Chapter 56

55 5 6
                                    

Chapter 56

Race's POV

"Next time don't drive without wearing protection, okay?" One of the cops said.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil sa sinabi niya. It gave me second thoughts though. And those thoughts weren't good for kids. Hindi ko tuloy mapigilang mapalingon sa kasama ko, kay Zena at Alexsha na pareho akong pinagagalitan dahil sa kalokohang ginawa ko kanina.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko, hijo?" Tanong niya pa sa akin pero napailing na lang ako. I pressed my lips together just to suppress myself from laughing.

I just signed some papers and such a while ago. The cops gave me sermons and such as we waited Alexsha to pick us up. May binayaran din kami para matubos 'yong motorbike kong nakita nila ro'n sa lugar kung saan ko ito huling iniwan. They also took my driver license for a week. Sa susunod ko pa ito pwedeng makuha para magamit muli ang motorbike ko. Daming checheburetche. Mana pang sabihin nilang 'wag na lang ako magmaneho, e.

"If anything like this happens again, I won't help you anymore! My gosh! Didn't you just think of your image here in our town? I couldn't believe you!" Alexsha whined at me as the three of us walked out from the police station.

Napakamot ako sa batok ko't nahihiyang ngumiti sa kanilang dalawa. "Pasensiya na. Hindi na mauulit."

Then right after that, I felt Zena's hand hit my head. Aba? Nakakarami nang sapok 'to sa akin, ah? Kanina pa! Sinamantalang girlfriend ko siya!

Girlfriend? Sounds strange. I used that we didn't have the label from the day one then suddenly there's a drift like this? Hindi pa rin ako sanay pero abot tenga ang ngiti sa labi ko ngayon. She's mine. I'll keep her for a lifetime.

We rent a taxi on the way home. Dehado ako ro'n sa dalawa. Ang sakit nila sa tenga. Kung meron nga lang mga zippers ang tenga ko kanina ko pa ginamit. Alam ko namang concerned lang ang mga 'yan kaya todo galit sa akin. I love them anyway.

Hinahayaan ko lang sila magsisigaw sa akin. I am just busy looking outside when a thought suddenly crossed my mind.

"Doon ka na maghapunan at matulog sa amin." Sabi ko kay Zena.

"But—"

"Yeah. Right? I'll make a call to Lucas. I'll tell him you'd stay here overnight." Gatong naman ni Alexsha. 'Yon!

Tumawag si Alexsha kay Lucas at kinausap ito. Zena took the phone and talked to Lucas as well. Hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansin. Ayoko namang makisawsaw.

Nang makarating sa bahay, nakaramdam ako ng mga mumunting patak ng ulan sa balat ko habang naglalakad kami papunta sa front door. I looked up as the rain was pouring into a drizzle. Umaambon.

Lumapit agad ako kay Zena at inakbayan siya. Nauna na sa amin si Alexsha. Though Zena was wearing a hoodie, I used my hands to cover up her head from the rain.

"Hey! Bakit ako? Magpandong ka sa sarili mo! May hood naman 'tong jacket ko." Reklamo niya sa akin.

I just shrugged and kept the big pace. Nang makarating sa loob ng bahay ay kumuha agad ako ng tuwalya't binigay 'to kay Zena. Natauhan lang ako nang mapansing tinititigan na nila akong dalawa.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Zena.

"Y-yeah!" Sagot ko naman. "I promised to protect you, right?" Dahilan ko na lang.

Wide Awake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon