40

14K 224 12
                                    

CHAPTER 40

DI PA RIN MAWALA SA ISIP KO YUNG NANGYARI.

Nasa kahabaan kami ng daan ni Samara habang sakay sakay sa pulang kotse niya. Abala sa pagmamaneho si Samara at ako naman ay di mapakali. Gabi na kasi at alam kong nasa bahay na si Jhannos.

Nang makarating kami sa bahay ni Jhannos mabilis akong bumaba sa kotse at nagpaalam kay Samara. Di na rin siya lumabas dahil may pupuntahan pa daw siya.

Pagpasok ko sa sala walang kahit sinong tao akong nakita. Ngunit nakabukas ang mga ilaw at may naaaninag akong kumikinang sa sahig ng kusina.

Bakit may nabasag? Dali dali akong umakyat ng hagdan habang dala dala ko ang mga paper bag na pinamili sa akin ni Samara.

Pagdating ko sa kwarto ay wala akong maaninag. Sobrang dilim dahil di nakabukas ang ilaw, kaya kinapa- kapa ko yung switch na nasa gilid ng pintuan. Hanggang sa nahawakan ko na yung switch at pinindot ito.

Agad napabilog ang mga mata ko sa aking nakita. Bumungad sa akin si Jhannos na prenting nakaupo sa sofa ng kwarto habang may hawak hawak na baso ng alak.

Nanlilisik ang mga mata nito na tila ba may nagawa akong kasalanan, na totoo namang may kasalanan talaga ako. Nakatigis ang panga nito at tinignan ako ng matalim sa mga mata.

"Where have been?" Mahina ngunit may diin bawat salita niyang binigkas. Halata sa boses nito ang galit. Agad namang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung paano siya magalit, kaya lubos akong kinakabahan.

"A-ano, m-may binili lang k-kami ni Samara." Nangangatog kong sambit. Pero di siya sumagot sa sinabi ko. Nanatili ang matalim niyang titig sa akin at tumayo. Ibinaba niya ang basong may lamang alak sa mesa ng sofa at dahan dahan lumapit sa akin.

Nang makalapit siya mas lalo akong kinabahan, nalalanghap ko na ang amoy ng alak. Agad akong napapikit nang itaas ni Jhannos ang kanyang kamay at handa na ang pisnge ko sa isang sampal.

Pero iba ang nangyari sa inisip ko. Naramdaman kong may humila sa braso ko paabante at dumampi sa aking harapan ang matigas at mainit niyang katawan. Lumingkis ng mahigpit ang mga braso niya sa likod ko at napagtanto kong niyakap niya ako. Agad akong napadilat sa pagkakapikit at nabitawan ko ang mga paper bag na hawak hawak ko. Iba ito sa inaakala ko, na akala kong sasampalin niya ako.

"I thought you leave me." Paos ang boses nitong bumulong sa kaliwang tenga ko habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Agad akong umiling at inilingkis na rin ang mga braso ko sa likod niya.

"Hindi, Jhannos. Hindi ko yan magagawa." Sagot ko. Pero mas lalo niyang hinigpatan ang pagyakap sa akin na tila ba ayaw niya akong pakawalan. Na tila ayaw niya akong mawala sa kanya.

"I thought you realized na hindi ako bagay sayo. Dahil mas matanda ako sayo at mukhang Tito mo—"

"Shhh. Jhannos hindi ko inisip yan. At kahit kailan hindi pumasok sa isip ko yan." Putol ko sa sinabi niya. Nakakatawa pala siyang mag-isip. Dahan dahan akong kumawala sa pagkayakap niya at tinignan siya sa mga mata. Pero agad akong nanlumo sa aking nakita. Bumungad sa akin ang mga mata niyang mamasa masa na bunga ng pag-iyak niya. Muling may tumulong luha sa pisnge niya na agad kong hinalikan siya sa labi para pawiin ang sakit na nararamdaman niya.

Harder MR. Место, где живут истории. Откройте их для себя