9

27.2K 331 3
                                    

CHAPTER 9

Tatlong araw na ang lumipas nang magsimula kaming magsiping ng lalaki. At sa tatlong araw na yun paulit ulit niya rin akong ginagamit. Sobrang sakit na ng katawan ko, pati ang nasa gitnang bahagi. Hindi ko alam kung nasasarapan pa ba ako sa ginagawa niya. Ayoko na! Yan lang ang tanging pabalik balik sa isip ko. Ayoko na talaga!

Para kasing binababoy niya lang ako, at sobrang nagsisisi ako sa hiniling ko. Nagsisisi hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, kundi sa kung anong nararamdaman ng puso ko. Tama kayo! Alam kong unti unti na akong nahuhulog. Ewan ko. Kahit hindi ko naman nakita yung mukha niya, pero hinahanap hanap ko siya. Kahit masakit na yung ginagawa niya hinahanap ko pa rin. At ayokong humantong sa sitwasyon na mahalin siya. Dahil mali ang mahalin ang isang kidnapper at higit sa lahat, maling mahalin ang hindi mo pa nakikita.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto habang nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama. Nakasuot na ng kung ano man tong damit ang pinasuot nila sa akin. Tinatanong niyo kung may tali at piring pa rin ako? Oo, at hindi nila hinahayaan na tanggalin ito sa akin. Parang feeling ko nga kapag tatanggalin na nila tong piring sa mga mata ko eh nabulag na ako.

"Ready?" Dinig kong tanong ng lalaki nang makapasok ito sa kwarto. Yan yung paulit ulit niyang binabanggit kung gagamitin niya ako.

"Tama na." Sa ngayon, ako na yung walang emosyon na nagsalita sa kanya.

"Tsk. What?" Nakakaloko niyang sagot at naramdaman ko ang paghipo niya sa braso ko.

"Hindi ka naman siguro bingi diba? Sabi ko, tama na!" Madiin kong bigkas at lumayo sa kanya. Kahit na nakagapos at nakapiring ang mga mata ko. Sinusubukan kong ilayo ang braso ko sa kanya.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo, Arusha?" Naging seryoso na ang tono niya. Lumalalim na rin ang paghinga nito.

"Loud and clear." Walang emosyon ko pa rin na sagot.

"Remember what you wish? Tinutupad ko lang. " seryoso pa rin nitong sambit.

"Then binabawi ko na!"

"That's bullshit, Arusha. Yan yung pinaka ayaw ko. Remember this, you are supposed to be dead right now." Madiin niyang bigkas.

"Yun na nga eh. Pinagsisihan kong hiniling ko ang mga bagay na yun. Sana pala pinatay mo na lang ako. " hindi ako nagpatinag sa sinabi ng lalaki. Mas gusto ko nalang sigurong mamatay kesa mahalin ang kriminal.

"Tsk. Wala ka palang pinag-iba sa nanay mo." Mahina na nitong sambit.

Agad naman akong napahinto sa sinabi niya. Kilala niya si Mommy?

"Kilala mo si Mommy?"

"Yes, and no doubt na mag-ina talaga kayo."

"Paanong kilala"

"Nabanggit ko na sayo 'to. You're father, Arnorld and you're mother, Shana betrayed me." May diin bawat bigkas niya. At pagkatapos biglang tumahimik ang paligid.

Paanong? Hindi ko maintindihan! Patay na si Mommy, namatay siya sa plane crash, si Daddy naman pinatay siya ng mga armadong lalaki.

"Then ikaw ba ang pumatay sa Daddy ko?" Naguguluhan kong tanong.

"No, sayang nga kasi hindi ako nakaganti sa kanya. Tsk. " Usal nito at narinig ko ang yapak ng mga paa niya palapit ulit sa akin. Hindi siya ang pumatay? Sino?

"At gusto kong ikaw ang pumalit." Sambit nito at ramdam kong nasa harapan ko na siya.

Hanggang sa maramadaman ko ang paghinga niya sa tenga ko.

"And I'll make sure na hindi ka makakalayo sa akin." Bulong nito sa tenga ko na nagpatindig ng mga balahibo ko.

Hindi ako papayag! Makakatakas ako dito! Kung ano man ang kasalanan ng magulang ko sayo, tangina. Wag mo kong idamay! Kung nakuha mo ang katawan ko, pero itong puso ko hindi mo makukuha. Dahil ayokong mahalin ang isang kriminal.

Kailangan mong mag-isip, Arusha. Wag kang bobo! Tumayo ako sa pagkakaupo at huminga ng malalim. Nag-isip ako ng ilang minuto.

"Tandaan mo 'to Arusha. Makakatakas ka na dito!" Bulong ko sa sarili ko at sinusubukang makawala sa posas. Pero laking gulat ko nang napigtas ko ito ng walang pwersa. Teka? Hindi nakalock? Sa pagkakaalam ko nakalock to.

Hindi ko nalang inintindi at agad na tinanggal ang posas na nakakapit sa kamay ko. Agad ko ring tinanggal ang piring sa mga mata ko at napagtanto ko na nasa maganda akong kwarto na wala pa ring bintana at nakasuot ng malaking damit pang-lalaki. Wala rin akong damit pang-ibaba, basta natatakpan lang ang hiyas ko dahil sa malaking T-shirt na pinasuot sa akin.

Dali dali akong tumakbo papuntang pinto at dahan dahan itong binuksan.

Nagmasid ako sa paligid habang nakadungaw ang ulo ko sa pintuan pero walang kahit anong tao akong nakikita. Mabilis akong lumabas sa kwarto at tinungo ang labasan ng hideout. Nakakapagtaka, wala akong makitang kahit isang tao sa loob. Agad akong dumeritso sa gate ng hideout nang makalabas ako at pati dito walang kahit sinong tao.

"Imposible." Bulong ko sa sarili ko at binuksan ang gate. Agad akong nabuhayan kasi bukas ang gate. At sobrang nakakapagtaka, iniwan nilang walang tao ang hideout. Tapos hindi nakalock ang posas sa kamay ko, pati na rin ang gate. Anong ibig sabihin nito?

Hayyss, bahala na! Basta makatakas ako!

Nang makalabas ako sa gate agad akong tumakbo papuntang kalsada dahil nasa sulok ng kagubatan ang hideout ng mga kriminal. Kahit sobrang sakit ng katawan at pagitan ng hita ko pinilit kong tumakbo. Laking tuwa ko naman ng marating ko ang kalsada saktong may bus na dumaan. Agad akong sumakay at wala na akong pake kung nakasuot ako ng malaking T-shirt at walang under ware.

Nang maka-akyat ako napansin kong parang nagtataka sa akin ang driver pati na rin ang pasahero ng bus, pero di ko nalang inintindi at umupo sa dulo. Pagkaupo ko palang sa bus nakaramdam ako ng pagkahilo at agad na dumilim ang paligid.

-Rachel_Punzalan

Harder MR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon