5: cellphone case

177 5 10
                                    

The Unknown-Chapter 5

"Death is like a thief in the night."

------

"Shet naman! Bakit ka ba bigla-biglang sumusulpot Amber?! Hays! Super akong kinabahan," napahawak sa dibdib si Autumn dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

"Di kita ginulat," walang emosyong sabi ni Amber. Pareho silang galing sa lamay ni Kclyn at ngayon ay naglalakad na sila pauwi. Magkalapit lang ang bahay nilang dalawa ngunit hindi naman sila ganun kaclose dahil tanging si Bianca at si Raybem lang ang tinuturing na kaibigan ni Amber.

Autumn rolled her eyes. "Oo nga naman. Di ka nanggulat. Kaya pala bigla ka na lang sumulpot sa tabi ko," medyo binilisan ni Autumn ang lakad niya at inunahan na si Amber. Ayaw niya dito pero hindi naman siya galit. Sadyang di niya lang makalimutan yung naging issue kay Amber dati.

Habang naglalakad, napatingin si Amber sa cellphone na hawak niya. Bakit ganun? Tuwing nakikita niya ito parang may kakaiba siyang nararamdaman. Hindi ba dahil nag-install na siya ng wattpad application at nakalagay na din sa library niya ang storya ni Bianca? Shit. Di niya alam.

"Oo nga pala Amber," napatingin si Amber kay Autumn na ngayon ay kasabay na niya ulet maglakad. "Kailan daw ulet maga-update si Bianca?"

"Di ko alam."

"Psh. Ang damot naman nito. Eh ano na lang pala ang ibig sabihin ng Shinu Shu Naide Kudasai?" napahinto si Amber dahil sa narinig niya, maging si Autumn. Nabanggit na ito ni Bianca sa kanya ngunit parang sumiksik ito sa pinakadulo ng utak niya at di na niya maalala ang ibig sabihin nito.

"Basahin mo na lang ang kwento para malaman mo ang ibig sabihin," for the second time, Autumn rolled her eyes.

---

"Sht! Ang gwapo ko!" hangang-hanga na sigaw ni Zeon Black sa kanyang isip. He's the oh-so-famous-guy of MHU. Nasa loob siya ng comfort room ng mga lalaki at sobrang tinititigan ang sarili sa salamin na akala mo ay isa siyang napakagwapong modelo.

Bigla siyang napaderetso ng tayo dahil sa biglang pagpatay at pagbukas ng ilaw sa cr. Aaminin niya na natatakot siya. Shet naman kasi, parang kailan lang nung nabalitang patay si Kclyn tapos may ganitong eksena na naman?

"Putangina! Ayoko pa mamatay! Sayang ang kagwapuhan ko!" sigaw niya sa isip niya at kinuha ang kanyang mamahaling cellphone at ida-dial sana ang barkada niya nang may tumunog.

Every breath you take

Every move you make

Every bond you break

Every step you take

I'll be watching you..

"Oh! Bakit biglang tumunog ang cellphone ko?" agad niyang ini-stop ang music at kasabay nun ang pagkaayos ng ilaw. Napahinga siya ng malalim at agad na lumabas sa cr na 'yon.

---

"Omg! Let me take a selfie!" agad na kinuhanan ng picture ni Keung Park, selfie queen, ang kanyang sarili dahil sa nakasalubong niya ang crush niya at kailangan mai-post sa instgram ang kayang kinikilig na itsura.

Napairap naman si Camille Villano, mabait sa mabait, demonyo sa gago, makulit at pranka, dahil nakita na naman niyang nag-picture si Keung. Naiinis kasi siya dito dahil basag na basag na daw ang camera ng cellphone ngunit ayaw pa rin tumigil sa kakapicture.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unknown [on-going]Where stories live. Discover now