NBSB, Only Suitors

5 0 0
                                    

PART I

Pumalakpak ako at hindi na napigilang maluha para sa pinsan ko.

“Congrats!” Sigaw ng iba para sa bagong kasal at nagsitayuan pa.

Maraming picture muna ang naganap bago lahat kami ay dumiretso na sa reception. Pagdating sa hotel ay nagpalit agad ako ng violet off-shoulder dress. Naka-check in ang buong pamilya namin sa hotel kaya nagpalit na rin ang iba ko pang babaeng pinsan.

Perp dito nila sa kwarto ko mismo napiling mag-ayos kaya ang gulo. Lalo na ang mga pamangkin kong patakbo-takbo kung saan-saan.

“Sevi!” Napalingon ako sa babaeng pinsan ko na kakapasok lang ng suite ko.

Nginitian ko siya. “Bakit? May kailangan ka?” Sunod na pumasok ay ang asawa niya. Nginitian ko rin ito.

“Galingan mo sa pagsalo ng bouquet mamaya, ah? Sa’yo ko mismo ihahagis sa’yo nang ikaw naman sa susunod ang maikasal!” Tumawa siya at ang mga pinsan ko.

“Kasal agad? Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend.” Inilingan ko siya.

Sa aming magpipinsan, lima kaming pinanganak ng parehas na taon. Sa aming lima rin, ako na lang ang hindi pa naikakasal. Meron rin akong pinsan na mas bata sa akin na ikinasal na noong nakaraan taon.

Napag-iiwanan na nga yata ako.

“Sarap mong i-reto doon sa pinsan ng kaibigan ko, Ate Sev. Gwapo kaso masyadong tahimik. Hindi kayo magki-click dahil tahimik ka rin.”

Sinimangutan ko si Amanda.

“Ayaw ko rin naman ng mga reto-reto na ‘yan, yung mga blind dates ganon.”

“Babaguhin ko na lang mechanics nung bouquet throwing. Kung sinong matamaan, sa kanya na ang bulaklak. Alam kong hindi mo sasaluhin ‘yon, Sev.”

“Don’t even try that, Far.” Banta ko.

She shrugged. “O, siya, bilisan niyo na at bababa na kami. Pumunta lang ako rito para sabihin sa’yo, Sev, na itatama ko talaga sa’yo ‘yong bouquet ko.”

Inirapan ko siya. “Hindi ako sasali. Lagi niyo na lang ako pinasasali dyan.”

“Tagal mo na kasing single, Sevrine. Ayaw naming tumanda kang dalaga, sayang ang ganda ng lahi natin.” Singit ni Yama habang inaayos ang kulot ng buhok.

Napapailing na lang talaga ako. Sa kanila at sa sarili ko.

Umalis na ang bagong kasal at sabay-sabay na kaming bumaba sa ballroom ng hotel at hinanap ang table namin. Umupo ako sa tabi ni Mama, sa tabi niya ay si Papa. Ang kapatid ko naman ay nasa kabilang table kasama ang mga nakababata ko pang mga pinsan.

Kasama ko naman sa table ay ang magulang ko at magulang ng mga pinsan ko. Nandito rin ang apat kong pinsan na may pamilya na.

Pinagmasdan ko si Yama, Jeileen, Karlos, Jacqy at Eina kasama ang munti nilang pamilya.

Bumuntong hininga ako.

Next year naman, ikakasal na si Amanda. At ako ito, kahit boyfriend... wala. Tatanda na nga ata akong dalaga!

Maraming ginanap sa party at wala akong ibang ginawa kung ‘di ang kumain. Dapat lumipat na lang ako sa table ng mga pinsan ko na walang mga ka-relasyon. Masyado akong loner sa table namin.

Sina Mama at Papa pati ang mga tito at tita ko nagkekwento ng buhay mag-asawa. Pinaalalahanan pa nila ang kapatid ko at ang kasama nitong girlfriend na huwag mamadaliin ang lahat.

“Ay, itong si Sevrine naman hindi ko alam kung bibigyan pa ba ako nito ng apo.” Biro ni Mama na sinimangutan ko.

“Mama naman...”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FlorilegiumWhere stories live. Discover now