ANASTACIA

30 22 0
                                    

TITLE: ANASTACIA
GENRE: HORROR, SPIRITUAL


"Aahhh! Mama si ateeee"


Sigaw ko nang makita ang kinahitnan ni Ate sa kanyang kwarto.



"A-anong nangyare?!"



Patanong na sigaw naman ni Mama na nasa Kusina namin ngayon.



"S-si a-a--tee"




Mangiyak-ngiyak at nauutal kong sabi.



"An---- jusko! Anastacia!"



Sigaw ng mama ko nang makapasok siya sa kwarto at lumapit sa katawan ng panganay ko'ng kapatid na duguan at wala ng malay.




Naiiyak akong lumapit sa bangkay ng nakatatanda ko'ng kapatid at inalala ang mga pangyayare kagabi.






                      *Flash Back*

"Alliyah. Alagaan mo 'tong si Anastacia ah? Sya lang ang maiiwan ko dito pag nawala na ako"


Seryosong pakiusap sa akin ni Ate Anastacia, habang tinutukoy ang kanyang manika na kapangalan nya rin.



"Ate naman, ayaw kong alagaan ya'ng doll mo. Nakakatakot sya at ang weirdo, ang panget nya din!"



Tila nagpintig ang kanyang tenga. Matapos marinig ang aking sinabi


"Alliyah! Makinig ka sa akin! Huwag mo'ng pababayaan si Anastacia!"




Inis nyang saad at lumapit nang naka-kuyom ang mga palad.




Mabilis ang pangyayare, dahil namalayan ko na lamang na sinasakal nya na ako at nahihirapan na akong huminga.



"A-- a-te. T-ta-ma naaa--!"




Kapos hininga kong saad.



"Wag mong sasabihan si Anastacia ng ganyan! Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat!"




Nasisiraan na sya ng bait at hindi nya na alam ang kanyang ginagawa. Ano ba'ng nangyayari sa kaniya?



"Tama na yan Anastacia..."



Inihinto ni Ate ang pagsakal sa aking namumula nang leeg. Kasabay ng pagbitaw ng kanyang mga kamay ay sya namang panghihina ng aking mga tuhod at panlalamig ng buo kong katawan. Rinig na rinig ko ang klarong boses ng isang batang babae---- ang manika, kitang-kita ko rin kung paano itong gumalaw palapit sa akin...



"Sa akin na sya"



Bulong nito sa akin,
At hindi ko na namalayan pa ang sunod na mga nangyare ng makaramdam ako ng sakit sa ulo.

                *End of Flashback*







My sister is a suicidal person. She got depressed in many problems and school works, hindi nya kinakayanan.



Pero, hindi naman sagot ang pagpapakamatay ah?






Agad akong napalinga at hinahanap ng tingin ko ang kanyang manika.





Nang mahagilap ko ito ay agad ko itong nilapitan. Kinuha ko ito at patakbong inilabas ng bahay.





Kailangan nitong mawala sa pamamahay namin, malas ito sa amin, kasalanan nya lahat kung bakit nagpakamatay si ate.





"Mawala ka na! Ahhh!"





Inis na sigaw ko rito at pinagpupunit ang mga damit nito. Lumabas ako ng bahay para itapon ito sa basurahan.






"Pagsisisihan mo 'to!"





Narinig ko'ng sigaw nito at namalayan ko na lang na itinulak na ako nito sa kalsada.






Kita ko ang galit sa kanyang mukha,





"Dapat ikaw na lang ang namatay! Para wala na akong kaagaw kayla Mommy! Ako ang nauna sayo, kaya ikaw ang dapat na mamatay!"






Unti-unti kong napagtanto na hindi lang sya manika. Ang katawan ng ate ko, nasa manika.




"H-hindi maaari..."





Tanging nasambit ko.





"Bakit?! Gusto mo naman talaga ako mamatay di'ba?! Oo, patay na ako. Pero, hindi ako papayag na makakasama mo si Mommy ng masaya! Hindi ka magiging masaya!"





Rinig ko ang mabilis na pagpapatakbo ng isang malaking truck.






Napalingon ako, agad na nanlaki ang aking mga mata. May sasakyang paparating at hindi ko magawang igalaw ang aking katawan—hindi ko ito maramdaman.





Sinubukan ko'ng sumigaw ngunit walang boses na lumalabas. Kabado naman akong lumingon ulit sa daan at malapit na sa aking kinaroroonan ang isang ten wheeler truck. Sigurado akong hindi ako nakikita ng driver.





Lumingon ako sa manika, na kinaroroonan ng kaluluwa ng aking kapatid. Sinubukan ko'ng humingi ng tulong ngunit binalewala nya ako.






Sa tingin ko, wala na akong magagawa.




Buong tapang kong hinarap ang mabilis at malaking truck na papunta sa aking kinahihigaan dito sa kalsada.





Isa...




Dalawa...





"Patawad, patawarin mo ako ate, patawarin mo ako kung pinatay kita. Nang sa gayon, hindi mo na masasaktan pa ang ating ina. Alam ko'ng kasalanan ko 'to, ngunit patawad ulit. Dahil ito ang pangalawang beses na dadalhin kita sa kamatayan."





Naiiyak ko'ng saad. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang aking katawan. Ginamit ko ito para mahatak palapit sa akin ang manika.







"T-teka! Anong ginagawa mo?!"






Pagpupumiglas nya.





"Kailangang mawala ka na rin ng tuluyan!"




Hinawakan ko sya ng mahigpit. Magkasama kaming mamatay. Hindi ko na siya hahayaang maghirap mag-isa, hindi ko na rin siya hahayaang mamatay ng walang kasama.





Pag lingon ko sa harap, ay sya namang pagliwanag ng buong paligid.






Tatlo...





.......






—END—

Short Story Compilation (Tagalog-English)Where stories live. Discover now