29

17.7K 248 14
                                    

CHAPTER 29

"I miss you." Napahinto ako sa sinabi niya. Namiss niya ako? Seryoso ba 'to? Biglang bumilis ulit ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Unang beses kong marinig ang salitang yun mula sa kanya. Kikiligin na ba ako?

Tumahimik ng ilang sigundo. Tanging paghinga niya lang ang naririnig ko sa gitna ng dilim. Hinihintay kong magsalita siya uli.

"Let's get married." Simple nitong ani na ikinagulat ko. Naistatwa ako at parang sobrang tagal mag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Kasal?

Napakunot ang noo ko. Bakit kasal kaagad?

"Hey, aren't you happy?" Tanong niya dahil wala akong imik matapos niyang sabihin yung mga salitang yun kanina.

Happy naman, pero ang aga naman yata. Di ko pa nga siya nagiging jowa tapos kasal ka—

"I know you're confused, but I can't wait." Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya.

"Para saan?" Tanong ko. Naramdaman kong ngumiti siya at hinawakan ako sa dalawang braso at pinaikot. At mukhang this time magkaharap na kami. Dahil nararamdaman ko ang paghinga niya sa noo ko.

"For owning you." Tipid niyang sagot ngunit iba agad yung epekto sa akin.

"You owned me already, Jhannos. May anak na nga tayo." Natatawa kong sagot.

"Not enough. I want to own you, legally." Ani nito na muntikan nang pumutok ang tiyan ko. Tangina, kinikilig ako. Jusmeyo, nagmumukha na akong teenager sa lagay na 'to.

Anebe nemen, Jhannos. Baby o, yung tatay mo!

Pilit kong pinipigilan ang kilig ko at baka mahalata niya. Nakakahiya kaya.

"So are you deal with that?" Agad namang nabawi yung kilig ko. Naman o, kala mo kabusiness partner ako.

"Itatanong pa ba yan?"

"Of course, what if someone bothering you and—"

"It will never happen, Jhannos. Matagal ko na 'tong hinintay, and finally. Natauhan ka na rin." Natatawa kong sambit at yumakap sa kanya. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik. Tahimik kaming nagyayakapan nang biglang bumukas ang ilaw.

"F*ck, I said don't open that fucking lights. Damn that gay!" Galit niyang ani. Kaya bibitaw na sana ako sa pagkakayakap sa kanya, nang mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.

"T-teka, Jhannos. Bakit may masakit ba sayo?" Pag-aalala ko dahil sa reaksyon niya.

"Nothing, I just hate lights." Sagot niya. Kaya mas lalo akong naguluhan. Maliwanag na ang buong paligid.
Bumaba yung tingin ko sa sahig at napatingin ako sa kamay ko na nasa likuran ni Jhannos. Nagulat ako dahil may dugo ito. Dugo? Bakit may dugo?

Ma,bilis akong kumalas kay Jhannos na hindi niya naman namalayan kaya nahiwalay siya sa akin.

Ngayon ko lang napagtanto na sobrang daming dugo ang nasa tagiliran niya at may mga pasa siya sa mukha. Oh Ghad! Yung polo niyang kulay puti ay nahahaluan na ng dugo, kaya klarung klaro ang sugat niya sa kaliwang bahagi ng tagiliran niya.

Harder MR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon