Kabanata 20

31.8K 684 15
                                    

Kabanata 20

Paggising sa umaga

Bumuga ako ng hangin habang nakaupo sa single couch habang nakaharap sa akin ang malaking salamin. Suot ko ang gown na pangkasal. Habang may bulaklak na nakaikot sa ulo ko. Nakapusod ang buhok ko na paikot habang kinulot ang konting hibla ng buhok ko sa unahan.

Hawak-hawak ko rin ang bulaklak ko habang kanina pa ako kinakabahan. Bumukas ang pinto kaya lumingon ako doon at nakita ko na pumasok ang photographer, maging si Mama at Tiya.

"Ang ganda mo talaga, anak.. Bagay na bagay sa'yo ang wedding gown mo."

Napangiti ako pero hindi ako makapagsalita dahil kinakabahan talaga ako.

"Nanginginig ka, Ciella. Wag kang kabahan. Ganyan talaga kapag ikakasal na."

Nginusuan ko si Tiya dahil nanunukso pa sya.

"Okay po, Miss Ciella.. Kukuhaan kita ng litrato." pukaw sa amin ng photographer.

Lumayo muna sila Mama kaya umayos ako ng upo at tumingin sa photographer. Ngumiti ako at ginawa ang best ko para maging maganda sa litrato.

Maraming shot din ang ginawa. Meron din sa kama ko kung saan nakalapag ang mga gamit sa kasal.

"Kuya, pasama kami sa litrato ng pamangkin ko." hirit ni Tiya kaya natawa si Kuyang photographer.

"Sige po. Pwede na po."

Dahil sa sinabing iyon ng photographer ay mabilis na lumapit sa akin sila Mama. Tumayo ako kaya sa magkabilang gilid ko sila. Pagkatapos ay solo nila kasama ako.

"Naku, oras na pala. Ciella." biglang sambit ni Mama ng mapatingin sya sa wrist watch nya.

Napahigpit ang hawak ko sa bulaklak at pakiramdam ko ay maiihi ako kahit nakailang balik na ako sa banyo.

"Mama, banyo lang ako.."

Pinigil ako ni Mama sa braso at inilingan ako tila ba tutol sya.

"Wag na, baka malate ka pa. Tsaka naghihintay na rin sa baba ang driver na maghahatid sa'yo sa simbahan."

Mas lalo akong kinabahan sa pagmamadali sa akin ni Mama. Hinawakan ni Tiya ang dulo ng gown ko habang si Mama ay kinuha ang ilang gamit ko para sa gagamitin sa kasal. Bumuga ako ng hangin at naglakad na para lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa hagdan habang hawak ang ibabang gown ko para hindi ako matisod sa hagdan.

Napatayo sila Papa, Dennis at Mark ng makita ako. Napangiti sila kaya napangiti rin ako.

"Wow. Ang ganda naman ng anak ko."

"Syempre, anak nyo ako kaya sinasabi nyo 'yan, Papa."

Natawa sya at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko na may suot na gloves.

"Hindi ko akalain na ikakasal ka na talaga, Anak. Pasensya ka na kung noon ay pinaing ka namin para lamang makuha ang titulo."

"Wala po iyon, Papa.. Nauunawaan ko po iyon."

Ngumiti sya at tinapik ang kamay ko. Nangilid ang luha nya kaya napabuntong-hininga ako.

"Dahil sa pagpapakasal nyo ni Grae ay nawala na ang tingin sa atin ng mga tao. At nawala na rin ang alitan sa pamilya ng bawat isa. Para bang nawala ang sumpa."

Napangiti ako at niyakap sya at hinaplos ko ang likod nya.

"Wag nyo na pong isipin pa iyon.. Ang mahalaga po ngayon ay tahimik na at masaya na ang lahat."

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon