Chapter 6: An eye for an eye

4.7K 164 11
                                    


Chapter 6: An eye for an eye

 

            The last few days ay naging mapayapa naman ang bawat 'landfall' namin, walang monsters o evil sorceress na gustong gawing baboy ang mga kalalakihan.

            I should be used to it, sabi ko sa sarili ko. Puro lalaki ang kasama ko dito at mga lalakeng hindi tao kaya ibang iba ang moralidad at prinsipyo nila sa buhay. Nasanay na rin ata ako na makakita ng hubad na isa sa kanila, minsan aksidente silang lumalakad lakad sa barkong hubad, nakakalimutang may babae pala on-board.

            And as usual, ay wala pa rin kaming masyadong lead kung nasaan si Zeus, maliban sa fact na napadaan siya kay Circe, nagdasal ako na sana buhay pa siya. Immortal naman ang mga gods, diba? Pero napakadaming panganib sa dagat, mapanganib ang lahat lalo na sa napakareckless na si Zeus, kahit god pa siya.

            Pinadala ni Hades ang kanyang mga Furies sa ere, matagal tagal ko na rin silang hindi nakita, ang mga uwak na may mga matang parang mga itim na jolen. Sabi ni Poseidon noon ay nakakagimbal daw ang itsura nila kapag nasa totoong form sila, kaya medyo natuwa ako na umalis sila para maghanap ng impormasyon at para hanapin na rin si Zeus. Pero after 2 days ay bumalik sila nang walang alam, pero sinabi nila kay Hades na may isang batalyon ng battle ships na palusong sa south, mukha daw may giyerang magaganap. Nagkatinginan kaming lahat, nagtataka, may koneksyon kaya ang batalyon na ito sa lahat ng nangyayari? On the first place, ano nga ba talagang nangyayari?

            "Naku, baka pakulo na naman ito ni Ares. Mahilig iyon sa biglaang mga giyera eh. That prick.", sabi ni Monsieur at pagkatapos niyang sabihin iyon ay may lumutang na arrow mula sa isang quiver ng crew at hinabol siya nito.

            Nagtawanan ang crew habang siya'y tumatakbo gamit ang kanyang matataba at maliliit na legs.

            "Mukhang nagalit si Ares.", bulong ni Hades.

            "BEHH!", pangaasar ni Poseidon.

            Dumaan ang mga araw at mas lalo akong naging curious kay J.D. at sa kanyang alagang hamster, madalas ay nakikita ko lang sila sa gilid ng main deck, tahimik. Kapag may pinapagawa naman kay J.D. ay sumusunod lang siya at hindi nagsasalita. Isang araw ay naisip kong pagtuunan siya ng pansin. Kapag wala siyang ginagawa ay tinuturuan ko siya ng archery, ginagamit ko ang maliit na impormasyong natutunan ko kay Hades noong mga nakaraang araw. At pag nagduduel naman kami wih daggers ay halatang kabadong kabado si J.D., nanginginig ang kanyang kamay at todo ang pawis niya. Maskara niya lang ba ang pagiging duwag?

            Meron kaya siyang agenda? Hay, wala, Ayokong isipin, baka naman sigurong galing lang siya sa shipwreck at walang maalala.

            "Pasensya na, Amber. Hindi ko talaga kaya makipagduel.", sabi niya sa akin.

            "Ayos lang. Kapag nasanay ka na sa buhay na ito ay unti-unting lalabas ang pagiging fighter mo.", pagencourage ko sa kanya.

            "Sana...", sabi niya. "Teka, paano mo nakilala sila Hades? Isa ka bang goddess?"

            "Ako? Goddess? Asa naman 'no. Two years ago ay binigyan sila ng kaunting lesson ng ama nilang si Kronos at inexile sila sa earth, sa panahong nasa exile sila ay tumira sila sa bahay ko in their teenager form, kung ano sila ngayon.", sabay ngiti ko sa kanya.

            "Kaya pala iba ang tingin nila sa iyo."

            "Huh?"

            "May gusto si Hades at Poseidon sa iyo, hindi ba?"

Teenage Greek gods: The Missing god of the Sky Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon