26

19.8K 273 5
                                    

CHAPTER 26

Grace's POV,

NAGLALAKAD ako papuntang condo ni Art at kailangan kong makita si Arusha. Naku naman kasi, bakit pa kasi ako yung nakita ng Jhannos na yun para maging espiyal ni Arusha.

Hindi naman talaga kami magkakilala ni Arusha noon, and then suddenly that man appeared. Ayoko sanang pumayag, pero nalaman niyang may gusto ako sa kakambal niya. Yes, you read it right. I am definitely in love kay John.

Kaya nga tinanggap ko ang alok na maging espiya ni Arusha at para narin ilagay niya ako sa kompanya na pinamamahalaan ni John. You know, I need closure.

Paano naging magkaibigan kami ni Arusha? Let's just say, plano ko talagang maging kaibigan siya. Para di na ako mahirapang alamin ang mga bagay bagay tungkol sa kanya. Lahat ng mga nangyayari sa kanya ay alam ko. Pero tinuring ko talaga siyang tunay na kaibigan, yun nga lang may misyon akong kinakailangang sundin.

Yung pagkidnapped sa kanya? Planado yun ni Jhannos at may kinalaman ako do'n.

FLASHBACK

"Boss, andito na ako sa Cebu." Bungad kong sagot sa kabilang linya habang hawak-hawak ko ang telepono sa aking tenga.

"Good, pinatakas ko na si Arusha. And sumakay siya ng bus for terminal, GDF 261 yung plate number. Gusto kong manmanan mo siya habang di ka nagpapakita."

"Okay, boss..."

"And by the way, pay her bill on that bus. Alam kong wala siyang pambayad, but make sure na hindi siya makakaalam na ikaw yung nagbayad."  Dugtong nito na sana papatayin ko na ang telepono.

"Sige, boss..."

"And one more thing, take care of her. Ms Saavedra." Dugtong uli nito sa kabilang linya. Naparolyo nalang ang mga mata ko at pinatay na ang telepono.

Shocks. He's deeply in love nga naman. Tsk. Sana ganyan din si John sa akin.

Nang makarating ako sa terminal ng bus, mukhang hindi pa nakakarating yung bus na sinakyan ni Arusha.

Kaya umupo ako sa may bench at tinitignan ang mga plate number ng mga bus. Nakasuot ako ng itim na jacket with hood at nakamaong na pantalon.

Pero di pa nga nangangalahati ang oras sa paghihintay ko ay dumating na ang bus na sinabi ni Jhannos.

Agad akong tumayo at pumasok sa bus habang pilit kong tinatakpan ang mukha ko, at baka makita ako ni Arusha.

Pagpasok ko agad napansin ng mga mata ko ang babaeng nakaupo sa pinakadulo ng bus habang mahimbing na natutulog. Kaya agad kong kinausap ang kondoktor ng bus at baka magising pa si Arusha.

"Uhmm. Manong, babayaran ko po yung pamasahe nong babaeng nakaupo sa dulo."  Sabay turo ko kay Arusha. Agad namang tumango ang kondoktor at binayaran ko na.

Harder MR. Where stories live. Discover now