Kabanata 16

27.2K 652 12
                                    

Kabanata 16

Subukan mo lang

Hindi ko kaya na tanggihan si Grae. Kada bibitaw ako ay agad nyang nahahabol ang labi ko at sabik na hinahalikan. Madiin akong napakapit sa kamay nya habang bumibigat ang hininga namin pareho.

Naramdaman ko ang pagapang ng isa nyang kamay sa dibdib ko. Halos mamilipit na ang dapat na namilipit sa katawan ko sa ginagawa nya.

Binitawan nya ang labi ko at tinitigan nya ako bago nya hubarin ang suot kong blouse.

"Sorry. Pero hindi ko muli pipigilan pa ang sarili ko." utas nya.

Napakagat ako ng labi ng haplusin nya ang dibdib ko at hawiin ang bra ko. Tumingin sya sa akin bago nya ibaba ang labi sa dibdib ko para halikan.

Hindi ko alam kung saan nya natutunan ang mga bagay na ito. Nung una ay halata ko na wala syang experience, pero hindi naman sya good boy kaya alam ko na masyado ding pilyo ang isip nya.

Inunti-unti nyang hinubad lahat ng saplot ko. Binaba nya ang pants ko kasabay ng panty ko. Nakita ko sa mata nya ang pagtulala sa katawan ko para bang ito ang una nyang beses na makita. Agad kong tinakpan ang dibdib ko at pagitan ng hita ko dahil naiilang ako sa tingin nya.

Ngumiti sya at mabilis na hinubad nya rin ang lahat ng saplot nya. Muli nya akong hinalikan sa labi habang parehong napahigpit ang hawak namin sa aming kamay ng magsimula sya.

Para kaming nasa ibang dimensyon. Parang ang paligid namin ay balewala at tanging gusto lang namin ay pareho naming matugunan ang isa't-isa.

Gaya ng sinabi nya ay nalaman ko na ang Grae style na sinabi nya. Masyado syang ganado. Halos makailang oras kami para lamang ipatikim nya sa akin ang nais nyang malaman ko.

Agad kong tinabunan ng kumot ang katawan ko habang nakapikit at nakatagilid ng higa habang nakatalikod sa kanya. Inangat nya ang ulo ko para ipaunan sa akin ang braso nya. Niyakap nya ako gamit ang isang nyang braso at ang binti nya ay nakayakap sa binti ko.

"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, babe. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko sa'yo."

Sinubsob nya ang mukha sa leeg ko at mas humigpit ang yakap nya sa akin. Dumilat ako at napatingin sa kawalan..

Tama ba itong ginagawa namin? Ang pamilya nya, galit sa pamilya ko. Kahit na hindi nya sabihin sa akin ay alam ko na galit sa relasyon namin ang Lola nya.

Lumingon ako kay Grae at nakita ko ang payapa nyang mukha habang nakapikit ang mga mata nya. Inabot ko ang pisngi nya at marahang hinaplos.

Saglit na oras palang ay agad na syang nakatulog. Kahit na natutulog ay hindi maitatanggi ang kagwapuhan nya. Napatingin ako sa nunal nya sa gilid ng kanyang leeg na nagpapasexy sa kanya.

Napangiti ako at hinaplos iyon. Napakislot sya kaya lalo akong napangiti dahil halatang may kiliti sya doon.

Napahinga ako ng malalim at pumikit na rin. Tsaka ko nalang iisipin ang problema namin. Ang mahalaga ay kasama ko sya ngayon at tiyak na mas payapa ang tulog ko.

-

Kinabukasan ay sabay din kaming nag-umagahan. Sya nagluto. Ang itlog ay nakuha nya pa sa alaga nyang manok. Pati ang gatas ay nakuha nya sa alaga nyang baka.

Panay ang haplos nya sa bewang ko habang magkatabi kami sa upuan at kumakain. Inalis ko ang kamay nya dahil baka kung saan pa magpunta iyon.

"Nakatulog ka ba ng maayos, babe?" tanong nya at humawak naman sya ngayon sa hita ko. Suot ko lamang ang loose shirt nyang itim at boxer short. Kaya malaya ang kamay nya na ilapat sa balat ko ang mapangahas nyang kamay.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon