Chapter 42

65 13 0
                                    

Chapter 42

Race's POV

I tried, countless.

Ilang araw na simula nang maisugod si Zena sa ospital. Ilang araw na rin akong habol nang habol, umaasang kahit kaunting atensiyon ay maglaan siya para sa mga paliwanag ko. I want to talk to her, to convice her, to tell her everything between us. I want to enlighten her. Kung pwede lang iuntog ang ulo niya sa pader nang matauhan baka matagal ko nang sinubukan.

During those hell days that I had, I noticed the absences of Trish. Lagi siyang wala sa bahay. Hindi na kami halos nagpapang-abot. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta pero malakas ang kutob kong hindi siya sa mall nagtatrabaho o ano. I guess there were some things she didn't tell me about. A few number of question marks were flying in all sides of my head. Pwede bang magpahinga? Naguguluhan na ako sa totoo lang.

Zena was still avoiding me and then this thing about Trish. Ugh! Parang sasabog na ang ulo ko! Not to mention that I should be reviewing my notes since the finals are about to come. Halos lahat ay abala sa pag-aaral. Nalalapit na kasi ang pagtatapos ng first semester. Kailangan na namang magsunog ng kilay pero heto ako, nagsusunog ng s'welas ng sapatos kakahabol sa babaeng pinapangarap ko.

Parang gusto ko na tuloy ma-depress o ano. Tila ba may lubid na nakapalupot sa leeg ko. Nahihirapan na akong huminga. Pambihira! Bakit ba kasi nagkasabay-sabay pa ang lahat?

Madalang na lang din akong kausapin ni Gail. Good thing that she was somehow avoiding me. Nakonsensiya yata sa ginawa niyang kalokohan. Pwede niya naman kasi kay Clinton gawin 'yon bakit sa akin pa hindi ba? Sinasaktan niya lang ang sarili niya.

Hindi ko na rin halos nakikita 'yong tatlong kaibigan ko. 'Yong tatlong egnogs, si Ace, Aaron at Enzoy. Siguro dahil mas nagiging abala ako sa paghabol at pakikiusap kay Zena kaya nakakalimutan ko na sila. Palibhasa nawalan na ko ng oras para sa mga kaibigan ko kaya nang-iiwan na rin sila? Gano'n ba 'yon? 'Ni mag-shave nga ng balbas at bigote hindi ko na rin magawa. Napapadalas na rin ang hindi ko pagkain at ilang araw din akong nananatiling gising. I know! I know! Malaki nga ang binagsak ng katawan ko. Tanga, e. Nalason na ng pag-ibig. Cupid nga naman! Tsk! Tsk!

Nahinto na lang din ako sa mga iniisip nang makita si Zena na naglalakad mag-isa sa corridor. May klase kami ngayon at kasalukuyang nagdi-discuss ang prof sa harap. I don't know why but I stood up and went out of the room, completely ignoring the prof who called my name.

Dire-diretso ako sa paglabas ng silid at agarang hinila ang braso ni Zena papalapit sa akin. I don't care if the other students were looking at us. Ang mahalaga ay makausap ko si Zena ngayon.

"Race, bitawan mo nga ako!" Reklamo niya. Tila ba may sasabihin pa siya sa akin ngunit nahinto rin siya't napatitig sa aking mga mata. Pinasadahan niya rin nang tingin ang kabuoan ng katawan ko. Maybe guilt was killing her right now. I know she knew that she was the reason why I became like this. Nakalimutan ko na ang sarili ko dahil lang sa kanya.

Without saying anything, I dragged her with me. Dinala ko siya sa rooftop kung saan walang makakaabala sa pag-uusap naming dalawa. It's now or never. Kailangan kong buksan ang mga mata niya. Alam kong kayang-kaya niyang gawin 'to pero may takot lang na pilit pumipigil sa kanyang magmahal. And it was wrong.

Nang maisara ko ang pinto ng rooftop ay do'n ko lang din siya binitawan. Iniharang ko ang sarili sa likod ng pinto. Mahirap na't baka matakasan pa ako.

I faced her. The crease on her eyebrows were gone as I leaned closer and closer to her. I held her shoulders to stop her from making some back steps. When I secured the gap in between us, I made a weak smile and said, "I missed you." Saka ko siya niyakap nang mahigpit.

Wide Awake (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt