One

2.5K 109 13
                                    

Play the YouTube video. 😊
•••

MATAIMTIM na nakatitig si Vance kay Rafael habang abala ito sa pagpirma ng annulment paper nila. Yes, after three months he left him ay ngayon na lang ulit ito nagpakita sa kanya para sa annulment nila.

Nakuyom niya ang kamao nang bumalik yung sakit noong unang gabing umalis ito ng walang paalam. Hanggang ngayon naman hindi pa rin nawawala ang sakit na 'yun at higit itong nadagdagan ngayon na muli niya itong nakita.

God! He miss him so much. Gusto niyang putulin ang pagitan nilang dalawa para yakapin ito at halikan, baka sa ganung paraan ay bumalik na ito sa piling niya. Pero alam niyang hindi mangyayari yun dahil ilang beses niya na itong pinuntahan sa spain para suyuin at kausapin pero nagmatigas ito, hindi daw siya nito gustong makaharap at lalo na ang makausap.

Wala siyang ibang ginawa kundi magpakalungo sa alak para sa ganung paraan man lang ay makalimot siya, pero lalo lang nadadagdagan. Mahigit isang buwan na ganun parati ang scenario niya hanggang sa magpadala ito ng sulat na nagsasabing tantanan na niya nito dahil gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.

Hindi siya lubos na naniniwala sa sinasabi mula sa sulat dahil noong gabing yun, ramdam na ramdam niya kung gaano siya nito kamahal.

"It's your turn, Mr. Fuentebella." pukaw sa kanya ng kanyang abogado.

Napatingin siya sa papeles na inilapag nito sa kanyang harapan. Tiim ang bagang na nag-angat siya ng tingin kay Rafael at agad na nagtama ang mga mata nila.

Ang kislap ng mga mata nito sa tuwing nakatingin sa kanya ay naglaho na. Talaga bang nawala na ang pagmamahal nito sa kanya?

"Nangayayat ka." aniya rito.

"Mr. Fuentebella, you can't talk to my client—"

"Shut up! I'll talk to my wife whenever I want!" sikmat niya sa pesteng abogado ni Rafael.

"Inaalagaan mo ba ang sarili mo? Kumakain ka ba ng maayos? How about your medicine did you—"

"You don't need to care for me, Vance." putol nito sa kanya.

"Ofcourse I care for you. Bigyan mo ako ng pagkakataon na magkausap tayo para maayos pa natin ang dapat na ayusin—"

"Ang paghaharap nating ito ay hindi para dun, Vance. Nakiharap ako sayo because you told to my lawyer that you will sign the annulment paper!" Tumaas na ang boses nito.

"I just did that to see you." He said honestly. "I miss you, Cariño. I miss us."

"But there's no more us, Vance! So please, just set me free!"

tumayo siya para sana lapitan ito pero agad na tumalima ang mga bodyguards nito para pigilan siya. Pero laking gulat ng lahat nang lumuhod siya sa harapan ni Rafael.

Sa unang pagkakataon, lumuhod ang Alpha ng Poblacion. But he don't give a damn! Kahit lumuhod pa siya at magmakaawa gagawin niya kung ito ang paraan para patawarin na siya ni Rafael.

"Why are you doing this to me, Cariño? M-may nagawa ba ako na hindi mo gusto o may gusto ka na hindi ko nagawa? Just tell me, aayusin ko. Please!" He begged.

Sandali siyang tinitigan ni Rafael bago ito nagpakawala ng buntong hininga.

"Is it really hard for you to understand, Vance? Is it really hard to understand that I don't want this relationship anymore? Is it really hard to understand that I don't want you? That I don't love-you-anymore?"

Mabilis siyang umiling. "That's not true! I know you still loves me. I feel it, I could still feel it!"

nagpumilit siyang lapitan ito kaya muli na naman siyang pinigilan ng mga bantay nito. Hinawakan siya sa magkabila niyang braso at pilit siyang inilalayo kay Rafael.

"If you force your self to him, Mr. Fuentebela, my client can sue you." sabi ng abogado ni Rafael.

"Sue me all you want, but my wife is mine!" aniya na patuloy na nagpupumiglas.

Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ang nagpatigil sa kanya ganun din ang lahat ng mga umaawat sa kanya.

May luha sa mga mata na tumingin siya kay Rafael. Wala siyang ibang nakikita sa mga mata nito kundi galit. Siya ba ang may gawa nito? Siya ba ang dahilan kung bakit wala ng kislap ang mga mata nito?

Ito na ba ang hudyat para huminto na siya sa pakikipaglaban? Sa pakikipaglaban niya para sa kanilang dalawa ni Rafael?

"Please... set me free."

Mapait siyang ngumiti at kumawala mula sa bantay nito. Ginawa na niya ang lahat ng paraan na alam niya para lang bumalik na ito sa kanya, pero walang saysay ang lahat.

"Okay, just answer me. Why?" kuyom ang kamaong tanong niya. Ito na ang hinihintay niyang marinig mula rito.

"I'm not happy anymore," mabilis nitong sagot. "ayoko nang ipagpatuloy pa ang relasyon natin dahil nakakapagod na!"

Nangunot noo siya. "Napapagod ka na?"

"Yes, I'm really tired! To you, to us! To the point that I want to forget everything about you,Vance!" Rafael exclaimed.

Natigilan siya. Ganun na nito kagustong makalaya mula sa kanya?

"You ruined everything! You ruined my life, Vance!" pinagsusuntok siya nito sa dibdib at hinayaan lang niya ito.

Ganito ba kasakit at kahirap ang ibinigay niya kay Rafael para masabi nitong sinira niya ang buhay nito?

"I want to free from you! I don't want to be with you anymore! So please, just set me free..." pagod na napaluhod ito.

Pikit ang mga matang tumingala siya. Tila siya isang bato na onti-onting nadudurog. Higit siyang nasasaktan ngayong nakikita niya itong nasasaktan at dahil ito sa kanya.

"I'm asking you for the last time, Rafael. Is this what you really want?" buong lakas niyang tanong.

"Yes." mabilis nitong sagot.

Kuyom ang kamaong humakbang siya palapit sa lamesa at mabilis na pinirmahan ang mga papeles.

"What else do you want me to do?" tanong niya na hindi tumitingin dito.

"Forget me and unlove me, Vance."

Mapait siyang tumawa. Ganun lang ba kadali yun? Ganun lang ba kadaling gawin yun? No. He can't do that.

"Iutos mo na ang lahat huwag lang yan. Hindi ganun kadali." nilingon  niya ito. "Oo pinalaya na kita, pero hindi ibig sabihin niyon kakalimutan na kita. Mahal na mahal kita, alam mo yan. Kung sa ganitong paraan ka liligaya, I'm willing to sacrifice for you."

He sighed heavily. "I just ask you one thing. Please take care of your self, Cariño." yun lang at walang lingon-lingon na humakbang na siya palabas ng kwarto.

Pumasok siya sa isang pinto at pagkatapos ay doon pinagsususuntok niya ang pader. Doon niya binuhos ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman niya ngayon. Wala siyang pakialam kung magsugat ang kamao niya. Baliwala ang hapdi dahil mas matimbang ang sakit na nasa dibdib niya ngayon.

Ang taong nagbibigay sa kanya ng lakas ay siya rin ang dahil ng kahinaan niya ngayon. This is the most hardest part of all to unchained his heart that holding on him.

But how do he start to live his life alone if he don't even know where to start. O ang tamang tanong, kaya nga ba niyang mabuhay na wala ito?

Willingly Yours (Great Pretender Series II)[Book 2]Where stories live. Discover now