Kabanata 6

20.9K 605 34
                                    

Kabanata 6

Searching For Ms. Dela Vega

Natataka ako kung bakit napapatingin sa gawi ko ang mga estudyante sa labas? Tila sila naguguluhan at maging ako'y naguguluhan sa kanila.

May pumasok na babae at ito yung friend ni Grae na halata mong hindi agad ako bet. Matangkad at maayos-ayos ang fashion sense. Lumapit sya sa gawi ko at huminto.

"Grae, doon ang classroom natin sa kabila, di ba?" sabi nito kay Grae.

"Wala pa naman si Ma'am. Nakikiupo lang ako." tugon nitong si Grae at humalikipkip na naupo. Napataas ako ng kilay sa naging sagot nya. Really? Sa dami ng upuan sa classroom na ito sa katabing upuan ko pa napili nya? Hindi naman pala rito ang classroom ng mga ito. So ibig sabihin ay hindi ko sila kaklase sa subject na Math? Yes! Buti naman.

"Hay naku! Uso na ba ngayon ang babae ang manunundo sa lalaki?" bulong ko na umabot pa ata sa pandinig ng babae.

"Anong sabi mo?" inis na sabi ng babae. Nakibat-balikat ako at tumingin lang sa kuko ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na balak sana akong sugudin nito ng tumayo si Grae.

"Tama na, Honey." sabi ni Grae na kinapula ng mukha ng babae lalo na ng hawakan sya sa balikat ni Grae. Tila may gusto ito kay Grae pero itong si hambog ay nakatingin lang ng normal tila hindi man lang makita ang pagtatanging pururot sa kanya ng babaeng ito. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na nakatingin din ang mga babae sa labas ng classroom. Bakas sa mga mukha ang inggit.

"P-Pero ano kasi.." nauutal ang boses habang nagsasalita itong honey.


"Pero ano kasi.. wag mo akong hawakan, kinikilig ako." panggagaya ko sa boses ni honey. Natawa ako at napailing dahil ang pabebe lang. Iniwan ko na ang dalawang iyon dahil nakakabanas ang pagmoment nila. Wala naman din atang teacher kaya naisip ko na hanapin nalang ang cafeteria nila.

"Malas! Shit!" bulalas ko ng makita ko na makakasalubong ko si Choco na gatas. Shit! Agad akong tumalikod at tumakbo.

"Miss bitiful! Wait baby!" tawag nya. Argh! Nakakainis na ang choco na ito. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyante na nasa koridor at mga nasa kanila-kanilang silid. Bigla akong napahinto ng makarating agad sa harap ko si Choco. Napapikit ako at kinalma ang loob. God! Parang may phobia na ako sa kanya. Nakakaloka sya. Pero hindi ko naman maaari na magpakita ng inis rito dahil naalala ko na may misyon akong akitin ang jeje na to.

"Haha.. Oh Choco, ikaw pala?" parang tanga kong wika habang pilit na pilit ang tawa.

"Ako nga ito. Pero tawagin mo nalang ako sa pangalang Cholo. Alam kong mas gwapo ako sa pangalan na choco pero gusto kong malaman mo ang tunay kong ngalan para naman ay hindi ka na mahirapan na alamin ang aking pagkatao."

Grabe! Saan kaya kumuha ito ng lakas ng loob sa sarili? GGSS sa sarili. Cholo pala ang name nya bakit mas gwapong-gwapo pa sya sa choco? Siguro ay nauto ng mga kaibigan nito at sinabihan na gwapo ang choco pag iyon ang itatawag sa kanya.

"Ah sige, punta lang pala ako sa cafeteria." ngiwi kong ngiti at humarap muli sa dinadaan ko kanina.

"Talaga? Papunta ka doon? Kakagaling ko lang doon, kaya siguro nais mo ring puntahan ang mga lugar na gusto ko." panunukso nya at tinulak pa ako sa balikat. Eww! Mangilabot nga sya! Wala bang nagsasabi rito na babaan naman ang tiwala sa sarili. Masyado na syang mapagpaniwala baka pag nalaman nya ay magbigti pa sya sa katotohanan.

"Haha.. hindi naman. Talagang papunta lang ako doon." ngiwi kong sabi.

"Wag ka ng magkaila. Hindi ka naman mapapahiya sa akin kung sasabihin mong gusto mo ako." sabi nya at inakbayan ako. Ngiwi kong inalis ang kamay nya at dumistansya.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon