CAUSED OF DEPRESSION

36 23 2
                                    

TITLE: CAUSED OF DEPRESSION
GENRE: HORROR, PSYCHOLOGICAL


"Walang kwenta"





"Ang bobo mo naman"






"Hindi ka marunong, tanga"







"Wala nang magmamahal sayo!"





"Ang panget mo!"





"Sana, hindi ka na nabuhay!"







Iilan lang yan sa mga naririnig ko. Hindi ba nila iniisip na may puso din ako? May damdamin din ako— at nasasaktan






Nakayuko akong naglalakad sa maliit na pasilyo sa aming paaralan. Papunta ako ngayon sa opisina ng aking guro.




"Ma'am? Ma'am Dela cruz?"





Tawag ko dito ng makarating ako sa tapat ng kanyang pinto. Dahan-dahan naman itong nagbukas, nakita ko syang nakaupo. Pinapasok nya naman ako.






"Ma'am, ito na po yung kulang ko'ng proyekto. At yung mga pinapagawa nyo rin po"





Nahihiya kong iniabot ang aking mga ginawa sa kanya.






"Sa tingin mo ba makakapasa ka pa? Kahit na magpasa ka pa ng mga ganyan? Hindi! Tsk"





Inis na sagot nito at pinagpupunit nito ang aking mga gawa.





Napa-awang ang aking nang makita ko ang ginawa niyang 'yon. Napakagat labi pa ako at labis na nanghinayang sa mga proyektong ginawa at pinaghirapan ko.






Pinipigilan ko ang sarili kong hindi umiyak. Pilit kong hindi ipinapakita na hindi ako naapektuhan.






"You may go, walang kwenta. Dapat kasi hindi ka na lang nag aral. Ang dugyot mo"




Tanging tango lang ang naisagot ko rito at nakayukong lumabas ng kanyang opisina. Habang naglalakad ako sa pasilyo, ay doon na nagumpisang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.







Hindi ko na kaya, grabe na ang kanilang pang aalipusta sa akin. Sobrang sakit na, kahit anong gawin ko, wala pa ring nakakakita. Masyado nang bulag ang mga tao, at mga kagaya ko ay kanilang tinatapak-tapakan.




Nakaramdam ako ng puot sa aking dibdib, pakiramdam ko hindi ko kakayanin, kung hindi ko ito mailalabas—yung galit, yung galit na matagal ko ng pinipigilan.





Hindi ko na kayang magtimpi! Tao din ako at napapagod! Nasasaktan! May damdamin din naman ako!





Napahinto ako sa paglalakad at sumandal sa pader ng library namin. Hindi na ako makapag-isip ng maayos... I'm going insane.












                                ***

Sa paglubog ng araw, ay inihanda ko na ang sarili ko. Wala na silang magagawa pa, sila ang may kasalanan kung bakit nabuo ang isang halimaw na kagaya ko.







I smile, a shallow smile with a deep percing eyes and evil mind.







Naglalakad ako sa isang madilim na kalsada at nang matunton ko na ang aking pupuntahan ay dumiretso na ako dito. Dahan-dahan ko'ng pinasok ang kanyang tirahan at tumungo sa kanyang silid.








Pinagmasdan ko ang kanyang buong katawan. At napatigil ako sa kanyang mukha, nakaramdam ako ng inis.








"Dahil sayo, bumagsak ako. Dahil sayo, hindi na ako makakapag aral"






Inis na bulong ko na tila ba kinakausap sya.









Dahil nawawalan na ako sa kontrol ay mabilis akong pumatong sa kanya at inundayan ng saksak.





"Ahhh—! S-sino k—aa?! T—tulongg!"









Sigaw nito. Her voice feels so good!


"Moorreee! Screeemm moooree! Beg for forgivenesss!!! HAHHAHAHAHA!"



Ngunit nanahimik ito at naiyak na sa takot.





"Hey, don't you dare to shit on your pants"
"DON'T YOU DARE MOCKING ME!!"




Napangiti ako ng nakakaloko at dahil 'don ay pinuntirya ko ang kanyang ulo. Pinagsasaksak ko ito, at sinigurado kong mababasag ang kanyang bungo. Kitang-kita ko kung paanong lumabas ang kanyang mga dugo sa ulo nya—pati na din ang utak.






"Ngayon na wala ka ng utak, sino nang bobo sa atin ngayon? WALANG UTAK!!! HAHAHAHAHA!"








Wala sa sarili ko'ng saad at hindi pa ako nakuntento. Hinila ko sya sa kanyang paanan. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at Binalatan ko ang katawan nya gamit ang kutsilyo. Sobrang saya ko, dahil sa pagtalsik ng kanyang sariwang dugo. Inumpisahan kong hatiin ang kanyang mga paa. Pagkatapos ay sa kanyang mga kamay naman. Naaadik ako sa amoy ng kanyang dugo. AHHHHHH!



Matapos kong gawin ang karumaldumal na pangyayaring yun ay umuwi na ako sa aking tahanan nang may malaking ngiti. Heh.











Kinabukasan...





Pagpasok ko sa aming silid-aralan ay nagkakagulo ang aking mga kaklase.



"Hala! Hindi nga?! Totoo?! Patay na si Ma'am Dela cruz?"





"Omy ghad. No way!"





"Shit, grabe naman yung gumawa 'non sa kanya"






"Matindi ang galit nya. Walanghiya sya!"






"Hindi man lang sya na-awa"




Naririndi ako sa ingay nila.







‘Kaawaan? Bakit, kayo ba? Naawa ba kayo sa akin? Tsk.’





‘Oo, matindi talaga ang galit ko sa matandang yan.’






‘Mas maganda nang mawala sya sa buhay ko. Para wala ng sagabal.’





Napangiti ako at tiningnan sila isa-isa.




‘At isusunod ko na ang mga walang kwentang 'to’





‘Tingnan natin kung sino ang pinaka-walang kwenta at inutil’







Pasimple akong napangisi at tuluyan nang lumabas ng silid-aralan... Ano pa'ng silbe?







—END—

Short Story Compilation (Tagalog-English)Where stories live. Discover now