Chapter 20:Forgiveness & Courting

1K 12 2
                                    

Maaga akong nagising,kasi may pasok ngayon.Hindi naman ako pinag-drop nila mommy and daddy kaya hindi ko na kailangan pang umulit..magtatake lang daw ako ng exam,para Hindi na ako umulit.

Nakarating na ako sa school,marami ang napapatingin sa akin na mga estudyante. Pero hindi ko sila pinapansin at nagpatuloy lang sa paglalakad,papunta sa classroom.

Pag-bukas ko ng pinto nagulat ang mga kaklase ko,para silang nakakita ng multo.Naglakad lang ako,papunta sa upuan ko.

"Ayos ka na ba Rane?" tanong ni Sheryl,kaklase ko...Nga pala Rane ang tawag nila sa akin...ayaw ko kasing nagpapatawag sa una kung pangalan.

"Yeah I'm fine." Sagot ko sa tanong niya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito.Si Drake at Jane lang pala,hindi ko na sana sila papansinin,pero tumigil sila sa harap ko,kaya napatingin ako sa kanila.

"What do you need?"tanong ko sa kanila.

"Can we talk? Just the three of us." sabi in Jane at lumabas na ito,kasama si Drake. Tumayo ako sa kinauupan ko at sumunod sa kanila.

Nasa garden kami ngayon,nakita ko pa nga si Dave na nagtataka kung bakit ko kasama ko si Drake at Jane.

"Rane we're sorry about what happened a year ago!" pagbasag no Drake sa katahimikan.Nakikinig lang ako sa kung ano man na sasabihin nila.

"It's not Jane's fault that time Rane.It's really my fault...na challenge kasi ako sayo that time,kaya pumayag ako sa pustahan ng barkada.Your also a nerd that time at hindi ko akalain na mapapasagot talaga kita,pero habang tumatagal nahuhulog ang loob ko sayo. Nakalimutan ko rin yong tungkol sa pustahan." pagpapaliwanag in Drake,bigla namang nagsalita si Jane na ikinagulat ko.

" I'm his girlfriend that time Rane. I didn't know that his trying to court you. Kaya nong nalaman ko na naging kayo,pinuntahan ko siya kaagad sa classroom nila. Pero narinig ko silang nag-uusap tungkol sa isang pustahan at nagulat ako non ng bigla nilang banggitin ang pangalan mo." sabi niya,hindi ako umiimik at nakikinig lang sa paliwanag nila.

"Tinanong ko siya,kung bakit niya yon ginawa. Kung bakit siya pumayag at yon nga sinabi niya ang lahat-lahat sa akin,pipigilan ko na sana siya sa binabalak niyang gawin,kasi best friend kita,ayaw kung masaktan ka,pero hindi ko siya napigilan that time...I'm really sorry Rane I hope you can forgive us!" Dugtong niya,habang umiiyak. Nagawa kung magalit sa kanila,kaya magagawa ko rin silang patawarin.Siguro its time to forgive them after all they've become part of my life.

Her Revenge | ✔Where stories live. Discover now