Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter Two - Round One

86.1K 1.4K 28
                                    

Mga bandang alas nuwebe na ng gabi nagsiuwian ang lahat na bisita sa party puwera kina Ate at ang pamilya nito. Siyempre, nagpaiwan din ang antipatikong si Trond.

Makalipas ang dalawampung minuto, pagkatapos naming magligpit at maglinis, nagyaya na rin si Kuya Hans sa pamilya niya na uuwi na raw sila. Dahil naparami ang inom ni Kuya, nagboluntaryo si Trond na ihahatid sila gamit ang kotse nito.

Pasimple kong kinalabit si Ate nang papalabas na sila ng bahay.

"Puwede bang sa inyo mo na patulugin iyan?" bulong ko sa kanya. Tinuro ng nguso ko si Trond. Kumindat naman ito sa akin at sumagot ng, "Ako'ng bahala."

Pagkaalis nila, nag-shower ako agad at natulog. Makaraan ang ilang sandali, naalimpungatan ako sa narinig na mga kaluskos sa sala. Akala ko noong una ay nananaginip lang ako, pero nang patuloy ko iyong marinig kahit na dilat na dilat na ako, bigla akong kinabahan. Pinasok kaya ako ng magnanakaw? Natukso akong tingnan kung sino ang nakapasok, pero umatras din ako dahil sa takot. Kung magnanakaw, bahala na siyang limasin lahat basta umalis na lang agad. Huwag na lang siyang gumawa ng kung ano pang kabulastugan. Mas mahal ko ang buhay ko kaysa sa mga gamit.

Mayamaya nang kaunti, narinig ko na ang papalabas na mga yabag. Nakahinga ako nang maluwag. Thank God! Bumalik na naman ako sa pagtulog. I was almost in dreamland nang may kumalabog! Napaigtad na naman ako. Bumalik ang magnanakaw? Teka, masamang-loob ba iyon o baka...? Bago ko masagot iyon sa aking isipan, biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Napasigaw ako nang may maaninag akong bulto ng isang lalaki na nakatapi lang ng tuwalya. Kinapa ko ang remote control ng ilaw sa bedside table at pinindot ang on. Tama nga ang kutob ko. Bumalik ang demonyo! At dito pa sa kuwarto ko naisipang magbihis!

"You're so over the top with your reaction.You act like you haven't seen a half-naked man before," kalmado nitong sabi habang nagkukusot ng buhok gamit ang face towel.

Aba, ang damuho! Oo naman 'no! Hindi pa ako ever nakakita ng lalaking hindi ko kaanu-ano na nakabalot lang ng tuwalya from the waist down.

Parang wala itong pakialam na nandoon ako. Patuloy ito sa ginagawang pagpupunas ng tuwalya sa buhok. Pagkatapos no'n ay basta na lang sinampay iyon sa silya sa harap ng dresser ko. Ngayon nama'y nagsusuot na siya ng boxer briefs na para bagang walang ibang tao sa kuwarto. Nagtalukbong ako ng kumot. Pero dahil manipis lang din iyon, nakikita ko pa rin ang ginagawa niya. Nag-init ang pisngi ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Tinakpan ko ang mga mata. Narinig ko siyang tumawa nang mahina. Aba't nag-e-enjoy ang damuho! Nainis ako. Inalis ko ang kumot sa ulo at galit siyang hinarap.

"What are you doing here? Why are you in my room?"

"Your room? Should I remind you again who owns this place? This room, this house, is MINE."

"You gave it up years ago. You told your brother he can take this house. This does not belong to you, anymore. This is Kuya Hans' now. And he is renting it to me."

"Hans and I agreed that while I was in Bergen, he and his family could do whatever they wanted to this house. I didn't give it up. Our arrangement was just temporary. You can ask him if you want."

Gano'n? Bakit iba ang sinabi sa akin? Pambihira naman, o.

Nang makita kong hinubad na niya ang tuwalyang nakapulupot sa bewang, napasigaw na naman ako. Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay nagpatuloy lang sa pagpupunas ng hita't binti. Napaupo pa sa kama ko habang ginagawa iyon.

"If you want to sleep in this house, the other room is avaible! Why here of all places?"

"This is my room. Why would I settle for a tiny room like the one next door? This room has always been mine and so is this bed."

MY NORDIC GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon