Chapter 7: Monsters, monsters and more monsters

5.1K 159 15
                                    

Chapter 7: Monsters, monsters and more monsters

 

            Nang gabing din iyon, matapos ang hindi gaanong kagandahang bisita namin sa isla ng The Gray Sisters ay agad kaming nagtipon sa cabin ni Hades, naghanda nga ng kape at cake ang mga satyrs. Umupo kaming lima sa upuan para pag-usapan kung saan nga ba itong "Pink Paradise" na ito.

            Nilabas ni Hades ang isang mapa at inilatag ito sa mesa, sa may harapan namin. Tinakbo ko ang aking daliri sa bawat lugar at isla ng Greece, specialized ang mapa na ito at wala sa normal na mapa ang mga lugar dito. Uminom si Hades ng kape at tinapik ng mahina ang mesa para kuhanin ang aming atensyon.

            "Pink Paradise? Ano sa tingin ninyo?", tanong niya.

            Bilang bumulalas si Monsieur habang sinisindihan ang kanyang tobacco, "Ha! Ang mga hukluban na Gray Sisters na iyon! Mga walang kuwenta! Hay naku, Hades. Paano kung niloloko lang nila tayo at wala namang Pink Paradise?"

            "Bakit parang inis na inis ka, huh, unano? Ex mo ba ang isa sa kanila?", tanong ni Poseidon.

            "No! What in the Underworld are you talking about?", inis na giit ni Monsieur Picasso.

            "Sa tingin ko ay palaisipan ang pink paradise na ito. Obviously, rhetorically at figuritavely ang ibig sabihin ng Gray Sisters. Saan bang mga isla dito ang maaring meron kulay pink ang gubat? O kung saan kulay pink ang mga tao?", sagestyon ko.

            "Wala akong alam.", bulong ni Monsieur. "Wala pa akong naeencounter sa loob ng eons na inilagi ko sa mundong ito."

            "Eons? Teka, gaano ka na ba katanda?", tanong ko.

            "Not for you to know!"

            "Gurang!", pangaasar ni Poseidon.

            "Oh sige. Anak ako ni Gaea at --", napatigil siya ng humirit ako.

            "Anak ka ni Gaea? Diba yun ang nanay ng lahat? Kung saan nagsimula ang lahat? At mga higante ang mga anak ni Gaea, hindi ba? Pero bakit..."

            "Bakit maliit ako? Stupid question! Matangkad ako dati, pinakamatangkad sa lahat ng mga higanteng anak ni Gaea! Ginagawa ko lang basketball ang araw at buwan! Pero dahil isa akong mabuting nilalang ay tinulungan ko sila Kronos -- ang mga Titans para talunin ang ama ng lahat na si Ouranos! Bilang kapalit ay binigyan nila ako ng imortalidad pero magiging unano ako!", paliwanag niya.

            May tunog ng pagiging bitter si Monsieur. Sa wari ko ay medyo pinagsisisihan niya ang pagiging unano. Marahil ay miss na miss niya na ang pagiging higante.

           "Okay, Monsieur. Calm down. Kailangan nating alamin kung saan ba ang Pink Paradise na tinutukoy ng Gray Sisters. Ipapadala ko ang mga Furies para sa impormasyon.", sabi ni Hades.

            "Hihingi rin ako ng tulong mula sa mga dolphins at Nereids!", sabi naman ni Poseidon.

            Napatingin ako kay J.D., tahimik siya, marahil na rin siguro ay wala siyang maalala at hindi siya nakakarelate sa kahit isa. Marahan niya na lamang hinihimas ang kanyang alagang hamster.

            Nagpatuloy ang paguusap namin tungkol kung nasaan si Zeus, may ibang hula sila Poseidon at Hades pero kahit ano ay hindi gumawa ng sense. Nabored ako sa halos dalawang oras kong pagkakaupo kaya ako'y napadrawing sa tissue na nasa hapag, gamit ang pluma ni Hades ay nakapagdrawing ako ng isang binatang itim ang buhok, matangkad, nakataas ang kanyang kamay at nakangiti. Si Zeus. At least ito ang inaasahan ko, masaya siya, nakangiti at malayo sa kapahamakan.

Teenage Greek gods: The Missing god of the Sky Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon