1: First day of class

382 19 2
                                    

The Unknown—Chapter 1           
"First day of class will start everything.."


---------

HER POV

Nakatingin ako sa salamin habang nagsusuklay. Hindi ko talaga maitatanggi na ang ganda ko. Mula sa maputi at makinis kong balat, mata na parang manika, buhok na itim na malambit pa, ako'y isang tunay na maganda. Oh, I'm not being conceited here okay? I'm just stating the fact.

Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Tumingin ako sa orasan at isang oras pa bago magklase. Kinuha ko yung phone ko at sinagot ang tawag.

"Moo! Andito na ako sa tapat ng bahay niyo. Bilisan mo alis na tayo!"

"Ano? Isang oras pa moo ah! Di ka naman excited nuh?" narinig kong natawa siya sa kabilang linya. Gaga talaga yun. Ang lakas ng trip.

"Okay na yung maaga kesa malate. Duh!"

"Oo na. Baba na ako. Wait mo ako diyan" binaba ko na yung tawag at tumingin ulet sa salamin. Ganda ko kasi eh.

Pagbaba ko nakita ko agad si moo na nakaupo sa sofa at kumakain ng cookies. Talaga 'to, feel at home palagi.

"Oh ano? Tara na!" sumenyas siya sa'kin na sandali lang dahil puno pa ng cookies ang bibig niya. Talaga naman tong bestfriend ko.

Pasalamat siya at ako ang bestfriend niya. Ako na si Bianca Daine Gonzales, ang campus sweetheart ay naging matalik niyang kaibigan.

"Oh, ano moo? Tapos ka na?" tumango siya at ininom yun juice na nakalagay sa center table.

"Salamat Bianca." inirapan ko na lang siya at lumabas na ng bahay. Wala sila mama at papa dito dahil nasa ibang bansa sila. You know, business.

"Sabi na nga ba at love mo ako eh" sabi niya nung nakapasok na kami sa kotse niya. Bigay ito sa kanya ng magulang niya nung 3rd year kami. Top student kasi siya kaya ayun, may reward.

"Tumigil ka nga Amber" inirapan niya ako at inumpasahan nang magmaneho. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at binuksan ang application na wattpad.

"Ayan ka na naman moo. Aga-aga, wattpad ang inuuna" hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ng chapter ko sa story ko.

Shinu Shi Naide Kudasai

Ganda ng title nuh? Syempre maganda ako. At dahil maganda ako at ang story ko marami na agad ang nagbabasa nito although konti palang ang chapters. Sa school, lahat ng classmates ko ay binabasa ito. Sabi kasi nila ang galing daw ng pagkakasulat ko dahil hindi daw nila mahuhulaan kung sino ang totoong killer sa storya. Yes, mystery/thriller ang genre na sinusulat ko. Lame kasi kapag romance ang sinulat ko. Masyado ng common.

"May mamamatay na ba sa story mo?" tanong ni Amber na hindi man lang tumingin sa'kin. Syempre, busy magmaneho.

"Wala pa. Pero malapit na" pinagpatuloy ko ang pagsusulat kasi kailangan ko na ito ma-update. Ang dami na kasing readers ang nag-aabang at excited sa susunod na kabanata at dahil mabait ako kaya ginagawa ko na.

"Ano ba kasing meron diyan sa wattpad na 'yan?" sinave ko muna yung draft ko at tumingin sa kanya.

"Stories, moo." I chuckled. Minsan pala nakakatuwa maging sarcastic lalo na pag ang itsura ng kaibigan mo ay parang napipikon. Pfft.

She rolled her eyes. "Alam kong may mga stories 'yan moo pero ano bang meron sa wattpad at super naa-adik ka diyan?"

"Pampalipas oras, simple as that" sa ikalawang pagkakataon inirapan niya na naman ako. Di na ako magtataka kung tuluyang umikot na yang itim sa mata niya kakairap.

The Unknown [on-going]Where stories live. Discover now