Ang Tinapay ni Liyong

9 0 0
                                    

Panahong 1880


"Yumeng! Bilisan na natin kung ayaw mong mahuli!" Pabulong na sigaw ni Ciang, pinsang buo ni Mayumi. Sila ay pupuslit muli sa kanilang tahanan habang ang kanilang mga magulang ay nasa Calamba, Laguna. Ngunit, ipinagbilin sila ng kanilang magulang sa mga tauhan ng mga Ignacio.

Sila'y naka-suot ng damit na ipinahiram sa kanila ng kanilang tagapag-silbi, kaya ay nagmukha sila ngayong tagapag-silbi. Hindi na sila makikilala bilang mga Ignacio, na isa sa mga sikat at mayamang pamilya. Ang magpinsang Ignacio ay pumuslit dahil sa kahilingan ni Yumeng na gusto nitong magliwaliw sa kamaynilaan. Dahil sa oras na bumalik na muli ang kanilang mga magulang, si Yumeng ay uuwi na muli sa Espanya, kung saan siya lumaki, habang ang pinsan niya'y taga-rito lamang sa Filipinas dahil sa taga-rito ang kanyang inang purong pinay.

Nang nakalayo na sila sa Casa Ignacio, ay dumiretso sila sa Balintawak (Quezon City), nais niyang magdasal sa Simbahan ng Sto. Domingo kaya doon na ang kanilang tungo. "Mabuti't siesta ngayon, ano nga, Ciang?" Natutuwang sambit ni Mayumi.

"Oo nga. Salamat at ang mayordoma namin ay tulog! Yanong sungit kasi 'non, e!"

Bagama't lumaki sa Espanya si Mayumi, pinag-aralan nitong magsalita ng tagalog at naging bihasa rin siya dito. Pumasok sila sa loob ng Simbahan ng Sto. Domingo at lumuhod, tsaka nagsimulang magdasal. Ipinagdasal niya ang Pilipinas at ang mga Pilipino'ng naghihirap sa kamay ng mga kastila. Ikinalulungkot niya na isa siya sa mga kastila dahil isa siyang Espanyol na may dugong Hapones. Hindi man nananalaytay ang dugong Pilipino sakanya, ay alam niyang sa puso niya ay Pinoy siya.

"Saan naman tayo?" Tanong ni Innocencia, pagkatapos nilang magdasal at nakalabas na sila sa simbahan.

"Maglakad-lakad na muna tayo." Ani Mayumi. Habang naglalakad ay may naamoy siya. Napakabango nito na tipong mapapatigil siya dahil sa bango. Natakam siya. "Huelo algo delicioso (I smell something delicious)," Bigkas muli ni Mayumi na naintindihan naman ni Innocencia.

"Oo nga! Ano kaya ang amoy na iyon?" Tugon naman ni Innocencia.

Hinawakan ni Mayumi ang kamay ng pinsan at hinila na ito sa kung saan nanggagaling ang amoy. Habang naglalakad ay lalong lumalakas ang masarap na amoy ng bagong lutong tinapay.

"Ciang! Mukhang nalalapit na tayo! Ang bango-bango!" Pumikit pa si Mayumi na animo'y dinadamdam talaga nito ang amoy ng bagong lutong tinapay. Hanggang sa napatigil sila sa isang panaderya na nagngangalang "Panaderya ni Virgilio". Namangha naman ang magpinsan, lalo na si Mayumi, na minsan lang makakita ng ganito, dahil hindi naman siya pinalalabas ng magulang niya.

Tumingin sila sa mga tinapay na nakahilera, na ang tanging pagitan lang ay ang mababasaging salamin. Naupo si Innocencia sa harap ng mga tinapay at isa-isang tinitigan. Natakam si Mayumi habang naniningin parin sa mga tinapay, kung kaya't balak niyang bumili ng madaming tinapay sakanilang mga paninda.

Ngunit naunahan siyang magsalita ng isang binatang makisig at matipuno ang pangangatawan at napaka-gwapo rin, na nasa kaniyang harapan, "Magandang hapon, binibini! Ano ang iyong nais bilhin sa aming mga tinapay?" Napatayo ng maayos si Mayumi dahil hindi kaaya-aya ang kaniyang posisyon.

"Na-narito ako upang bilhin tig-iisa nitong mga naka-hilera'ng ito. Magkano ba sila?" Nahihiyang sambit ni Mayumi habang tinuturo ang mga tinapay.

"Kung bibilhin mo tig-iisa ang lahat, tatawaran na kita—"

"Ay hindi! Kahit huwag mo nang tawaran, may pera naman a-ako..."

Ngumisi ang binata. "Batid kong pumuslit ka lamang sa inyo, binibini. At ika'y hindi tagapag-silbi, kun 'di ay isa kang mayamang dalaga," Nagulat si Mayumi at agad natikom ang bibig.

Paano niya nalaman? Manghuhula ba siya? O sadyang ganoon na lamang ako kadaling mahalata? Nangangambang tanong ni Mayumi sa kanyang isipan.

Itinaas na lamang niya ang kanyang isang kilay at humalukipkip, "Ang aking tanong ay kung magkano ang mga ito. Bakit mo iniiba ang usapan? Muy molesto(So annoying)," Wika ni Mayumi na inilabas na ang kamalditahan para mapagtakpan ang hiya.

Sinuri niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya mukhang mayaman? Bakit siya ganyan umasta? Baka mayaman rin siya? Tanong niyang muli sakanyang isipan. Hindi niya rin maipagkaila na ito'y gwapo!

Natawa ang binata. "Son veinticinco centavos cada uno (It's twenty five cents each)," Nagulat si Mayumi at muli na namang nahiya dahil nakakaintindi pala ito ng wikang Espanyol. 

Umalis sa harapan niya ang binata saglit.

"Bibilhin ko na—" Natigil si Mayumi sa pagsasalita ng naamoy na naman ang mabangong amoy na iyon. Napansin niyang may kinuha sa horno ang binatang kanyang kausap at ito'y nangamoy. Kumislap ang kanyang mga mata ng makita ang kanina niya pang naaamoy.

Iyon pala iyon. Ngunit anong tinapay iyan? Tanong niya sa sarili.

Nang hindi na makapagpigil ay agad niyang inusisa ang tinapay na iyon, "Anong tinapay iyan?" Ang kanyang kamalditahan ay nawala at napalitan ng inosenteng itsura.

"Hindi mo alam ito? Pan espanyol ang aking tawag sa tinapay na ito...Ngunit may inilagay ako na lalong nagpasarap sa aking tinapay," Sabi ng binata habang inilalagay ang mga ito, sa tabi ng isang tinapay. Isa na ito sa mga nakahilera.

"Iyan na lang pala...a-ang bango..." Nakatitig sa tinapay na sinambit ni Mayumi.

"Eto ay veinticinco centavos lamang, ilan ang iyong nais bilhin?"

"Nais ko sana'y mga limang piraso, maaari ba?"

Tumango naman ang binata. Binigyan ni Mayumi ang binata ng limang piso bilang pambayad. 

"Nais kong malaman ang iyong pangalan, binibini," Ibinigay niya ang isang balot ng pan espanyol kay Mayumi. Nang tanggapin ni Mayumi ay bahagyang naglapat ang kanilang mga daliri at nakaramdam ng nakakakiliting kung ano na nagpataas ng kanilang balahibo.

Napangiti sa isa't-isa ang dalaga't binata.

"Mayumi Ignacio. Yumeng na lang." Masayang pakilala ni Mayumi habang inaamoy ang tinapay.

"Ako si Virgilio Cruz. Liyong na lang ang itawag mo sa akin."

Hindi napigilan ni Mayumi na kumuha ng isang pirasong pan espanyol. Kumagat agad siya at nilasap ang lasa ng tinapay.

Diyos ko! Ang sarap nitong tinapay na ito! Ani sa isipan ni Yumeng.

Ngumiti siya kay Virgilio, "Ang sarap nitong tinapay mo, Liyong! Gracias! " Ngumiti naman ng matamis ang binatang si Liyong pabalik sa dalaga.


"Walang anuman, binibini."

FlorilegiumWhere stories live. Discover now