Chapter 4: The boy who lost his memory

4.7K 165 10
                                    

Chapter 4 - The boy who lost his memory

Sa ngayon ay half-regretful ako na sumama ako sa quest na ito. Hindi ko makaya ang bagyo. Tama, binabayo kami ngayon ng napakalakas na hangin at nakakagimbal na ulan at malalaking alon. Marahil ay ilang beses rin akong nasuka dahil sa pagewang gewang ng barko. Minsan nga ay muntik ko nang masukahan si Monsieur Picasso dahil napagkakamalan ko siyang jar.

            Isang linggo at kalahating araw na rin kaming naglalayag. Wala pang update sa akin si Hades tungkol sa aming patutunguhan. Pumirme lang ako sa loob ng aking cabin habang bumabagyo. Pero alam kong hirap ang crew sa itaas, lahat sila nakarain-coat at basang basa. Kakaiba ang mga amoy ng mga satyr kapag nababasa ang kanilang mga hooves, amoy basahan na basa na hindi nilabhan ng ilang araw.

            Nakasiksik ako sa isang gilid habang patuloy ang pagsigaw ng hangin at pagbulusok ng mga kidlat, naaalala ko tuloy si Zeus, nasaan na kaya ang mokong na iyon? Anong nangyari sa kanya? Bakit bigla na lamang siya nawala matapos niyang makipagbottomline kina Aphrodite at Hera? Hindi kaya may kinalaman ang dalawang iyon sa pagkawala ni Zeus? Ah, hindi naman siguro. Isa pa, nawala si Zeus nang siya'y umalis. Hindi siya kinidnap for ransom o ano pa man.

            Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa gitna ng bagyo, kahit gaano pa kalakas ang kabog sa aking dibdib. Nagising ako dahil sa mainit na pakiramdam. Ang una kong narinig ay ang tahimik na alon ng dagat, tapos na siguro ang bagyo. At pagkamulat ko ay may mukhang nakatapat sa akin. Mukha ni Hades.

            "Ahhh! Hades!"

            Bigla siyang umayos ng pagkakatayo at tumingin sa akin, tumatawa.

            "Sorry. Ang cute mo kasi tignan matulog.", giit niya.

            "Cute?", tanong ko, pagkahawak ko sa gilid ng aking labi, ay may laway. Kadiri. At tinawag niya pa akong cute, pasimple ko itong pinunasan at hinarap siya.

            "Bakit mo naman ako ginugulat nang ganoon?"

            "May kailangan ka malaman."

            "Huh?", napatingin ako sa pabilog na bintana ng aking kuwarto. Tapos na nga ang bagyo, mabuti naman.

            "Gising na si Poseidon."

            "Ano? Si Poseidon? Gising na?"

            "Kakasabi ko lang.", sabi niya, pabiro.

            Hindi ko na mapigilan ang excitement ko, agad kong hinablot ang kamay ni Hades at hinila siya palabas ng aking cabin patungo sa maingay at gumegewang gewang na hallway. May mga crew na nagsabi sa akin ng “good morning”. Tumungo  kami sa kuwarto kung nasaan si Poseidon.

            "Hinay hinay.", sabi ni Hades.           

            Pagkabukas ko ay nandoon nga si Poseidon, nakaupo sa kanyang kama, nakapajama at may bonnet na ulo ng  dambuhalang goldfish. Nilalaro ni Poseidon si Laelaps. At kahit mukha silang masaya ay kita pa ring mahina si Poseidon.

            "Posei--"

            Agad siyang tumingala at lumabas ang napakalaki niyang ngiti.

            "GUARDIAN AMBER!!", tumalon siya mula sa kama at agad akong niyakap. Marahil ay nagpaikot ikot kami sa kuwarto dahil pagkatapos niya akong yakapin ay may mga basag na vase na.

            "Poseidon! Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa iyo?"

            "Hmm! Ako pa. Ako yata si Poseidon. Walang magpapabagsak sa akin!"

Teenage Greek gods: The Missing god of the Sky Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon