Five

1.9K 103 15
                                    

"WHERE is he?" iritableng tanong ni Rafael kay Karrim mula sa kabilang linya. Noong isang araw pa niya tinatanong dito si Vance, pero ang palagi lang nitong sagot ay nasa paligid lang at nagmamasid.

"I need to talk to him." aniya na pilit pinapahinahon ang sarili.

I need his strength for my baby... aniya sa kanyang sarili.

"He don't want to talk to you, Rafael. I'm sorry." anito na ikinakagat niya sa labi.

Bago niya pa napansin ay pumatak na ang mga luha niya. Dali niyang pinutol ang linya bago pa man nito marinig ang pagsinghot niya. Inis na nilapag niya ang cellphone sa office table niya. Naiinis siya sa lahat, pero higit siyang naiinis sa sarili dahil naiiyak siya ng ganito.

Wala siyang dapat na iiyak. Kung ayaw siyang kausapin o harapin ni Vance, edi wag! Hindi niya ipipilit ang sarili rito.

Natutop niya ang bibig at daling tumakbo sa banyo at agad na tumapat sa lababo at doon nagdududuwal.

Nasapo niya ang tiyan at tsaka parang batang nag-iiiyak. Ilang araw na siyang ganito. Akala niya tuwing umaga lang siya aatakin ng pang-aasim ng sikmura, pero kahit sa gabi ay hindi siya pinapatulog.

Hapong naglakad pabalik sa swivel chair si Rafael at pabagsak na naupo. Kinuha niya ang vitamins sa drawer at ang basong tubig na nasa gilid ng lamesa niya tsaka 'yun ininom. Kahit yata araw-araw siyang uminom ng vitamins niya wala pa rin 'yun saysay. Kulang na kulang ang naibibigay ni'yun.

Pagod na ipinahinga niya ang likuran sa backrest ng swivel chair tsaka marahan na ipinikit ang mga mata. Wala siyang gustong gawin maghapon kundi ang matulog at magpahinga. Pero kahit gustohin man niya ay hindi pwede dahil marami siyang dapat na haraping trabaho, isa na doon ang Levantandose airline. Dito na nga lang siya sa mansion nag-oopisina dahil tulad ng sinabi ni Dr. Velasquez ay bawal siya magpagod.

Katok sa pinto ang nagpamulat ng mga mata niya.

"Come in." aniya na umayos ng upo.

Iniluwa ng pinto ang bago niyang secretary na si Sue. Kanina pa niya ito inaantay.

"Buenas dias, sir." buong tamis siya nitong nginitian.

Napatingin siya sa dibdib nitong halos luwa na sa pagkalantad. Napapansin din niya noong una pa lang ay inaakit siya nito at panay ang pa-cute nito sa kanya. Rafael rolled his eye. Kung alam lang nito kung ano siya at kung ano ang kalagayan niya ngayon tiyak magtatatakbo na ito sa sobrang takot.

"What is my schedule for today?" tanong niya na sa monitor ng laptop niya itinuon ang mga mata.

"You have lunch meeting with mr. Serano in Delisioso Restaurant. Meeting with Mr. Francisco and Mr. Zapanta in Luxury Garden at 2pm in the afternoon. A book signing event in CCPP at 4pm in the afternoon till 6pm in the evening."

Pagod na nagbuga siya ng hangin. Ayaw man niyang pumunta sa mga meeting at event ay hindi pwede.

Sinipat niya ang pang bisig na relo. Alas-onse na ng umaga. "Okay be ready in thirty minutes." walang ganang sabi niya rito.

"Eye! Sir." anito na humakbang na palabas ng opisina niya.

Muli ay pagod niyang ipinahinga ang likod sa backrest ng swivel chair at tsaka kinuha ang cellphone niya para tawagan si Uno. Isa raw sa mga kamay ni Vance.

"Sir?" bungad nito.

"I just let you know, I have a meeting to attend."

Sandaling tumahimik ang kabilang linya na ikinakunot ng noo niya.

Willingly Yours (Great Pretender Series II)[Book 2]Where stories live. Discover now