaho at masakit ang ulo dahil sa dami ng nainom, hindi pa rin ako makatulog. Ramdam ko ang presence ni Trond sa kuwarto. Kung bakit ayaw pa niyang umalis. Nakuha na naman niya ang gusto. Palagay ko nga napagod siyang talaga kung kaya nakatulog na. Buti pa siya. Samantalang heto ako at gising na gising ang diwa.

Sinubukan ko uling pumikit, pero nagising din ako agad nang bigla na lang pinatong niya ang isang hita sa bewang ko. Napakislot ako. Ang bigat! Gumalaw siya at yumakap pa ang isang braso niya sa akin. Naramdaman ko ang dampi ng labi niya sa leeg ko. Gising siya! Nagtulug-tulugan ako. Nasa isang hita ko na ang kamay niya. Hinihimas-himas ito. Mayamaya pa nga, iba na ang pinupuntirya. Hindi na ako nakatiis nang maramdaman ko na ang mga daliri niya sa ano ko.

"What are you doing?" sita ko sa kanya.

"What do you think?" anas naman niya sa akin.

"Will you stop? I want to sleep now. You just woke me up," sabi ko.

"I know you were not sleeping. Like me, you can't sleep," bulong niya.

Aba, nahulaan ng mokong! Pero siyempre hindi ako pahuhuli ng buhay.

"I was already asleep. I just woke up from your advances," sabi ko pa.

"Oh yeah?" at tumawa pa ito nang mahina. Dumausdos ito at hinagkan ang hita ko.

"I thought you don't go for Asian women. What changed your mind?" hamon ko nang nasa pagitan na siya ng mga hita ko.

"I didn't. I'm just horny," at binaba na niya ang mukha roon.

Hindi na ako nakasagot dahil bigla ang dating ng nakadedeliryong sensasyon. Napaliyad ako, lalung-lalo na nang maramdaman ko ang dila niya sa pinakasensitibong bahagi ng aking pagkababae. Gusto ko mang pumalag, ipinagkanulo na ako ng aking katawan. Nang tumigil siya saglit para lumuhod sa harap ko, hindi ko napigilan ang mapaungol ng pagpoprotesta. Gamit ang tuhod, pinaglayo pa niya ang mga hita ko at pinag-isa niya ang aming mga katawan. Nagsalo na naman kami sa nakababaliw na sayaw ng mga katawang darang na darang sa pagnanasa. Bago siya gumulong sa gilid ko, siniil niya ako ng mainit na halik sa labi. Minura-mura ko na naman nang lihim ang sarili. Kung bakit nagpadala na naman ako. Nakakabuwisit! Ngayon, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Alam na niya na gusto ko siya.

Napakatanga ko. Kahit nang aminin niyang hindi pa rin nagbabago ang pananaw— na ayaw pa rin nito sa Asian girls, nagpaubaya pa rin ako. Dapat ko siyang pinigilan.

Naramdaman ko siyang kumilos. Akala ko naghahanap lang nang magandang puwesto at matutulog na rin pero bumaba siya ng kama at pinagdadampot ang mga saplot. Tahimik siyang nagbihis. Nang tapos na ay lumapit siya sa akin para humalik sa noo ko at walang sali-salita na lumabas ng kuwarto. I felt so cheap! Pinarausan lang ako!

Hindi agad ako nakatulog sa kakaanalisa sa sitwasyon. Kaya ang ending, nangalumata ako. Alas sais y medya pa lang, pero narinig ko na ang tunog ng kotseng pinapaandar. Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa kusina. Sinilip ko ang garahe mula sa bintana. Ayon nga, paalis na si Trond. Magkahalo ang damdamin ko nang makita ang papalayo niyang kotse. Una, nagtaka ako na sobrang aga naman niyang umalis. Dati-rati, kapag umaalis ako ng alas nuwebe, tulog pa siya. Pangalawa, nabuwisit ako na ganung-gano'n niya lang ako tinrato. E ano naman ang ini-expect mo? Ipagluto ka ng almusal at hainan ng breakfast in bed?

Napasandal ako sa lababo. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Sobra akong nahabag sa sarili.

**********

"Oy, totoo ba?" salubong sa akin ni Myra.

"Ang alin?" takang tanong ko naman.

"Narinig namin, kinausap ka raw ni Dianne. Hindi na raw mare-renew ang contract mo?"

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Gretisbored, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Gretisbored
@Gretisbored
Trond Knudsen's arrogance is challenged when he meets the idealistic...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 42 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Gretisbored.
MY NORDIC GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon