Chapter 19: The Truth

895 11 0
                                    

Kinakabahan ako ngayon, dahil sasabihin ko na ang lahat-lahat sa kanya. Kasalukuyan akong nasa swing habang hinihintay si Dave. Past 7:25 na ngunit wala pa sya, pupunta pa kaya yun? Halos wala nang tao sa park, kinakagat nadin ako ng lamok. Dadating pa kaya yun?

Dave's POV


Pasulyap-sulyap ako sa relo ko habang nagmamaneho, its almost 7:35 pm kakatapos ko palang makipag-meetup kay Cassandra. Andun pa kaya si Eunice? Gabi na, baka umuwi na sya. Pero atleast I try to come naman diba? Kaya its either I am late or not, kailangan ko syang siputin.

Pagkatapos kong iparada ang kotse ko, inayos ko muna yung suot ko pati yung buhok ko. Kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin sakin in Eunice. 'Kaya mo yan Dave' pagco-convince ko sa sarili ko. Pagtingin ko sa relo ko, it is already 7:50 pm. Pagbaba ko sa kotse agad kong hinanap si Eunice nagbabasakaling nandito parin sya. May natanaw akong babae na nakaupo sa swing at natutulog? wth? Ganun na ba talaga ako ka-late? Agad kong pinuntahan yung babae na sa aking palagay ay si Eunice.

"Eunice, oy Eunice. Gising." paggising ko sa kanya. Pero ayaw nya paring gumising.

"Eunice, ako ito si Dave. Gising na, masyadong malamok dito para matulog atsaka masyadong delikado para sa isang katulad mo." paggising ko ulit sa kanya.

Eunice's POV

Naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. Hmmm, sino ba ang hamak na'to na mangigising saakin? "Eunice, oy Eunice. Gising." Pagtawag nya sa pangalan ko. Hindi nya ba alam na ang payapa na nang tulog ko? Ang sarap kaya matulog dito kung wala lang mga lamok na nangangagat.

"Eunice, ako ito si Dave. Gising na, masyadong malamok dito para matulog atsaka masyadong delikado para sa isang katulad mo." dagdag nya pa. Teka, sino daw si Dave? Aba, mabuti naman at sumipot pa sya. Iminulat ko na ang mata ko at marahas na tumingin sa kanya. "Bakit?" tanong nya. "Ba't ngayon ka palang? Napakaaga mo naman yata para sa 7 pm. Mabuti at sumipot ka pa. Ano naman ang dahilan mo kung bakit ka na-late, aber?" sermon ko sa kanya.

"Nakipag-meet lang sa akin Zach sa isang coffee shop medyo napahaba lang yung usapan namin kaya di ko namalayan yung oras, pasensya na." sabi nya habang may pakamot-kamot pa sa likod ng ulo nya. Tumango nalang ako sa kanya, kasi kinakabahan ako sa sasabihin ko.

Her Revenge | ✔Where stories live. Discover now