2: Mini Park

212 15 12
                                    

The Unknown—Chapter 2               

"Darkness in MHU.."


--------

THIRD PERSON'S POV

Malapit na matapos ni Bianca ang susunod na kabanata. Nakatitig lang siya sa kanyang cellphone at nakapokus sa storya. May iba't-ibang ginagawa ang estudyante sa loob ng classroom. Ang iba ay nagdadaldalan, naglalaro, naglalandian, natutulog, at nagbabasa. Maingay man pinipilit niya ang kanyang sarili na magpokus sa istorya at isawalang-bahala ang ingay ng kanyang kaklase.

Sa kabilang banda, naglalakad si Amber sa hallway nang makita niya ang dati niyang kaibigan.

Si Raybem.

Babatiin niya sana ito nang bigla itong ngumiti ng nakakatakot dahilan upang kilabutan siya. Lumingon-lingon siya upang makita kung may nakakita sa ginawa ni Raybem ngunit walang estudyante na pakalat-kalat doon. Tanging siya at si Raybem lang ang naroon.

"Galit ka ba sa'kin?" tanong ni Amber sa binata ngunit hindi ito kumibo bagkus ay ngumisi lamang. Lalong kinilabutan si Amber sa inaasal ng binata. Hihingi na ba siya ng tulong? Dahil ang kanyang kaibigan ay mukhang wala sa sarili. O lapitan niya na lamang ito?

Naglakad siya papalapit sa binata at sa paglakad niya papunta dito ay siyang paglapit din ng binata.

Kakausapin na ba siya nito? Bati na ba sila? O magbabati pa lang?

Bumuka ang bibig ni Amber upang sana ay magsalita ngunit may nakakuha ng kanyang atensyon at napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Amber!"

"Oh?"

Hingal na hingal si Bianca. Marahil ay tumakbo siya mula sa 3rd floor hanggang dito sa hallway. Nagtaka naman si Amber dahil sa kaibigan niya. Bakit pa kasi kailangan nitong tumakbo papunta rito at hindi na lang siya tawagan? Minsan naiisip niya na may pagkatanga din itong kaibigan niya. Pero kahit ganun, mahal niya pa rin ito dahil tinanggap siya ng dalaga kahit maraming mga negatibong balita tungkol sa kanya ang kumakalat sa campus.

"Moo! Tuloy na yung alis ko mamaya!" nanlaki ang mata ni Amber sa sinabi ng kaibigan. Alam na niya na darating ang araw na ito. Mawawala ng panandalian si Bianca dahil may pupuntahan ang kanyang pamilya. Saan ito? Hindi niya alam.

"B-bakit moo? Iiwan mo ako?" napataas ang kilay na Bianca at hinampas niya ng pabiro ang kaibigan.

"Gaga! Hindi kita iiwan. Saglit lang ako mawawala. Promise, babalik ako" ngumiti si Bianca pero nanatiling malungkot si Amber. Mawawala ang kaibigan niya. Sino na naman ang makakasama niya?

Agad na napalingon si Amber sa likuran niya para kausapin sana si Raybem kaso wala na ito sa likuran niya. Saan kaya ito nagpunta? Bakit umalis agad?

"Sige. Babalik ka ah. Maghihintay ako."

Sabay silang umakyat patungo sa kanilang classroom. Lahat ng pares ng mata ay nakatingin sa kanila or more like nakatitig. Well, sanay naman na silang dalawa dahil hindi mapagkakaila na sikat silang dalawa. Yun nga lang, iba ang dahilan ng pagkasikat ni Amber.

Nang makaupo sila, kinuha agad ni Bianca ang cellphone niya at nag-type muli. Hindi ba ito nagsasawa kakasulat? Grabeng sipag!

"Yes!" napatingin ang lahat ng estudyante kay Bianca. Nakatayo ito at nakangiti nang malapad.

"Moo, ano ba yan? Umupo ka nga" suway ni Amber sa kanya pero hindi siya pinansin ni Bianca dahil para siyang nakalutang sa ere. Natapos na niya ang kanyang susunod na kabanata sa kanyang kwento kaya ganun na lang siya kasaya.

The Unknown [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon