CASE

37 21 0
                                    

TITLE: CASE
GENRE: MYSTERY / THRILLER


"Tapos na bang i-examine ang bangkay 'nya?"

Tanong ko ng seryoso kay Doctor Emmanuel Lonzaga, na kasalukuyang naka tayo sa aking harapan.

"Oo, meron lang naman akong napansin na kakaiba"



Sagot nito na parang nag-aalanganin pa.



"Ano?"


Kunot noong tanong ko.



"W-wala, wala"



Agad akong naghinala, subalit napa-tango na lamang ako.


"Ms. Diane Jimenez, pinapatawag ka ni Chief. Morgan"


Rinig kong tawag sa akin ni Alex mula sa pintuan ng silid.

"Susunod na"

Pagka-saad ko ay dali-dali na akong lumabas sa opisina ni Doctor Lonzaga.



"Anong kailangan mo?"


Seryoso kong tanong kay Chief.

"Gusto ko'ng alamin mo kung sino ang may gawa sa karumal-dumal na pagkamatay ng biktimang si Mr. Alwin Labadios"

Napa kurap pa ako ng ilang beses,
bago sumang-ayon sa kagustuhan nito.
Akala ko ba ay siya na mismo ang tutuklas?


Diretso na akong nagtungo sa tirahan ni Mr. Labadios at mayron akong kinausap na tao na isa sa mga testigo sa pangyayari.


"Sa tingin mo anong oras mo namataang patay na ang katawan ni Mr. Labadios?"

Tanong ko rito, halata ang panginginig ng kanyang mga kamay at ang pagiging malikot ng kanyang mga mata. Para itong wala sa sarili at hindi na mapakali.



"Wala syang awa, p-pinatay nya si Alwin. Dapat na s-syang mamatay"


Nanghihimutok ito sa galit at parang kahit sa anong oras ay sasaksakin na lang ako nito ng biglaan.



"Kita k-ko kung paano nya p-pinagtataga ang bawat l-laman loob nito at kitang-kita ko ang mga g-galit nito sa bawat pagtarak nya ng k-kanyang kutsilyo"


Mahaba nitong litanya at nagmamadaling tumayo. Isinarado nito ang mga saradhan sa bawat bintana. Agad akong naghinala at ramdam ko ang pag-akyat ng aking dugo sa aking puso. Bumilis ang tibok nito at kinabahan ako sa maaaring mangyari sa susunod na kaganapan.



Naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking leeg.



"At ngayon, ay masasaksihan mo na kung paano ito magalit"


Isang malamig na boses ang nanggagaling sa aking likuran. Ramdam ko ang hapdi na dulot ng pagtarak nya ng kutsilyo sa aking leeg.




"BWA HA HA HAHA..."



Paghalakhak nito na pawang demonyo— wala na nga ito sa pag-iisip. Hindi na ako naka-galaw pa at parang namamanhid na ang aking buong katawan.


"Ihanda mo na ang sarili mo, dahil makakaharap mo na si kamatayan"





Kasabay ng pagbanggit nya sa mga katagang yon ay kitang-kita ko kung paano tumagas ang dugo sa parteng itaas. Wala na akong maramdaman at nandidilim na ang aking paningin. Nakita ko ang isang palakol na palapit sa akin—at daglian na din akong nawalan ng malay dahil na din sa labis na takot.






"Diane! Pull yourself together! Are you okay?!"

Pagdilat ko na ang aking mga mata ay hindi ko pa namukhaan ang lalaking nasa harapan ko—nanlalabo ang paningin ko.

Napa-upo ako at doon ko na tuluyang nakilala kung sino ang lalaking—


"C-Chief! Chief. Morgan!"

Saad ko sa galak at napansin ko naman siyang napangiti.

"You did a goob job Diane, and thank goodness you're okay"


Parang nakahinga pa siya ng malalalim at ang lawak pa ng ngiti. Napangiwi ako, hindi ko alam kung ngingiti din ako o ano dahil hindi ko alam kung saang parte ng trabaho ko kanina ang good job.



"Eh?"

I asked in awe.

"Noong pumunta ka doon ay sinundan kita, and doon ko na nga nalaman na wala talaga sa sarili ang lalaking 'yon. It was confirmed that he was taking illegal drug such known as ecstasy for almost three weeks"

He explained. What the—?!



"Ahh! Kaya pala pinapunta mo ako at pina-una! So, you use me to act as a decoy para lang mahuli sa akto ang lalaking 'yon? Ganon ba?"

Hindi ito sumagot, tumayo na ako sa aking pagkakahiga at tinulungan niya naman ako.

"Meron pa akong sasabihin"


Natigilan ako at doon ko na siya hinarap.

"Ano?"


"Remember noong in-examine ni Doc. Lonzaga ang katawan ni Mr. Labadios?"


Naalala ko nga'ng may nabanggit siya sa akin.

"What?"




"When he was murdered by Mr. Agro he's already dead by the effect of ecstasy, and then Doc. Lonzaga also discovered that the dead body of Mr. Labadios raped before he was murdered and choped off his body"

I was suddenly speechless.

"In other words, ang ikinamatay niya ay dahil sa ecstasy, at bago siya patayin ulit ay pinagkasiyahan pa ang katawan niya"

....

"And... Doc. Lonzaga ALSO, discovered that some of his body part is missing. Mr. Agro arrested and was charged for homicide, using illegal drug such as ecstasy, and cannibalism..."




"Ca—nni—ba—lism?!"






—END—

Short Story Compilation (Tagalog-English)Where stories live. Discover now