3.1: Updated

157 15 5
                                    

The Unknown—Chapter 3 part 1
"The story was updated... beware my friends"

--------


Nagsitalunan ang mga estudyante ng Class D nang makita nila na updated na ang "Shinu Shi Naide Kudasai". Wala man si Bianca dito tinupad niya pa rin ang kanyang pangako. Kanya-kanya silang labas ng mamahalin nilang cellphone at tahimik nilang binabasa ang bagong update.

Medyo mahinahon pa sila nung umpisa pero nang mabasa nila ang bandang gitna nag-umpisa na silang matakot.

May papatayin na ang killer.

Bago pa man nila matapos ang kabanatang iyon biglang dumating na ang kanilang guro na si Ms. Sofia Atienza. Kahit masasama ang kanilang ugali kahit papano may respeto pa din sila sa kanilang guro. Tanging siya lang ang nakakaintindi sa lagay ng mga estudyante ng Class D kaya minamahal siya ng mga batang ito.

Habang nasa kalagitnaan ng klase nagpaalam si Kclyn Tan, miyembro ng D' Girls, na pumunta sa banyo at naiihi daw ito. Pumayag naman ang guro kaya lumabas na ito.

Nakatingin lang sa bintana si Amber nang makita niya si Raybem. Anong ginagawa nito dito? Bakit wala siya sa kanilang klase? Nginitian ni Amber si Raybem pero di siya pinansin ng binata. Biglang nalungkot si Amber nang maalala niya na matagal pang mawawala si Bianca. 1 buwan? 2 buwan? Wala siyang idea. Walang paalam siyang lumabas ng klase. Pupunta na lang siya sa dati niyang tambayan at doon aaliwin ang sarili.

Break time na nila kaya agad na nagsilabasan ang mga estudyante sa kanilang classroom. As usual, pupunta sa cafeteria. Yung ibang babae dumeretso sa CR para magsuklay, maglagay ng kolorete sa mukha in short para magpaganda.

"AHHH!" nakakuha ng maraming atensyon ang babaeng kakagaling lang sa CR ng girls. Nagtaka ang mga estudyante sa kanya dahil puno ng pawis ang mukha niya at namumutla siya.

"May... p-patay!" agad na nagtakbuhan ang mga estudyante sa tapat ng CR ng girls at tinignan ang sinasabing patay na babae.


Naglalakad papuntang CR si Victoria Britney Ashton, estudyante mula sa Class D. Sweet, protective, minsan mataray, di natatakot at seryoso sa problema.

Nagtaka siya nang makita niya ang nagkukumpulang mga estudyante sa tapat ng CR ng girls. Dahil na-curious siya nakipagsiksikan na din siya hanggang sa makapasok siya sa CR.

Napahawak agad siya sa kanyang bibig nang makita niya ang katawan ng kanyang kaklase na wala ng buhay.

"K-kclyn Tan!"

Nakahiga ito sa sahig at parang nasunog ang kanyang balat. Naliligo na sa sariling dugo at may kutsilyo na nakatusok sa ulo.

Lalapit sana si Victoria sa bangkay ni Kclyn ngunit pinigilan siya ni Maria Rim Hyun, from class D. She's cold, popular, smart and mysterious.

"Don't." nagtaka naman si Victoria sa sinabi ni Rim. For pete's sake! Kaklase nila ang patay pero di man lang ito tinutulungan.

"Ano ba ang sinasabi mong--"

"Look at her. Parang natunaw na ano ang balat niya because someone put an acid there." napatingin siya sa katawan ni Kclyn. Tama nga si Rim hindi magiging ganun ang balat ni Kclyn kung walang asido. Unti-unti siyang napaluha. Kahit papano ay kaklase niya ito. Pero nanaig sa kanya ang takot. Sino ang pwedeng gumawa nito? At bakit niya ito ginawa?


FLASHBACK...

Naglalakad papunta si Kclyn sa CR. Super ihing-ihi na ito. Pumasok siya sa isang cubicle at umihi. Magf-flush na sana siya nang makita niyang may anino sa harapan ng kanyang cubicle.

Every breath you take


Every move you make

Every bond you break

Every step you take

I'll be watching you..

Nagtaka siya nang marinig niya ang boses na iyon. Nanlaki bigla ang kanyang mata nang may nakita siya likido na pumapasok sa cubicle niya. Binuksan niya ang pinto at sa di inaasahan nadulas siya at humampas ng malakas ang ulo niya sa sahig. Hindi lang iyon. Napasigaw siya sa sobrang hapdi ng balat niya. Para siyang tinutunaw ng likidong iyon.

Mangiyak-ngiyak siya sa nararamdaman niyang sakit pero mas naiyak siya nang makita niya ang isang taong may hawak ng kutsilyo at nakatutok sa noo niya.

"Tss, tss, tss. Say goodbye to your dear world"

Biglang nilaglag nito ang kutsilyo sa tapat ng ulo ni Kclyn. Doon natapos ang buhay ng dalaga.

END OF FLASHBACK

Kumalat na ang balita sa buong campus at dahil doon pinatawag ang lahat ng guro para sa pagtitipon.

Sa loob ng Class D, hindi maitatanggi ang lungkot na nararamdaman nilang lahat. Lalo na ang D' girls. Para sa kanila walang puso ang gumawa noon kay Kclyn.

"Oy makinig muna kayo!" sigaw ni Ai Lee, myembro ng D' girls. Nakuha naman niya ang atensyon ng kanyang kaklase.

"Sino sa tingin niyo ang gumawa nun kay Kclyn?" nagbulung-bulungan ang mga estudyante kaya hinampas ni Ai Lee ang lamesa.

"Sabi ng makinig eh!" for the second time tumahimik ulet sila.

Biglang nagtaas ng kamay si Phoebe Irish Estrella. Ang class president.

Tinignan siya ng lahat dahil sa pagtaas niya ng kamay. Pumunta siya sa harapan at tumabi kay Ai Lee.

"I think it's Bianca." seryosong sambit niya sa mga kaklase. Napa-"huh?" naman silang lahat dahil sa sinabi niya.

"Hindi 'yon magagawa ni moo." napatingin sila sa direksyon ni Amber. Seryosong nakatingin ito sa labas na akala mo ay may tinitignan.

"Why don't you read her update first?" suhestiyon ni Phoebe. Kanya-kanyang labas ulet ng cellphone ang mga estudyante. Pinagpatuloy nila ang pagbabasa ng kwento.

Biglang napasigaw ang isa nilang kaklase na si Gab, miyembro ng D' Girls.

"Oh no! Did Bianca really patay Kclyn? What's konek ba Phoebe? I don't kuha eh." napairap si Phoebe sa pagiging conyo ni Gab. Nakakadugo kasi ng ilong!

"Namatay si Kclyn dahil sa pagkadulas niya sa CR at sa asido. Kung ia-analyze niyo ang kwento. Parehong-pareho lang sila." napatayo agad si Keith Casper, ang lalaking nerd na may gusto kay Bianca, dahil sa sinabi ni Phoebe.

"Hindi totoong si Bianca ang pumatay! Umalis siya ng bansa kaya paano iyon mangyayari?" lumapit sa kanya si Phoebe at tinaasan ito ng kilay.

"Paano ka nakakasigurong umalis si Bianca?"

Kinuha ni Keith ang kanyang cellphone at pinakita ang text ni Bianca 2 hours ago. Ang oras kung kelan namatay si Kclyn.

Keith! Andito na kami and by the way in-update ko na ang story. Basahin niyo ah. Ingat! Bye!

Napakunot ang noo ni Phoebe sa nabasa niya. Kung 2 oras ng nakarating si Bianca at 2 oras na din ang nakalipas nang pinatay si Kclyn ibig sabihin hindi si Bianca? Pero sino?

May aninong nakatingin sa mga estudyante mula sa labas.

"Ganyan nga... Magkagulo kayo. Isipin niyo kung sino ang totoong killer. Bilisan niyo ah? Mainipin ako."


Tumalikod ito at lumayo sa Class D.

#TheUnknown

"Guess, who's the killer?..."

The Unknown [on-going]Where stories live. Discover now