Three

2K 86 16
                                    

INIHINTO ni Vance ang sasakyan sa tapat ng building kung saan idaraos ang unang book signing ni Rafael para sa ikatlong librong naipublish nito.

Nang bumaba siya mula sa sasakyan ay agad siyang pinagtitinginan. Well, sino nga ba ang hindi makakakilala kay Vance Fuentebella na isang sikat na modelo? Pero wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya dahil simula nang maikasal sila ni Rafael ay iniwan na niya ang unang pangarap niya dahil ito na ang pinakapangarap niya. Pero nagawa siya nitong iwan para sa sarili nitong pangarap at hindi siya kasama roon.

Hinubad niya ang salamin at dumiretso papasok sa loob. Halos puno ng tao ang buong palapag na 'yun na gustong magpapirma kay Rafael. Tiningnan niya ang poster ng asawa niyang nakalambitin sa pader at hawak nito ang isinulat na libro habang may malawak na ngiti sa mga labi nito.

Gusto niyang magselos dahil sa kabila ng paghihiwalay nilang dalawa ay nagagawa nitong maging masaya habang siya miserable at tila namatayan sa pagluluksa.

This is what you really wanted, Cariño? aniya sa isip.

Nabaling ang tingin niya sa kanan nang magtakbuhan papunta roon ang mga tao. Napako siya sa kinatatayuan nang makita niyang lumabas mula sa pinto ang gammang pinanabikan niya ng ilang buwan.

Umaliwalas ang mukha nito. Bahagyang nadagdagan ang pangangatawan nito at hindi tulad ng dati ay may mga ngiti na ito sa labi.

Nakaramdam siya ng kirot sa puso n mah kasamang saya. Ito ang resulta na wala siya sa buhay ni Rafael. He can be better without him. Tama ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya dahil nakikita niya ang magandang pagbabago rito na hindi niya naibigay.

Tama ito. He make his life miserable noong una palang.

Tipid siyang ngumiti na muling isinuot ang salamin kuway lumabas na siya ng building at nagpasyang bumalik na lang sa loob ng MBW. Dito na lang siya magmamasid sa labas.

"One." aniya mula sa mouthpiece.

"Yes, Lord Dos?" tugon nito.

"Keep your eyes on him." utos niya sa sniper niya.

"Copy."

"Two."

"Lord Dos?"

"Make sure no one can touch him or else you're dead." tiim bagang sabi niya sa tauhan niyang nagsisilbing bodyguard ni Rafael na ibinigay ni Karrim.

"C–copy, Lord Dos."

Nang maputol na ang linya ay naglabas siya ng sigarilyo at agad 'yung sinindihan. Hindi pa man din lubusang nangangalahati ang sigarilyo niya ay may nangyari nang gulo sa loob. Nagsigawan ang tao mula sa loob ng convention na siyang nagpaalarma sa kanya.

"What the hell happened?!" kinakabahang tanong niya mula sa linya.

"Mr. Naisell collapsed!"

"What?!" mabilis siyang umibis ng sasakyan. "It's Fuentebella, you moron!" pagtatama niya kay One.

"Two!"

"I am going to—"

"Try to touch him, I will kill you!"

Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa loob ng convention hall. Hinahawi niya ang mga taong nakaharang sa daraanan niya. Wala siyang pakialam kung masaktan man ang mga ito. Ang gusto niya ay makalapit agad sa asawa.

Para siyang tinakasan ng kaluluwa nang makitang walang malay na nakahandusay sa sahig si Rafael.

"Cariño!" Mabilis niya itong binuhat.

"Wait Mr. You can't just take him—" pigil sa kanya ng secretary nito.

"I'm his husband! So, get lost!" singhal niya rito.

Halos takbuhin niya na ito palabas ng building at isinakay sa sasakyan niya. Nang maayos niya na itong naihiga sa likuran ay sumakay na siya sa driver seat at halos paliparin na niya ang sasakyan palayo sa lugar na 'yun.




MARAHANG iminulat ni Rafael ang mga mata nang magising siya. Noong una malabo pa ang paningin niya kaya muli siyang pumikit at marahang muling idinilat ang mga mata.

Puting kisame ang agad na sumalubong sa kanya. Nang mapagtanto niya na pamilyar sa kanya ang lugar na ito ay bumalikwas siya ng upo. Nasa hospital siya! Anong ginagawa niya rito?!

Nagsimula na siyang magpanic nang maalala ang tagpong 'yun sa buhay niya.

Nanlalaki ang mga matang nabaling ang tingin niya sa lalaking pumasok. He's wearing a white coat at hindi niya malilimutan ang doctor na ito.

"Dr. Velasquez..." anas niya sa pangalan nito.

"Buti gising ka na, Mr. Fuentebella." matamis itong ngumiti sa kanya.

"It's Naisell. I'm no longer Fuentebella." aniya, pero wala itong naging reaksyon sa sinabi niya.

"W-why I'm here?"

"You lose consciousness while you're in your book signing." Muli itong ngumiti. "Congratulations, you're fifteen weeks pregnant." anito na siyang tuluyang napanutla sa kanya.

Itinaas niya ang kaliwang kamay. "T–teka... Ako buntis?"

Mabilis itong tumango. "Yes."

Paanong... Mabilis niyang nasapo ang noo nang maalalang never silang gumamit ng protemsyon ni Vance sa tuwing nagniniig siya. Bukod sa hindi ito bumibili ay ayaw talaga nitong gumamit.

Muli siyang natigilan nang maalalang isa rin itong werewolf.

"Who brought me here?" maya'y tanong niya rito.

"Me."

Nabaling ang tingin niya sa pinto at iniluwa niyon ang lalaking kahulihulihan niyang gustong makita. Bumilis sa pagtahip ang puso niya nang tumuon sa kanya ang malamig nitong mga tingin.

Vance...

Tsaka lang siya nagsalita nang lumabas na ang doctor. "H–how?"

"I'm your new fucking bodyguard." sarkastiko nitong sagot.

"My what?!"

"You can ask Karrim after we talk."

Mabilis siyang umiwas ng tingin dito. "Wala na tayo dapat pang pag-usapan."

"Really? 'Yang nasa sinapupunan mo, hindi ba natin dapat pag-usapan?"

Nakuyom niya ang kamao. "I can raise him alone. I don't need you. We don't need you—"

"Anak ko rin 'yan, Rafael!" putol nito sa kanya.

Mabilis siyang bumaling dito. "At pagkatapos ano? Mawawala siya ulit sa'kin dahil sa'yo?! Hindi pa ba sapat ang mga pinagdaanan ko sa piling mo kaya you want me to be miserable again?! Ngayong magkakaanak na ulit ako, gusto mo ulit siyang mawala sa'kin?!"

Natigilan ito sa mga sinabi niya. Pero wala siyang pakialam. Hindi na niya ito hahayaang pumasok muli sa buhay niya. Masaya na siya ngayon na wala ito.

Mapait itong ngumiti. "Okay. If it's that what you want." anito na malalaking hakbang na lumabas ito ng kwarto.

Marahas siyang nagpakawala ng buntong-hininga. Pinipigilan niya ang emosyong matagal na niyang kinalimutan. Pero sa pagkakataong ito ay hindi niya napigilang pumatak ang mga luha niya. Natutop niya ang bibig para iwasang humagulhol.

Masakit na magpanggap na wala na siyang pagmamahal kay Vance. Mahirap magpanggap na masaya na siya na wala sa piling nito. He missed him so much. Pero kailangan niyang magtiis para sa kaligtasan niya–nila.

Sinapo niya ang impis pa niyang tiyan at tipid na ngumiti. "I will take care of you baby. I promise."

Willingly Yours (Great Pretender Series II)[Book 2]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant