Epilogue

1.2K 16 0
                                    


1 years later.........

Isang taon narin,simula nang sagutin ko si Dave. Ilang buwan rin siyang nangligaw sa akin,syempre sino ba naman ako para tanggihan siya. Kahit kami na patuloy parin siyang nangliligaw,mukha nga siyang sira e.

"Hey babe. Let's go we're going to be late!" Sigaw ni Dave sa labas ng bahay. Alam niyo ba kung bakit yan nagmamadali? Pupunta kasi ang barkada sa Korea, syempre para mag bakasyon. Namimiss ko narin si daddy, kaya dadalawin namin siya ni Dave. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse ni Dave,pero pagpasok ko bigla akong hinatak ni Dave papalapit sa kanya at hinalikan sa labi.

"Let's go." Sabi nito. Tumango lang ako sa kanya.Habang nasa byahe hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Fast forward

"Babe gising na. Nandito na tayo." Sabi ng boses,habang tinatapik ang aking pisngi ng mahina. Iaantok pa ako e. Sino ba itong hamak na tumatapik sa pisngi ko. Iminulat ko ang aking mata at nasilayan ko ang maamong mukha ng aking kasintahan.

"Nandito na tayo." Bumaba na siya ng sasakyan at binuksan ang kabilang pinto at inalalayan akong bumaba ng sasakyan. Napaka-sweet niya talaga,hindi ako nagsisisi na siya ang minahal ko.

Kung hindi dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Drake,hindi ko sana makikilala si Dave. Kaya nagpapasalamat ako,kahit masakit yong nangyari sa pagitan naming tatlo. Kahit ano mang pagsubok ang dumating sa amin,alam kung malalampasan namin ito. Basta may tiwala kami sa isa't-isa.

"Raneeeeeee!" Sigaw ng isang boses,kaya napalingon ako,kung saan ito nanggagaling. Nakita ko sa Jane sa may entrance ng airport, habang kumakaway,hindi parin siya nagbabago. Napatingin naman ako sa katabi  nito,nakangiti lang ito sa amin.

Lumapit na kami sa kanila,kasi pinagtitinginan na sila ng mga tao. Paano naman kasi ang ingay-ingay ni Jane.

"Hali na nga kayo,hindi ba kayo nahihiya,pinagtitinginan na kayo oh!" Pagturo ko sa mga taong nakatingin sa amin.

"Hay'naku Rane,hindi ka pa ba nasanay kay Jane. E mukhang nakalunok yan ng megaphone sa sobrang lakas ng boses." Sabi ni Drake. Napatawa naman kami ni Dave,habang si Jane nakasimangot na nakatingin sa amin,dahil sa sinabi ng boyfriend niya.

Fast forward

Nakarating na kami sa Korea. Ito namang mga kasama namin ni Dave manghang mangha sa nakikita nila. Tagsibol kasi ngayon,kaya may mga cherry blossom ang ganda nga ng tanawin e.

May sumundo sa aming kotse kaya madali kaming nakarating sa bahay. Pumasok na kami sa loob at nagulat  ako kasi nandito ang mga kaibigan ni Dave na sila Zach pati narin si mommy.

Nakita ko rin si daddy na kasama nila... Yong mga kasama ko naman naki-join narin sa kanila.Pumunta mo na ako sa taas para magpalit nang damit. Lumabas rin naman ako kaagad at pumunta sa terrace para magpahangin,maganda rin ang tanawin sa may terrace kasi marami lang makikitang cherry blossom. Nang biglang may yumakap sa akin.

"Hey bakit ka nandito?" Tanong ni Dave.

"Wala lang,gusto ko lang magpahangin..." Sagot ko sa tanong niya.

"Ang saya ko,dahil naging tayo....hindi ko alam na ikaw na pala ang nakatadhana sa akin. I love you Eunice Rane Park." Sabi ni Dave.

"Ako rin naman masaya rin ako,dahil ikaw ang nakatadhana sa akin. I love you more Dave." Sabi ko naman at hinalikan siya sa labi.


The End


a/n: Sa wakas after 12 months natapos rin itong "Her Revenge" akala ko hindi ko na ito matatapos e. Thank you sa mga readers kahit hindi kayo nagvovote ok lang at least alam kung binabasa niyo ang story ko..

Ps: thank you sa mga nagsusupport ng mga story ko. Kay gloomy_gus909 at kay wantsomerays.


~xoxoxoxo




Her Revenge | ✔Where stories live. Discover now