Four Ever

102 4 1
                                    


Fight for love

"Four-ever"
Shindou story

Ang mundo ay isang lugar na may tao.. may nabubuhay may namamatay... mundo na nagbibigay ng saya at lungkot.. pagkabigo at tagumpay.. pero hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung di mo paghihirapan...

Ako si shindou... hindi lng simpleng tao.. may nakaatang na responsibilidad sa aking lahi.. ako ang kahulihulihang taong lobo na may dugong bughaw... ang prinsipe ang "Kaharian ng Pergamos"

Nawalan ng magulang... tinalikuran ng aking kapareha... ng tao sanang makakapiling ko sa habang buhay... tinalikuran ng babaeng itinakda sa akin..

Shindou: paano ko ito makakayanan? Kung ang babaeng ihahatid sa akin ng puno ng itinakda ay tumakas? Hindi ba ako sapat?!

Sabi ko habang nakatayo sa tuktok ng aking kastilyo...

Akoy kilala bilang matapang.. magaling mamuno.. panalo sa mga digmaan.. pinaka matalino sa buong Pergamos! Tinitingala ng lahat...

Shindou: pero tinalikuran parin...

Ininom ko ang alak sa aking kupita (baso)

Shindou: hindi ako papayag na ganito...

Lumakas ang hangin.. ang kapangyarihan koy nagpaparamdan..

Shindou: sisiguraduhin ko.. na sa oras na mayakap ka ng aking hangin.. di na kita hahayaan pang makawala.. aking reyna..

------
Fight for love

Shindou story

Chapter 1

Sa kaharian ng Pergamos.. "The Land of the Ruler"... ako ang namumuno.. ako si Takuto Shindou.. the Great Ruler of all..

Ang tanyag bilang isang makisig na mandirigma...

Kinatatakutang hari ng lahat...

Pinakabatang nagmana ng trono sa mundo ng lahat..

At ang hari na tinalikuran ng kanyang itinakda...

Babaylan: Mahal na hari.. ilang taon na ang nakakalipas ngunit ang itinakdang babae ay di parin lumalabas....
Shindou: totoo ba na isa ako sa mga itinakdang lalaki?!
Babaylan: opo.. opo.. iyon poy totoo..
Shindou:marahil nagkamali ang propesiya...
Babaylan: hindi po magkakamali ang propesiya.. mahal na hari..

Ininom ko ang alak sa aking kupita.

Babaylan: ang tanda sa iyong palapulsuhan mahal na hari ang patunay... ang simbolong iyan ang nagsasabing ikaw na nga po ang ikaapat na itinakdang lalaki.. ang kapareha ng itinakdang babae na lalabas sa puno ng itinakda..
Shindou: ngunit asaan sya?!
Babaylan: marahil may nanggulo para di makatagos sa mundo natin ang itinakdang babae..
Shindou: alamin mo.. ang dahilan at dapat kong gawin.. maging ang wangis ng itinakda.. ang buhay nya.. at paano ako makakapunta sa kanya.
Babaylan: masusunod po.

Lumipas ang ilang linggo...

Ang nakaraan:

Ito na ang araw.. ang sinasabing araw na paglabas ng itinakda para sa akin.. ang babaeng makakasama ko sa habang buhay...

Ako ngayoy nakatayo.. hinihintay ang paglabas ng aking kapareha.. kasama ang buong pergamos..

Ngunit 3 araw na.. wala parin ito... pinauwi ko n ang mga mamamayan at akoy nagpaiwan..

Sumapit ang ikaw 4 na linggo..

Tenma: shindou... marahil... kailangan mo ng umuwi..
Shindou:hindi pa sya lumalabas.. di ako aalis..
Tenma: ang aking kaharian ng Philadelphi ay lubos na nagaalala sa kalusugan mo..
Tsurugi: maging ang kaharian ng Laodicea ay pinapahatid din ang pagsang ayon..

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now